CHAPTER THE SEVENTH

This fan sign made my day

In Mga saloobin nang aking pusong muling nangangarap on Disyembre 4, 2016 at 8:49 hapon

this-photo-made-my-day

Sad, I guess, is not the right word to describe how I’ve been feeling again lately. “Blue” doesn’t even come close. Definitely hindi rin “Depressed“! It’s a lower kind of sadness that seems to be eating me up inside again. But not that kind of Loneliness that has plagued me so horribly before. Infact and in all fairness, I could say that my heart and my mind have never been so peaceful now in comparison to the years in the past. Ito na nga, kung tutuusin, yung pinaka tahimik na taon ko, so far!

So, how do I feel exactly? Okay, I guess, I could say that I feel: “A Little Down“. Let’s settle with that. And why do I feel as such? I guess I feel down kasi marami akong mga gustong gawin pero hindi ko masimulan kasi maraming hadlang. Budget and Resources goes on top of the list. Hindi ako agad agad makakilos kasi kapos sa salapi! May mga maliliit na bagay akong nais bilhin pero kulang ang kuwalta! Ang saklap!

Tulad na lang last Monday. Pumunta ako sa Best Diagnostics sa Masikap Street sa likod ng Quezon City Hall sa Diliman. On the way, nadaanan ko ang Shammy Goto House. Gustong gusto kong kumain pero hindi ko magawa kasi hanghihinayang ako sa pera! Naisip kong may food naman sa bahay kaya bakit pa ako kakain sa labas. Naisip kong ilalaan ko na lang sa pambili nang gamot kung anong kakarampot na salapi na meron ako. Yung tipong ganun! That’s just one example. Hikahos talaga! Hindi tulad dati noong empleyado pa ako na kayang kaya kong kumain nang miski anong gusto ko, sa miski anong oras!

Then, of course worry ko din ang aking Health. Now that I have to be with people again sooner, ang tanong is: “Kakayanin pa ba kaya ito nang aking kalusugan“? I honestly do hope so! Sana kaya ko pa! Sana sapat na yung halos isang taon kong ipinahinga!

Maganda na nga sana yung ideya na dito na lang ako sa bahay mag trabaho! Kaya lamang, hindi umubra yung Homebased Job ko so I need to find a stable employment again! Walang choice! Hindi puwedeng umaasa lang ako habambuhay sa mga tao sa paligid ko! Although alam kong kapag humingi naman ako ay hindi naman sila mag aatubiling magbigay. Pero, nakakahiya na rin! Try ko munang mangamuhan muli!

Actually, my mind has been debating a lot recently din. If I do get the chance to work with people again, paano ko kaya maiiwasang hindi gawing concern ang mga drama sa buhay nang mga tao sa aking paligid? How do I avoid getting so involved with other people’s story again? Anong diskarte ang gagawin ko para hindi maapektuhan nang mga attitude nang mga tao sa aking paligid? How can I live with the system? Yan kasi ang aking weakness! I always find myself going against the system and being part of the thorny story! It’s either patulan ko ang asal nang mga tao sa aking paligid at malagay sa alanganin, or hindi na lang pansinin at layasan na lang para makaiwas sa gulo! Parating at one end of the pole ang mga reaction ko sa mga kaganapan. Hindi balanced! Walang gitna!

Isa pang tanong sa aking isip is: “Kaya ko pa kayang magpuyat?” Obviously kasi, ang makukuha ko lang na trabaho sa panahong ito ay sa Call Center! Madalang naman ang Day job. Merong Job Opening sa isang BPO na malapit lang dito sa bahay pero I’m sure Graveyard ulit yun! Kakagatin ko na rin diba? Ending, puyatan ulit! I will deprive myself of sleep again. Buti sana kung pagdating dito sa bahay eh makaka asa ako na tahimik ang paligid at makakapag pahinga ako nang dire-diretso! Kaya lang, that’s not the case!

So, these are the reasons why I feel a little down again. But I know that I just have to shrug all these off. I can’t allow Sadness to dwell in my heart once more. I want to get rid of negativity! Dapat positive lang! Dapat move on lang! Dapat masaya lang! I will continue living again. I will beat the odds! I will be realistic! I will prove them wrong!

Most importantly, I will focus on the people who still believes and supports me! People who still remembers. People who matters. People like James Oliver Mora who surprised me this afternoon with this photo of UAAP Season 78 Men’s Volleyball Rookie of the Year and NU’s very own James Martin Natividad.

