CHAPTER THE SEVENTH

” The Wallet Episode “

In Mga kabanata nang aking pusong natuto on Hulyo 28, 2010 at 1:43 umaga

Kapag
dumarating yung…
mga panahong…
kinakapos ako..,
walang budget..,
walang malapitan..,
nawawalan na
nang pagasa..,
at…
parang...
wala na ring
solusyon ang mga
problema..,
lagi kong binabalikan…
ang isang…
kabanata…
nang aking buhay…
kung saan…
napatunayan kong…
may himala “..!
nangyari
ang kuwentong ito
more than 10 years ago..!
pero hanggang ngayon…
bawat detalye nang naganap…
malinaw parin sa isip ko..!
3rd year college ako nun…
sa isang kolehiyo na…
malapit sa sm centerpoint…
sa sta mesa manila..!
tulad ng pangkaraniwang kabataan
nawili rin ako sa barkada..!
madali akong naka hanap nang mga kabarkada noon…
miski pa transferee lang ako galing cavite…
sapagkat noong panahong iyon..,
at dala narin marahil ng sobrang ka P.R.-an..,
nahalal ako bilang…
bise presidente nang college student council namin..!
anyway..,
masaya naman ako sa barkada..
marami akong natutunan sa kanila..!
natuto akong makibagay sa tao
at siyempre pa natuto rin ako ng
bisyo..!
name it…
i know it..!
ang isang bisyong…
talagang i-nenjoy ko ay ang…
pag inom ng alak..!
kapag kasama ang barkada
nakaka dayo at naikot namin ang..:
altura sa sta mesa..,
picnic grove sa tagaytay..,
hanggang sa
montalban at san mateo sa rizal
para lang uminom..!
at dahil mga estudyante pa lang…
kadalasan kapag nagkayayaang uminom…
patak patak yan..!
ambagan..!
at…
kapag talagang nag kasarapan…
hangang pati pamasahe pauwi…
ipapatak..!
sa ganitong sitwasyon nagsimula…
ang..:
the wallet episode..!
isang pangkaraniwang araw..,
biglang nakumpleto sa tambayan…
ang buong barkada..!
at habang naghihintay ng susunod na klase…
biglang nagkayayaang mag inuman..!
wala sa balak..,
wala sa plano..,
wala sa budget..!
pero dahil kumpleto ang barkada…
sige lang..!
dead ma na sa susunod na klase..!
dead ma na kung may exam..!
dead ma na kung may graded recitation..!
napagkasunduan na pupuwesto kami
sa bahay ng isa naming kabarkada
na naka tira sa altura
at malapit lang sa school..!
tila…
alas 3 palang ng hapon…
nang magsimula aming session..!
patak patak as usual..!
kanya kanya lang ng tabi nang konti para…
pang ” emergency ” at siyempre…
para sa pamasahe pauwi..!
gumulong ang oras..!
nagkasayahan..!
nagkaubusan nang alak..!
nagkabitinan..!
ending..?
to the last drop..!
patak patak ulit hanggang huling sentimo..!
naka bili naman ulit nang alak..!
kaya tuloy ulit ang inuman..!
at palibhasa…
” mga bata pa “..,
ang tagal umepekto nang alak sa amin..!
miski pa sabihing…
naka full shift na kami…
at…
nakapag overtime na..!
inuman paring walang humpay..!
finally
nagkayayaan nang mag si-uwian sapagkat
napansin na nang tanggero..,
at nang mga natirang tumatagay..,
na pakonti na nang pakonti ang shuma-shot..!
yung ilan kasi tulog na..!
yung ilan naman tumakas na..!
at yung ilan pa rin…
tumatawag na ng uwak..!
wala nang umangal pa nang…
magka yayaan nang umuwi..!
ang problema lang…
pare pareho kaming uuwing naka inom..,
at…
pare pareho kaming uuwi na walang pamasahe..!
pero
dala ng kabataan..,
naka isip kami ng solusyon..!
nag desisyon kaming
maglakad..!
ang depensa..:
” nakakapawis ang paglalakad…
at pag pinag pawisan…
bawas amats “..!
ang plano..:
” lalakarin namin mula altura hanggang cubao…
pagdating ng cubao kanya kanya nang diskarte “..!
at dahil walang ibang choice…
lahat umagree..!
kaya sinimulan na namin ang paglalakad..!
enjoy naman ang paglalakad…
lalo na kasi kasama ang barkada..!
mas lalong enjoy kasi…
malalakas ang loob namin…
at makukulit dahil narin sa alak..!
at dahil medyo mabilis ako mag lakad..,
miski pasuraysuray pa..,
ang layo ng agwat ko sa aking mga barkada..!
then…
mga 30 minutes into the walking
papalapit na kami sa sm centerpoint..!
napagkasunduang…
magpapahinga kami saglit pagdating dun..!
pero…
bago makarating sa sm centerpoint…
may madadaanan muna kaming isang night club..!
discovery ang pangalan nung night club..!
nang malapit na kami dun sa club..,
at parang 15 feet away na lang…
from where i was…
may nakita akong mga babae na…
pasuraysuray na lumabas from the club…
then nakita ko pa silang…
pumara ng taxi…
at nakita ko pa silang…
sabaysabay na sumakay..!
tuloy lang ako sa paglalakad…
then nung malapit na ako dun sa kinatayuan
nang mga babe na galing sa loob ng club
may napansin akong kulay itim na bagay sa lupa
nang malapit na ako
dun ko nalamang
