Ang dami nang mga kaganapang naganap dito sa Pilipinas at sa Buong Mundo mula nang huli akong nakapagsulat dito sa aking pinaka mamahal na blog!
Pinagkakaguluhan na ng mga NBA fans si Jeremy Lin, Pumanaw na si Whitney Houston, Lumindol na sa Negros Oriental, Banned for life na sa Boxing si Luis Lazarte, Nililitis na si Chief Justice Renato Corona sa Senado, Hindi na daw matutuloy ang kasal nila Dra. Vicky Belo at Hayden Kho, In love na daw si Pnoy kay Grace Lee, Nanalo na si Betong sa Survivor Philippines, House Player na lang si Paco Evangelista sa PBB Unlimited, Final Cook-off na nila Kyle, Mica, Philip at Jobim sa Junior Master Chef, Di inaasahang bigla akong naka experience ako ng Lingam Massage, Lumipat na ng puwesto yung paborito kong tindahan ng Japanese Siomai sa kanto, Giniba na yung Sari Sari Store na pinag papa load-an ko at ginagawa nang apartment, nasa Chapter 10 na ako ng The Chronicles of Narnia: The Horse and his Boy, at habang sinusulat ko ang post na ito 1 Month 8 Days 7 Hours 27 Minutes at 39 Seconds na akong employed sa bago kong pinag ta-trabahunan sa Eastwood City Libis!
Tama! Ang number 1 reason kung bakit halos i-abandon ko na ang aking blog ay ang huling sentence na isinulat ko sa itaas! Oo! Lumipat na ako nang pinag ta-trabahunan. Nasa Eastwood City Libis na ako ngayon. Mga Briton na kamag anak nila Hermione Granger at Harry Potter na ulit ang madalas kong kausap sa araw araw! At dahil bagong trabaho at bagong company lahat ng atensiyon ko nasa work lang! Super focus! Puro trabaho! Wala nang lovelife! At siyempre dahil bagong account ulit, pabago bago rin ang schedule ko. Minsan ilang araw na from 8:00 PM to 5:00 AM ako then all of a sudden kalagitnaan ng linggo biglang magiging 3:00 PM to 12:00 MN na! Ang hirap mag adjust pero ganun talaga ang buhay ng mga taong nasa huling uri! Ang uring karaniwan.
Madalas nga pumapasok ako na halos ilang oras lang ang tulog ko. Minsan pa nga, umuwi lang ako para maligo then balik na ulit sa trabaho! Ang hirap ng kulang sa tulog. Ang pangit ng pakiramdam, laging inaantok, laging balisa, laging gutom, laging wala sa mood, laging tulala! Hindi maganda!
Ang totoo niyan, miski dati pa man, sanay naman ako sa puyat. Pero dahil last year nga halos buong taon akong nag pang umaga at ngayon lang ulit ako naging bampira, hirap ulit ako na mag pang gabi! Ewan ko kung ang pag pupuyat ko ulit ang isang reason kung bakit lately “Too Much or Too Little” nanaman ako.
Sobrang extremes na naman ako lately! Its either masayang masaya or malungkot na malungkot. Its either kuwento ng kuwento or sobrang tahimik. Its either palabiro or halos hindi makausap. Its either walang gana kumain or walang tigil sa paglamon. Its either tiwalang tiwala or iwas na iwas! Hindi naman ako adik! Pero ganun talaga! Ang hirap! Ewan ko kung may sense ang mga sinasabi ko, pero ganyan talaga ako. Eversince naman, miski nuong bata pa ako, extremes na talaga ako. Lately lang talaga parang sumosobra nanaman ang pagka extreme ko! “Too Much or Too Little“! Ang hirap! Hindi naman ako baliw! Hindi naman ako sira ulo. I’m not crazy! I’m just a little unwell!
Alam ko na maraming tao sa paligid ko ang nahihiwagaan, nalilito at nahihirapan ding maintindihan ang moods ko. I’m sure na pinag uusapan nila ako at may kanya kanya din silang mga haka haka kung bakit paiba iba ang moods ko. Hindi ko sila masisisi. Hindi ko sila masisisi kung hindi nila ako maintindihan. Sa totoo lang din naman kasi, miski ako hindi ko rin maintindihan minsan sarili ko! Pero sana maintindihan nila na tulad din naman ako ng ibang tao! Yun nga lang I am either: “Too Much or Too Little“!
Pero sa totoo lang, kung ikukumpara ko several years ago, mas na ko-control ko na ang sarili ko ngayon! Alam ko na kung paano i-handle ang sarili ko lalo na kung nararamdaman ko na na nag su-swing na naman ang moods ko. Hindi ko na hinahayaan na may masaktan pa akong ibang tao nang dahil lang sa mood swings ko! Lately, umiiwas na lang ako sa pakikisalamuha sa mga tao kapag alam kong ” Too Much or Too Little” nanaman ako! Mahirap kasi na may makasamaan pa ako ng loob! Pagod na ako sa gulo, away at galit! Gusto ko na ng tahimik na buhay! Yung walang problema!
Ang wish ko lang ngayon ay sana maka kilala din ako ng iba pang tao na tulad kong ” Too Much or Too Little“! Sana!
Daniel P. Yuson Jr.

Page 54