Surely, I even forgot that I was feeling a little down. This fan sign made my day!

Page 595

Ikaanim na Pag ibig

In Mga tibok nang aking pusong minsang nag mahal on Disyembre 2, 2016 at 1:04 hapon

may-biglang-nakaalala

The second half of 2014 was perhaps the darkest episode in my life since 2010! In matters of the heart that is! It was around late April and early May of that year when I left Convergys MDC and decided to apply at Concentrix in Eastwood. And it was during my Product Training in Concentrix when I met someone who would eventually become my Ikaanim na Pag ibig! Yes, Ladies and Gentlemen, usapang puso tayo sa post na ito! Something that I have not done for a very long time.

Anyway, going back to the story, nakilala ko nga si Ikaanim na Pag ibig nang ako ay mag simulang mag Product Training sa Concentrix. Dumating sa buhay ko si Ikaanim na Pag ibig mahigit kalahating taon pagkatapos nang maikling panahon nang pagmamahalan naman namin ni Ikalimang Pag ibig. Hahanap na lamang din ako nang magandang pagkakataon sa mga susunod na araw, linggo, buwan, o taon upang ilahad naman ang istorya ko tungkol kay Ikalimang Pag ibig. Sa ngayon ay pagtuunan muna natin ng  pansin ang kuwento tungkol kay Ikaanim na Pag ibig!

So, Orientation Day pa lang sa Concentrix ay napansin na nang ilan sa mga ka batch ko si Ikaanim na Pag ibig! Madalas na nila siyang pag usapan. Nang hingin nila ang opinyon ko tungkol kay Ikaanim na Pag ibig ay naaalala ko pa na sinabi kong hindi siya ang aking tipo! Honestly, looking back now on that day, parang napansin ko rin nga siya ngunit hindi ko masyadong binigyan nang matindihang atensyon ang lahat! In the first place kasi, mukhang napaka hirap niyang abutin nuong mga panahon na iyon at kung sakali mang i-pursige ko ay halata namang marami akong magiging ka-kompetensiya! Kaya naman umiwas na ako kaagad at deadma na lang!

After the Orientation, nagkaroon naman kami nang isang linggong Language Training. At dahil malaki ang Batch namin ay hinati kami sa dalawang grupo. Wala si Ikaanim na Pag ibig sa grupo kung saan ako naruon. Hindi ko rin naman siya hinanap sapagkat simula pa nga lamang ay iniwasan ko na siya! Naging maayos ang Language Training namin. I was very excited to begin Product Training! Little did I know na sa Product Training nga mag sisimula ang isang masalimuot na kuwento!

Sa unang gabi nang Product Training ay kitang kita na kaagad kung sino sino sa Class namin ang magiging magka sundo. Birds of same feather flock together hindi nga ba? So, originally ay apat kaming laging magkakasama. Isang dating Radio DJ, isang dating Eksperto sa larangan ng Kagandahan, isang Bagong Graduate sa Edukasyon, at ako! Lagi kaming magkakatabi! Lagi kaming nag kukuwentuhan, lagi kaming nagtutulungan! Walang iwanan! Masaya lang parati!

Kada break namin ay walang ibang bukambibig sina dating Radio DJ at dating Eksperto sa larangan ng Kagandahan kundi si Ikaanim na Pag ibig! Apparently nga kasi ay nasa Class din namin siya. Si Bagong Graduate sa Edukasyon naman ay laging tahimik lang at walang gaanong imik, at ako naman ay may ibang pinag kakainteresan nuong panahon na iyon kaya muli ay hindi ko rin gaano napansin si Ikaanim na Pag ibig!

However, my alliance with dating Radio DJ at dating Eksperto sa larangan ng Kagandahan was short lived kasi after 3 days nang Product Training ay unti unti nang lumalayo sa amin ni Bagong Graduate sa Edukasyon sina dating Radio DJ at dating Eksperto sa larangan ng Kagandahan. Hindi na sila tumatabi sa amin. It was during that time din nang magsimula na ring lumapit sa amin ni Bagong Graduate sa Edukasyon si Ikaanim na Pag ibig!

