CHAPTER THE SEVENTH

” Cory “

In Mga sigaw nang aking pusong makabayan on Agosto 1, 2010 at 3:18 umaga

Grade 4..,
eleven years old..,
at…
nag aaral sa..:
graciano lopez jaena…
elementary school…
sa…
jaro ilo-ilo…
ako noon…
nang…
maganap ang..:
Snap Election..,
EDSA Revolution..,
at nang…
kalaunan ay…
maging presidente si
Cory Aquino..!
noong panahon nang snap election..,
natatandaan kong…
nagkalat sa…
kalsada ang…
mga papel na…
kulay berde at dilaw..!
natatandaan ko ring…
maraming mga naka paskil na…
campaign posters…
sa mga pader…
na may mukha nila..:
Doy Laurel at Cory Aquino
na parehong naka…
Laban Sign..!
sikat ka noon kapag may…
yellow t-shirt ka…
na may mukha ni Cory..!
at may…
sumbrero kang kulay berde..!
noong panahon naman nang…
kampanya para sa…
snap election…
pakiramdam ko…
piyesta..!
parang ang saya saya nang
lahat nang mga tao..!
pero…
biglang nag iba ang pakiramdam…
pagkatapos ng snap election..!
napalitan ito nang
pagkabalisa..!
nawala yung pakiramdam na…
parang piyesta..!
naaalala kong…
nakikinig ako…
sa radyo…
kasama ang…
pinsan ko…
nang…
ibinabalita na…
nagkadayaan daw sa eleksiyon
at
may mga nag walk out daw
na mga
computer operators sa
canvassing ng COMELEC..!
mula din sa radyo…
nabalitaan ko na…
idineklarang panalo si
Ferdinand Marcos..!
marami ang…
hindi maka paniwala..!
marami ang…
nadismaya..!
makalipas ang ilang araw..,
sa radyo ko rin narinig na..:
sabay nanunumpa
bilang presidente
nang ating bansa
sina..:
Ferdinand Marcos
at
Cory Aquino..!
naaalala kong…
takang taka ako…
kung paano tatakbo ang…
gobyerno kung dalawa ang presidente..!
isang araw…
natatandaan ko na lang na…
subsob sa…
pakikinig nang radyo ang mga…
matatanda sa bahay..!
hindi na ako nagtanong nun…
pero…
sa aking narinig…
tila…
nag kakagulo na raw…
dito sa maynila..!
dun ko unang narinig…
ang mga pangalang..:
Cardinal Sin..,
Juan Ponce Enrile..,
at…
Fidel V Ramos..!
at ang salitang..:
EDSA Revolution..!
di ko man nakikita sa TV..,
dahil wala naman kaming…
telebisyon nun..,
base sa mga…
naririning ko pa lang sa radyo…
talagang takot na takot na ako..!
nai-imagine ko yung mga tao sa EDSA…
na humaharap sa mga tangke de giyera..!
at dahil wala pang cellphone
nung mga panahong iyon..,
at…
napaka mahal nang…
long distance call..,
pawang mga sulat lang…
ang paraan para…
maka balita kami sa…
ama ko na…
naandito sa maynila nun..!
laking tuwa ko…
nang malaman ko sa sulat na…
nung EDSA Revolution pala…
isa ang tatay ko sa…
milyong milyon na…
Pilipino na…
nasa EDSA..!
anyway..,
naalala kong…
biglang nagkasayahan ang mga…
Pinoy…
nang mapabalitang…
umalis na daw sila Marcos..!
at
presidente na talaga si Cory..!
simula nun…
pumasok na sa kamalayan ko si…
Cory Aquino..!
para sa akin…
noong mga panahon na iyon…
isa siyang bayani..!
kaya naman…
ganadong ganado ako…
at ang mga kaklase ko…
nang…
after sometime…
ay…
ipasaulo sa amin…
nang aming guro sa…
subject na araling panlipunan…
ang mga ministers nun..!
( kalaunan ang mga ministers…
tinawag nang..:
secretaries )..!
paramihan kami nang mga kakalse ko…
nang mapapangalanang minister..!
