CHAPTER THE FIFTH

Posts Tagged ‘NBI Clearance processing in Robinsons Galleria’

” NBI Clearance “

In Mga sigaw nang aking pusong makabayan on January 5, 2012 at 12:25 pm

Miski  wala pa halos tulog mula sa read over nang script ng isang play na gagawin namin this summer, sinamahan ko sa pagkuha nang NBI Clearance ang friend ko na si Franco. Hindi na ako nag dalawang isip pa na samahan si Franco nang magyaya ito sapagkat, plano ko rin naman talaga na kumuha nang nasabing clearance sooner or later! At dahil may nagyaya na, that opprtunity came sooner! Anyway, napagdesisyunan naming sa Robinsons Galleria na kumuha nang NBI Clearance since ito naman ang pinaka malapit mula sa Cubao area kung saan kami mag mumula.

On the way na kami sa Robinsons Galleria at around 5:00 A. M., at dahil maaga pa at ikalawang araw pa lang nang taong 2012, it took us roughly 10 minutes from Cubao to get to Ortigas. After crossing the maze like overpass, sa tapat na mismo nang Robinsons Galleria ang baba namin kung saan bumungad ang isang battalion nang mga tao na obviously ay maaga nang pumila para makakuha nang NBI Clearance.

I guess we were very lucky kasi from where we ended up queuing, it seems like there were just less than a hundred people infront of us! Then just a few minutes after kami maka pila, sunod sunod na rin ang dating nang mga tao. Before we could even finish singing ” Someone like you ” in duet, halos doble na nang pila sa aming unahan ang nasa aming likuran!

Maayos naman ang naging sitwasyon sa pilahan sapagkat panay panay ang inspection nang mga Security Police na naka Blue. Parati silang nagiikot para mag paalala sa mga tao na ayusin ang pila. Lahat naman halos ay sumusunod, maliban lang sa pailan ilan na dumidiskarte pang maka singit sa pila! Hindi naman nag tatagumpay ang mga dorobong mukhang singit na ito sapagkat mismong mga tao din na nasa pilahan na ang mga sumisita para ituro sa mga ito na sa dulo dapat sila dumugtong nang pila! Yan ang Disiplina!

Eksaktong 7:00 A.M. nang magsimulang mag bigay nang ” Numbers “, as Franco and I earlier predicted, we were in the first 100! We got numbers: 91 and 92! That means, ma-aacommodate kami from 8:00 A.M. to 12:00 NN! Since may cut off silang 500 applicants a day, first 250 maipa-process nila sa umaga then yung second half from 1:00 P.M. to 5:00 P.M. na!

After ibigay ang mga numbers sa Front entrance, pinapasok na kami sa loob nang Mall. Balak pa sana namin bumili ng foods ni Franco but since wala pang bukas na McDonald’s or Jollibee man lang, we decided na dumiretso na sa East Lane Basement 1 kung saan naanduon ang NBI Clearance Center. Pag dating namin sa Basement, may naka abang na ring mga Security Police na nag asikaso nang panibagong pilahan! At dahil may naibigay nang number from the Front entrance palang, mas naging maayos ang pangalawang pilahan! Mas relax na sa pangalawang pilahan kasi may mga upuan na. Nang maka upo na kami, bumalik ang isang Security Police at kinuha niya yung mga numbers sa amin, pagbalik niya ulit may dala na siyang mga NBI Clearance Application Forms! Saglit na nag bigay nang paliwanag ang Security Police sa kung ano ang mga dapat at hindi dapat isulat sa application form! In all fairness sa Security Officer, very detailed siya! Halatang memoryado na niya ang spiels niya! Hindi man lang nag buckle! Gusto ko sanang palakpakan at sabihan nag: ” Good Job! “, pero nahiya naman ako!

Medyo matagal ang hintayan sa ikalawang pilahan kasi 8:00 A.M. pa talaga mag sa-start ang processing ng NBI Clearance at siyempre kung nasa numbers 91 and 92 ka, obviously mas mauuna sa iyo sina numbers 1 to 90! Matagal na hintayan yun! Well, while waiting, duon na kami nag fill up nang NBI Clearance Appication Form. Buti na rin lang, pareho kaming may dalang Ballpen! Saglit kong sinipat ang NBI Clearance Application Form. Madali namang sundan yung instructions! Dapat lang talaga nag babasa ka! Sadly for Franco, na may ugaling  sugod lang siya nang sugod, huli na nang mabasa niya na dapat: ” Write in BLOCK LETTERS! ”  Ayun! First 3 info na hinihingi sa form cursive ang pagkakasulat niya! Buti na lang hindi right minus wrong ang labanan! Kung hindi, may 3 points deduction na siya sa over all score niya!

After we were done filling up the NBI Clearance Application Form, and since matagal pa kami mag hihintay, Franco and I decided to be Big Minds by talking about ideas and life! Serious mode kami very early in the morning! Nang magkasawaan na kami sa pagiging seryoso, we decided to be Small Minds by talking about people instead! Ginawan namin ng kuwento yung isang babae na ubod nang dami ang dalang bag, ginawan namin ng istorya yung isang matandang lalaki na panay ang alis sa pila at todo suot pa ng ID niya sa kumpanya na kanyang pinagta-trabahuhan, at ginawan din namin ng fairytale nung dalawang lalaki na kung magbulungan sa isang sulok ay parang sila lang ang tao sa paligid! Pati chismis sa showbiz napag usapan namin! Kay Franco ko unang nabalitaan yung Sex Scandal Video ni Janelle Manahan at Ramgen Revilla! Then napag kuwentuhan din namin ang pagkakaiba nang pag process ng NBI Clearance nuon at ngayon! We both agreed na so far sa aming mga nasaksihan mula sa unang pilahan hanggang sa ikalawang pilahan, mukhang mas organized ang processing ngayon! Naputol lang ang pag kukuwentuhan namin ni Franco nang tawagin na ang numbers 90 to 100 para sa huling pila!