It so happend na, nagkaroon nang isang activity. Pinag hanap kami ng makaka partner nang aming Trainer. Ang alam ko ay magiging kapares ko si Bagong Graduate sa Edukasyon. Ngunit pinag hiwalay kami ng aming Trainer sapagkat masyado na raw kaming close sa isa’t isa. Ang ending kami ni Ikaanim na Pag ibig ang nagkasama. So, we quietly went ahead with our task para maayos naming mai-present ang activity namin. During this time ay panay na ang sulyap sa amin nila dating Radio DJ at dating Eksperto sa larangan ng Kagandahan. And while we were doing our presentation naman ay panay na rin ang side comment nung dalawa. Ako naman ay nagkibit balikat na lamang sapagkat alam ko na ang rason kung bakit sila nag kakaganuon!

Lumipas ang mga araw at sa amin parin ni Bagong Graduate sa Edukasyon laging bumubuntot si Ikaanim na Pag ibig! Nitong mga panahon na ito ay sabay na rin kaming umuuwi sapagkat isang ruta lang din naman kami. Although sa ibang siyudad siya nakatira ay isang biyahe nang jeep lang ang aming sinasakyan. Madalas na rin kaming nagkakakuwentuhan. Naibahagi niya sa akin ang istorya ng kanyang buhay. Nakilala ko siya ng lubusan. Nalaman ko rin ang kanyang mga kahinaan. Mga kahinaang umantig naman sa aking puso. Ang malaman ang kahinaan nang iba ang siyang kahinaan ko rin! Sa pakiwari ko ay obligado na akong siya ay tulungan!

At iyon nga ang aking ginawa! Sa tuwing may pag susulit ay naka alalay ako kay Ikaanim na Pag ibig! Sa tuwing nang hihina ang kanyang loob, ibinabalik ko ang tiwala niya sa kanyang sarili. Sa tuwing siya ay kapos, ako naman ay nag bibigay. Sa tuwing nais niyang mag salita, nakikinig ako. Sa tuwing siya ay masaya, mas masaya naman ako para sa kanya! Unti unti, dahan dahan, hindi ko namalayang, mahal ko na siya!

Hindi ko na kayang hindi siya kasabay kumain. Hindi ko na kayang hindi siya kasama umuwi. Hindi ko na kayang nakikita siyang nahihirapan. Hindi ko na kayang wala siya! At sinigurado rin naman ni Ikaanim na Pag ibig na parati rin naman siyang nasa tabi ko! Isang bagay na akin din namang pinapahalagahan! At siya rin namang isang bagay na marahil ay mali ang aking pagkakaunawa!

Ewan ko ba, baka nga nag assume lamang ako. Nuong mga panahong iyon, nagpalagay akong meron kaming pagkakaunawaan. Paano naman kasi, yun ang ipinararamdam sa akin ni Ikaanim na Pag ibig! Naandiyang, isinusumbong siya sa akin kung kinukulit siya nina dating Radio DJ at dating Eksperto sa larangan ng Kagandahan. Naandiyang ipamukha niyang mas mainam siya kaysa sa mga ibang nagugustuhan ko. Naandiyang mag yaya siyang mag dinner na dalawa lang kami. Naandiyang wala kaming ibang pinag uusapan kundi ang mga pangarap namin sa buhay! Naandiyang wala siyang ibang gustong makasama kundi ako lang! Kaya naman akala ko ay may nakaputong na korona sa aking ulo! Akala ko ay ako na ang panalo!

Naging masaya ang aking puso nang mga panahong kasama ko si Ikaanim na Pag ibig. Subalit dumating yung araw na aking kinatatakutan. Muli nanamang umugoy ang duyan at kinailangan ko nang umalis sa Concentrix. Malakas ang aking loob na iwan yung kumpanya sapagkat may maganda akong dahilan at higit sa lahat ay bukas nanaman muli ang pintuaan ng Convergys MDC para sa akin. Bukod kay Bagong Graduate sa Edukasyon ay isa si Ikaanim na Pag ibig sa mga unang naka alam nang aking balak na umalis na. Nagpahayag nang kalungkutan si Ikaanim na Pag ibig. Kami ang magkasama sa huling araw ko sa Concentrix. Sinabi niya na kapag umalis ako ay aalis na rin siya. Lalo akong napa ibig! Ngunit hindi ko inisip na kanyang tototohanin ang kanyang mga sinabi sapagkat alam kong kailangan niya ang pagkakataong iyon sa Concentrix.

Laking gulat ko na lamang nang pagkalipas nang ilang araw na wala na ako sa Concentrix ay nalaman kong hindi na rin pala siya nag papapasok sa Concentrix! Nagkasundo kaming muling magkita. Nagkita kami sa Eastwood. Kumain kami sa isang kilalang kainan ng Donuts! Nakita pa kami nang iba naming mga dating kasamahan. Hanggang sa kahuli hulihang pagkakataon ay kinukumbinsi ko siyang pumasok pa. Ngunit, sumuko na siya. Ayaw na rin daw niya talaga. Magkasama lang kaming nagkukuwentuhan buong gabi nung araw na iyon.