wallet pala ito..!
agad kong pinulot ang wallet..!
at dala na rin nang sitwasyon..,
miski pa may nakita akong guwardiya…
agad kong binulsa ang nasabing wallet at…
tuloy tuloy ako sa paglalakad..!
paminsan minsan…
nililingon ko yung mga kabarkada ko..!
sa layo ng distansiya nila sa akin…
parang walang nakapansin na…
may nakita at pinulot akong wallet..!
anyway..,
kung may nakapansin man…
okay din sa akin kasi…
hindi ko naman balak sarilinin…
kung ano man ang makukuha ko…
sa wallet na iyon..!
now
nung medyo malayo na ako dun sa club
dun ko lang binuksan yung wallet..!
agad bumungad sa akin…
ang picture nang isang babae na…
nasa taas ng stage…
kontodo make up…
naka pulang bathing suit…
naka boots na itim…
at nakahawak sa pole..!
maliban sa picture na iyon…
wala nang iba pang…
pagkakakilanlan sa may ari nang wallet..!
walang identification card..!
nang inspeksyunin ko pa maigi ang wallet
bigla akong natuwa kasi
may laman itong pera..!
may apat na tag iisang daan..,
limang tag bebente..,
at…
isang singkuwenta pesos..!
550..!
excited kong hinintay…
ang mga barkada ko…
when they have finally caught up with me…
at saka ko sinabi sa kanila…
ang aking napulot..!
biglang nahimasmasan at…
nawala ang lasing nang…
iba sa kanila..!
ang suwerte..!
may pamasahe na kami..,
may pang goto pa pag dating ng cubao..!
habang humihigop nang mainit na goto…
paulit ulit na pinagkuwentuhan…
ang pagkakapulot nang wallet..!
hanggang pag aabang ng sasakyan…
yung wallet parin ang pinag kukuwentuhan..!
mga alas 3 na nang madaling araw
bago kami nag kahiwa hiwalay..!
siyempre…
bago sumakay ang aking mga kabarkada…
todo pasalamat sa akin..!
ako ang bida..!
kaya umuwi akong masaya..!
pagdating ng bahay
medyo kinalabit ako ni konsensiya
pero dineadma ko na lang..,
nilunok ko ang awa at…
sabay pasalamat…
dun sa babaeng naka bathing suit na pula…
at naka boots na itim…
para sa pamasahe at pang goto namin..!
at ang wallet..?
inilapag ko lang sa lamesa…
bago ako matulog..!
kinaumagahan
nakita ko ulit ang wallet
at napangiti na lang ako…
sa suwerteng bigay nang…
wallet na itim..!
at dahil may natitira pang kaunting barya…
binuhos ko sa kamay ko ang lahat ng laman..,
at…
lumabas ako para kumain..!
ang wallet
kalaunan
di ko na namalayan kung
nasaan na napunta..!
hindi ko na rin naman pinagka abalahan pa…
na hanapin ito kasi…
it has already served its purpose..!
fast forward 3 yearsย after..!
nakagraduate na ako at
nagtuturo na sa isang pribadong paaralan
na malapit sa alimall sa cubao quezon city..!
nang…
maharap ako sa isang matinding…
pangangailangan..!
may urgent expenses ako..!
i was badly in need of…
more or less 5 thousand pesos..!
pero kapos na ako sa budget..,
patong patong ang bayarin..,
nakapila ang bills..,
at kailangan ko rin…
ng maintainance sa hypertension..!
pero ang income..?
zero na..!
one week away pa ang suweldong kakarampot..,
pinagtataguan ako nang nanay ng tutee ko..,
wala rin akong malapitan para utangan..,
at kung meron man…
nahihiya rin akong mangutang..!
sunday nun kaya nasa bahay lang ako..!
sari saring solusyon ang naisip ko
para magkapera lang..!
naisip ko ngang…
mag hold up na lang…
oh di kaya ay…
magbenta nang kidney ko..!
suddenly…
nabaling ang aking paningin sa…
mga lumang gamit sa bahay..!
naisip kong…
magbenta ng gamit..!
agad agad akong nag simulang…
maghalungkat ng gamit sa bahay..!
tagaktak ang pawis ko..!
nang bukasan ko ang isang lumang drawer
bigla kong nakita ko ang
itim na wallet na
nagbigay ng suwerte sa buhay ko nung college pa ako..!
bigla akong napangiti..!
sabay pikit nang mata…
at nag dasal..!
dinasal ko na sana…
may mapulot ulit akong wallet na may pera..!
matagal kong kinausap ang diyos..!
sinabi ko sa kanya ang aking pangangailangan..!
nang matapos na akong magdasal…
tinignan ko ulit yung wallet…
naalala ko yung picture nung babaeng…
naka pulang bathing suit…
at naka itim na boots..!
binuksan ko ang wallet para…
tignan ulit yung mukha niya…
unfortunately…
dala na rin ng kalumaan…
kumalat na yung picture dahil sa basa..!
itatapon ko na sana
yung wallet na itim nang
may mapansin akong
secret zipper “…
out of curiosity…
binuksan ko ito..!
nang mabuksan ko ang secret zipper…
bigla akong natulala..!
bigla akong napangiti..!
sabay sambit nang..:
” Lord, ang bilis naman “..!
sa loob nang secret compartment nung wallet…
may 8 thousand pesos..!
higit pa sa kailangan ko..!
higit pa sa hiniling ko kay lord..!