halos isang taon din akong
proud na proud para kay
Cory..!
at sa ganung katagal din ako…
proud na proud bilang…
Pilipino..!
after awhile
unti unti na akong na inis kay Cory..!
ang totoo…
bilang bata…
mababaw ang dahilan ko kung bakit…
nainis kay Cory nun..!
ang dahilan ko..?
hindi na ako maka kupit…
sa tuwing ako ay namamalengke..!
paano ba naman kasi..:
ang pamasahe sa jeep na
75 centavos dati..,
naging one peso..!
at…
wala pang isang taon…
naging 1.50 pa ito..!
ang bigas naman na…
binibili ko sa halagang…
5 pesos…
naging 7 pesos na..!
ang pepsi na…
50 centavos..,
naging 1.50 na..!
ang chicharong kropek na…
5 centavos each…
naging 25 centavos na..!
ang lips candy na…
25 centavos each…
naging 3 for one peso na..!
sa panahon din ni Cory…
nag mahal ang presyo nang…
galunggong..!
kaya todo tuligsa sa kanya…
ang mga Pinoy noon..!
naaalala ko rin noon na…
kapag nakapag baon ka…
nang mansanas..,
sosyal na sosyal ka na..!
paano ba naman..?
sobrang mahal ng mansanas nun..!
presyong ginto..!
nang mag high school na ako
tumira na kami sa cavite..!
halos taon taon din
nag mamahalan ang
presyo nang mga bilihin..!
wala na akong mabilhan nang…
7 pesos na bigas..!
ang pinaka mura nun…
12 pesos na..!
NFA pa..!
ang pamasahe naman sa jeep…
3 pesos na kapag bata..,
4.50 kapag matanda..!
naaalala ko rin na…
nung panahon din ni Cory
nauso ang mga..:
OFW’s..!
nauso ang pag tatrabaho sa..:
Japan..,
Brunei..,
at…
Saudi Arabia..!
nagkaroon noon nang..:
Brain Drain..!
nagka kulangan sa…
matitinong propesyonal sa bansa..!
natatandaan ko na…
ang mga naiwang teachers dito sa Pilipinas..,
kung umingles…
daig pa nang mga…
contestants nang Wowowee..!
ang nag salba miski papaano kay Cory
nung panahon na iyon ay
si Kris..!
naging libre ang katatawanan..!
nag artista si Kris at…
nagka pelikula…
kung saan…
pinagulong gulong siya sa putik…
at…
nakipag halikan siya kay Rene Requistas..!
naaliw ang mga Pinoy sa kanya..!
lingo lingo siyang…
guest sa…
talk show ni…
inday badiday…
at…
inaaliw nang todo ang mga Pinoy…
sa kanyang…
pag iyak nang naka ngiti..!
hindi ko rin makakalimutan na
noong pahanong
Presidente si Cory
sunod sunod ang kalamidad..,
political turmoil..,
at trahedya..,
sa ating bansa
..!
nagka coup de etat..,
nagkaroon ng lindol..!
sumabog ang Mt. Pinatubo..!
nagkaroon nang flash flood sa Ormoc..!
araw araw ang blackout..!
at…
lumubog ang Doña Paz..!
bugbog ang mga Pinoy..!
sobra sa kamalasan..!
finally..,
1st year college..,
17 years old…
at nag aaral na ako sa…
isang kolehiyo sa…
naic, cavite…
nang matapos ang…
panunungkulan ni Cory Aquino…
at palitan naman siya ni…
Fidel Valdez Ramos..!
Feature Editor ako noon ng…
school paper namin…
nang manalo si FVR..!
kaya naman…
tungkol sa buhay ni…
FVR ang kauna unahang…
artikulong isinulat ko..!
at…
ang pagkaka sulat ko..?
masaya ko namang sasabihing..:
hindi tulad nito..!

Daniel P. Yuson Jr.

Page 15

  1. may naalala ako sa “Doña Paz” kasali kasi ang aking lolong seaman dun, pero naka ligtas naman, ahahahaha.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s