Bilang babalik na nga rin ako sa Convergys MDC, napag desisyunan kong irefer din siya sa nasabing kumpanya! Sinamahan ko siyang mag apply. Sinuwerte naman siya! Pinapili ako ng Recruitment kung nais ko pang bumalik sa dati kong Account or magpa profile na lang sa Account kung saan ilalagay rin si Ikaanim na Pag ibig. Nag desisyon akong samahan si Ikaanim na Pag ibig upang sa gayon ay may umalalay sa kanya!

Natuwa naman si Ikaanim na Pag ibig nang malaman niya na magkakasama kami muli sa trabaho. Sabay kaming nag asikaso nang aming mga requirements. Nagbibilang kami ng mga araw hanggang sa magsimula muli ang aming panibagong Training.

Naging masaya pa ang simula nang Training namin sa Convergys MDC. Kalagitnaan ng araw, ipinatawag ako sa Clinic! May problema nanaman daw ang aking Medical Exam. Binigyan ako nang tatlong araw to comply. Pinayagan na akong hindi tapusin ang Training. Nag paalam ako kay Ikaanim na Pagibig na babalik sa Medical Exam. Akala ko ay magiging mabilis lamang. Ngunit yung test na kailangan ay nagtagal ng isang linggo. Ending, hindi na ako naka balik sa class namin. Nang malaman ni Ikaanim na Pag ibig na hindi na ako babalik ay pinanghinaan nanaman siya ng loob. Hindi siya pumasok. Muli kaming nagkita. Kinumbinsi ko siyang pumasok muli. Kinailangan ko pang tawagan ang kanyang Trainer at makiusap para lamang tanggapin siya muli sa klase. At yun nga ang nangyari. The next day ay pumasok siya muli.

Isang linggo pa nga ang lumipas bago ako makabalik sa Convergys MDC tangan ang resulta nang aking Medical Exam. Sa kasamaang palad ay hindi na ako nakabalik pa sa Class kung saan naruon si Ikaanim na Pag ibig. I was reprofiled instead to another Account. I was very excited to tell Ikaanim na Pag ibig na magkikita na kami muli. However, tila iba na ang kanyang reaksyon. Hindi ko siya nakitaan nang saya! Later on, I discovered na may iba na pala kasi siyang kinagigiliwan.

Bigla na lang kaming hindi nag usap. Isang linggo lang ang nakalipas at mukhang nakalimot na siya agad. Lubos akong nalungkot. Kalaunan, ako na rin ang kusang lumayo. Ilang buwan pa muli ang nakalipas after nuon nang muli kaming magka usap. Humuhingi siya ng tulong. Ibinigay ko naman. Pagkatapos ay nawala na naman siyang muli.

Naging ganun ang aming kalakaran. Bigla na lamang siyang magpaparamdam isang araw. Then, the next day ay mawawala na siya ulit! On and off yung ganung sistema hanggang Agosto nung nakaraang taon. That time, unti unti na ring nawawala ang pag mamahal ko sa kanya. Pumapatol na lamang ako sa paramdam niya dahil sa selfish motives and common interest! Napagtanto ko rin naman kasi na dalawang rason lang naman parati kung bakit siya nagpaparamdam. Una ay kung may kailangan siya. At pangalawa ay kung siya ay lango sa alak! Kalaunan ay naputol na ng tuluyan ang aming pakikipag ugnayan. Nakalimutan ko na rin na mahal ko siya.

So, imagine my surprise nang out of the blue ay bigla nanaman siyang nagparamdam kahapon nang gabi! Habang abala akong nakikipag huntahan sa isa kong kaibigan tungkol sa mga Grade 10 na naka P.E. Uniform ay bigla siyang nag send ng PM sa FB Messenger. Ang pagkaka alala ko ay na unfriend ko na siya dati! Anyway, kamusta raw? Sumagot naman ako na okay lang naman. Tinignan ko ang kanyang FB Profile. Nakita kong galing pala siya sa Bansa kung saan gaganapin ang susunod na Olympic Games. Binangit niyang kararating lang daw niya. Tinanong ko kung ilan na ang anak niya. Ang sagot niya ay wala pa.