Lesson of the story: Kapag naglalakad sa kalsada, maghanap nang itim na wallet! Seriously, Ang aral na natutunan ko sa experience na ito ay: MAGTIWALA at WAG MAWALAN NG PAGASA! Mahalaga ring MAGDASAL! Nakikinig ang DIYOS sa ating lahat! Alam NIYA ang ating pangangailangan! GOD loves us and HE has everything all planned out perfectly! Who would have thought that all those years, naandun lang yung pera na one day pala ay kakailanganin ko? Have HOPE! Have FAITH!

Daniel P. Yuson Jr.

Page 13

  1. kulit nmn ng story…

    bilis mgreply ni GOd s prayers.. ok tlga ang prayers bsta taos sa puso..
    ๐Ÿ™‚

  2. HAHAHAHA nakakatawa ang kulit ng kwento mo sir! :))))

  3. sana makapulot rin ako ng wallet. hahaha๐Ÿ™‚ this is awe inspiring. galing galing. buti na lang naging mentor kita even for just 4 months. and btw, love your style. sana nasettle na yung plagiarism issue.๐Ÿ˜‰

  4. hahahah….hmmmmm…. now thats the question…. but then again…just like what iv said…if thats what happened….. its God’s way of saying….. BELIEVE ME DANIEL!!!!

  5. nakakaloka xa huh….who wud hav thought? now thats faith…. thats God’s simple way of saying na…” Daniel…. anak…magbago ka na!!!” ahahahahha

  6. Maganda ang istorya.
    Sana yong wallet ko ibinalik din na may laman. Wala na akong pangtuition fee..ako yong babaeng nakapula at nakaboots.

    • @ J.Kulisap..!
      whoa..!
      sa iyo ba yun..?
      naku..!
      naitapon ko na yung wallet..!
      yung pera..?
      palitan ko na lang..!
      yung picture..?
      kupas na eh..!
      pa picture na lang tayong dalawa..!
      hahhahahahahahhahahaha..!๐Ÿ˜‰

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s