Palakad pa lang papunta sa pilahan sa tapat ng NBI Clearance Center mismo, nag paalala na ang isang Security Police na ihanda na ang NBI Clearance Application Form, 2 Valid ID’s, at 115 Php. Franco and I were prepared! Buti na lang! Kasi, ang sumunod na nangyari was an anti-climax to what we thought was a good review to the new NBI Clearance Processing!

Pagdating namin sa tapat ng NBI Clearance Center, Applicant Number 89 was still being served. Narinig na namin na tila nagsasagutan si Applicant Number 89 at yung matandang Babae na NBI Employee  sa Step 1! We heard the NBI Employee in Step 1 saying: ” Ano ba yan? Wala ka bang barya? Dapat kasi eksaktong 115 Pesos lang! Lukot lukot pa ang pera mo! Saan mo dinukot yan? “ Bigla kami nagkatinginan ni Franco! Na-shock kami! Bigla namin tinignan yung pera namin! Buti na lang talaga eksakto ang salapi namin! Naawa rin kami kay Applicant Number 89. Tahimik nalang na tinanggap nang kawawang babae yung pagtataray ni NBI Employee sa Step 1!

Next came Applicant number 90! Tila yata may pinag dadaanan talaga si NBI Employee sa Step 1! Tinarayan din niya si Applicant Number 90 na isang matandang lalaki who appears to be in his mid 50’s. Ito ang narinig naming dialog ni NBI Employee sa  Step 1: ” Hindi pa kasi inihanda lahat eh! Sige! Isa isahin mo pa! Akin na yung ID! Hindi! Hindi puwede yan! Two valid ID’s ang kailangan ko! “ Lalo kami na shock ni Franco! Napaka rude naman ni NBI Employee sa Step 1! Grabe! Anyway, di ko na napansin kung paano nagtapos ang encounter ni Applicant Number 90 kay NBI Employee sa Step 1 kasi bigla akong nag inspect ng requirements ko! Tinignan ko kung kasama ba sa Valid ID’s ang ipe-present ko! Buti na lang pasok ang Postal ID at P.R.C ID ko! Franco had with him his Company ID and Voter’s ID! Kaya nalampasan namin ng walang drama si NBI Employee sa Step 1! Thank GOD!

Akala namin ni Franco, NBI Employee sa Step 1 is the only rotten tomato in the basket! Yun pala hindi! Na realize namin ito nang nasa Data Processing na kami sa Step 2! Again Victim ulit si Applicant Number 90! Ang kawawang Lolo, tinatalakan nanaman! But this time ni NBI Employee sa Step 2! Isang matabang babae na may edad na rin na parang hiniwalayan ng asawa! Ang pag tataray niya kay Applicant Number 90 goes like this: ” Wag po kung saan saan ang tingin! Diyan kayo sa monitor tumingin oh! Ayan po! Ayan ho nasa harapan ninyo! Tignan mo kung tama ang tina-type ko! “ My jaw dropped to the floor! Ano ba meron sa NBI Clearance Center at parang halos lahat nang empleyado may pinag dadaanan! I was actually crossing my fingers na sana naman, yung last step ay maiba naman!

Nagkamali ako! Step 3 was the worst! Biometrics na sa step 3. Thumb Print and Picture Taking. Ang kawawang si Applicant number 90 biktima nanaman nang bastos na employado nang NBI Clearance Center. Isang lalaki who seems to be in his mid 40’s ang nasa Step 3. Tahimik lang siya nang kinukunan niya ng Thumb Print si Applicant Number 90. Then nang kuhaan na ng picture umatake na rin siya! Ito ang narinig naming dialog ni NBI Employee sa Step 3: ” Sumandal ka kasi sa likod! Bumaba ka ng bahagya! Baba pa! Hindi makuha mukha mo! “ If that doesn’t sound rude enough, wait till I tell you what he said nang lumabas na may hit si Applicant Number 90. NBI Employee sa Step 3: ” Ay naku! May hit ka! Kailangan mo bumalik sa Jan 17! Sus! Gun Runner ka yata eh noh? Sige na! Ito na resibo mo! Bumalik ka na lang sa Jan 19! Next! ” 

Halos panawan na ako ng ulirat sa punto yun! Tahimik na lang na umalis si Applicant Number 90! Buti na lang nalampasn namin nang matiwasay ni Franco si NBI Employee sa Step 3! Pero ganun pa man, I must say that: Napaka bastos nang mga empleyado sa NBI Clearance Center sa Robinsons Galleria! Mga walang pakundangan! Mga walang hiya! Akala pa naman namin mas maayos ang pag process nang NBI Clearance sa bagong sistema! Yun pala may sisira parin! Hay! Pilipinas, kawawa ka naman!

Daniel P. Yuson Jr.

Page 53

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 48 other followers