Then, bigla nanaman siyang nag yaya na kami ay magkita. Mag kuwentuhan daw kami. So, tinanong ko na kaagad kung naka inom ba siya. Sumagot naman siya ng Oo. Bigla akong natauhan! Kaya naman pala! Same old story. Hindi ko na siya hahayaang pumasok pa muli sa aking buhay para guluhin lang din naman ang medyo tahimik ko nang isip. Ending, bigla na lang akong hindi nag reply nang mangulit na siyang magkita kami. At para tapos na talaga ang lahat, tuluyan ko na siyang binlock sa FB! I am okay now. Tama na!

After blocking him sa FB, nag log out na ako agad agad. Pumunta ako sa sala. Nanuod ng TV. Gusto ko manuod ng PBB! Gusto kong makita kung paano muling i-exploit nang mga writers ng Pinoy Big Brother ang shirtless na katawan nang kambal na sina Tyler at Tanner. Pag bukas ko ng telebisyon ay commercial agad ang aking naabutan, kaya naglipat muna ako ng Channel. Naabutan ko sa Catsup Channel si Chef Jeremy Favia sa Take Out. Featured niya on last night’s episode ang Kabayan’s Gotohan sa T. Gener Street sa Kamuning! Yun ang lugar kung saan madalas kami kumain dati nang goto ni Ikaanim na Pag ibig!

Page 594

Graciano Lopez Jaena Elementary School

In Mga salaysay nang aking pusong nag babalik tanaw on Disyembre 1, 2016 at 8:09 hapon

graciano-lopez-jaena-elementary-school-jaro-iloilo

Nakahanap na naman ako ng isang magandang alibi! Ipinagpaliban ko nanaman ang isang lakad na matagal ko ng balak isakatuparan. Isang lakad na siya sanang magiging kasagutan o solusyon sa isang suliraning aking kinahaharap sa kasalukuyan. Simula kasi ng dumating ang mga taga Baras dito sa Project 4 nung Lunes ay wala namang ibang nag aasikaso sa Kusina kundi ako rin! Official Cook! Taga Luto! Kusinera! Infact, may naka line up na akong lulutuin bukas ng tanghali! Sarado naman nang weekends yung lugar na aking darayuhin! Kaya malamang, next week na talaga ako makaka alis! Maña habit lang ba ito or Procrastination na? Either way, chaka parin! Hmp!

Anyway, nang matapos ko na ang mga obligasyon ko sa kusina kaninang tanghali ay hinarap ko na ang isang mahalagang gawain: ang mag internet! Binisita ko ang Blog ni Miss Olga Luxuria, na-aliw naman ako dahil ang dami niyang mga bagong posts! Binasa ko rin yung interview kay Baron Geisler sa PEP.com, kasalanan daw ni Arlyn Dela Cruz ang lahat nang mga nangyari between him and Ping dahil incompetent daw ito. Nag check din ako ng email, ang sarap i-mark as read lahat nung emails! I also checked my Upwork Account, may isang invitation that I declined kasi beyond my expertise yung trabaho. I also read some articles about World AIDS Day, edited some photos, watched videos in YouTube, consulted Dr. Arjo and Dr. Van, checked out Pinterest, Instagram, Missosology, Misterology, and Tom’s Page of Miss Universe Mania! At siyempre, nag babad din ako sa FB! Ang sipag ko diba? Ito na talaga ang Procrastination! At it’s finest! Boom!

Habang nakababad ako sa Facebook ay may isang larawan akong nakita at isang post na nabasa sa feed ko kanina na nagpa gitla sa akin nang walang habas! It was a photo taken yesterday during the protest against the Burial of Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Sa litrato, may isang Protester na may hawak na placard. Ang nakasulat duon sa placard ay: “Nutribun is a lie! Marcos is not a Hero!” Ayan na! Hindi raw Bayani si Ferdinand Edralin Marcos! Sige na nga! Hindi na nga Bayani! Pero teka, kasinungalingan daw ang Nutribun? Halos panawan ako ng ulirat! Literal ba ang meaning niya nun or may iba siyang kahulugan? Bilang mangmang lang din naman ako at hindi nakapag aral sa malaking Unibersidad, I took it literally! So, kung lie pala ang Nutribun, eh ano pala yung ibinibigay sa amin ng mga kaklase ko nuong nasa Elementary ako? Naku ha! Maling mali ang akusasyon! Hindi napag aralan mabuti! Wala sa mga ipina memorize! Kabulaanan talaga! Ang tindi ng galit kay Marcos kaya pulpol ang bintang sa patay! Juice ko po Nanay!

Ito na ang kuwento. Sampung taong gulang ako nang umalis kami mula sa Capipiza Tanza Cavite at tumira naman sa Burgos Street Jaro Iloilo. The year was 1985!  Nag aral ako nuon sa isang Pampublikong Paaralan na malapit sa bahay. Graciano Lopez Jaena Elementary School ang pangalan ng paaralan. Duon ako nag Grade 3. Section 1 ako nuon! Class Adviser ko si Mrs. Salvilla! Siya rin ang teacher namin sa Math and Science. Best Friend ko naman si Salih Tahil. Pareho kaming transferee sa school na iyon. Madalas kaming magkasama. Favorite kami ni Mrs. Salvilla. Paborito niya kaming utusan na manghuli nang mga daphnia sa isang creek na malapit sa school. Ang mga nakolekta naming daphnia ay ipinapakain naman namin sa mga Gold Fish. May isang malaking Aquarium kasi kami dati sa loob ng aming classroom!

Kung meron akong Best Friend ay natural na meron din akong Best Enemy! Lagi kong kaaway nuon si Janine Reynolds. Madamot kasi si Janine! Ayaw niyang magpahiram ng ballpen! Bukod sa pagiging maramot ay pala away din si Janine. Ka babaeng tao eh ang hilig makipag away sa mga kaklase naming lalaki! Madaya rin sa mga laro si Janine! Madalas niya kaming gulangan sa Chinese Garter at Touch the Body out! Pak!

Isa pa sa mga magaganda ala ala ko sa Graciano Lopez Jaena Elementary School ay iyong pagkatapos ng Flag Ceremony, Calesthenics, at nang Morning Prayer, at bago naman mag simula ang klase namin sa umaga, parati kaming kumakanta ng: “We plant you deep in a rich brown soil, Grow little seedling grow.” Tuwing may school programme naman ay madalas din akong pinapakanta ng: “Ako ay Pilipino” nang aking Music Teacher na si Mrs. Moises. Si Mrs. Moises din yung may hawak ng Boy Scout at Drum and Bugle Corps sa paaralan namin nuon! Dahil din kay Mrs Moises ay nakahiligan ko ang sumali sa mga programa sa paaralan! Super active ako noon sa mga school programs dati miski na super payatot ako!

Dahil din siguro sa pagiging napaka sexy ko nuong bata ako kaya isinama ako sa listahan ng mga tatanggap ng Nutribun! Libre lang yun! Ang siste, bago pa man tumunog ang bell for recess ay pinapupunta na ako at nang ilan sa mga kaklase ni Mrs. Salvilla sa Canteen. Pipila na kami duon. Then bibigyan kami ng dalawang pirasong Nutribun! Mainit init pa yun kapag ibinigay sa amin! Kaya para hindi mapaso, lagi akong may bitbit na supot na papel. Masarap ang Nutribun! Medyo matamis, magatas, maalat, at mabigat sa tiyan! Isang piraso pa lang ay talagang busog ka na! Minsan nga, isa lang duon sa dalawa ang kinakain ko kapag recess, then iuuwi ko naman yung tira! Kapag lumamig na, medyo flakey yung balat pero malambot parin yung laman. Madalas, may ka partner na maninit na Gatas yung Nutribun sa school! Klim yung tawag duon sa gatas! Kada linggo, binibigyan din kami nang Gatas na naka balot pa. Inuuwi namin iyon para matimpla sa bahay. Masarap yung gatas miski medyo maaligasgas at mahirap tunawin. Pinapapak ko rin yung gatas kapag walang meryenda!

Minsan naman kapag may naipon akong pera, bumibili ako ng bukayo at pastillas sa kaklase kong si Maritina Ginansiya. Ipinapalaman ko yung bukayo at pastilas sa Nutribun! Iniimagine kong Coco Jam at Keso yung mga iyon! Masarap naman siya in all fairness! Kapag luma na at tumigas na yung Nutribun, ibinibigay ko ang mga iyon kay Tito Digol! Ginagawa kasi niyang pakain sa kanyang mga alagang Korean Bugs ang lumang Nutribun! At sa tuwing may naibibigay akong lumang Nutribun sa kanya, may kapalit iyong chichirya! Kaya happy ako! So, kung tutuusin, napaka laki nang aking naging pakinabang sa Nutribun ni Marcos! So, paanong naging kasinungalingan iyon?

Ayan na!

Page 593