CHAPTER THE SEVENTH

” Basbasan mo ako “

In Mga panalangin nang aking pusong nag susumamo on Disyembre 27, 2010 at 12:00 umaga

Panginoon..,
sa huling pagkakataon…
sa taong ito..,
at…
sa unang pagkakataon..,
sa taong parating..,
ako ay humihiling na..:
muli..,
Panginoon..,
basbasan mo ako..!
bigyan mo ako nang..:
isipang mapang unawa..!
upang nang sa gayon…
ay maintindihan ko…
nang lubusan…
na ang bawat isa…
sa aking…
mga kasamahan…
sa trabaho…
ay may iba’t ibang…
pagkatao..,
motibo..,
karakter..,
ugali..,
nakaraan…
at pinanggalingan..!
at kung sino man…
at ano pa man sila…
ito ay aking…
dapat tanggapin..!
Panginoon..,
basbasan mo ako..!
bigyan mo ako nang..:
mahabang pasensiya..!
upang nang sa gayon…
ay mapalampas ko…
at di ko indahin pa…
ang mga maliliit na…
pagkakamali…
at…
bulilyaso na…
kinahaharap ko…
sa araw araw..!
Panginoon..,
basbasan mo ako..!
bigyan mo ako nang..:
lakas nang loob..!
upang nang sa gayon…
ay hindi ako magupo…
nang mga taong…
ang tanging intensiyon…
ay ang wasakin…
ang aking…
pangarap..,
durugin ang aking…
tiwala sa sarili..,
at….
guluhin ang aking…
isipan at katinuan..!
Panginoon..,
basbasan mo ako..!
bigyan mo ako nang..:
liwanag sa karimlan..!
upang nang sa gayon…
ay lagi kong bitbit…
sa aking puso…
ang pagasa..,
at nang sa gayon din…
ay magliwanag…
ang aking dadaanan…
sa aking paglakbay…
sa masalimuot na buhay..!
Panginoon..,
basbasan mo ako..!
bigyan mo ako nang..:
tamang pag huhusga..!
upang nang sa gayon…
ay aking makilatis…
nang maigi at tama…
ang kung ano…
ang pagkakaiba…
nang ginto sa tanso..!
at upang sa gayon din…
ay aking matahak…
ang mas mainam na landas..!
Panginoon..,
basbasan mo ako..!
bigyan mo ako nang..:
lakas nang pangangatawan..!
upang nang sa gayon…
ay makayanan kong gampanan…
ang aking obligasyon sa…
pang araw araw..,
at nang walang ano mang…
gawain ang maantala…
nang dahil lamang sa…
pagkaka sakit..!
Panginoon..,
basbasan mo ako..!
bigyan mo ako nang…
lakas nang pananampalataya..!
upang nang sa gayon…
ay maiwaksi ko…
sa aking isipan…
ang mga bagay na…
hindi nararapat…
at…
mga bagay na…
hindi sang ayon…
sa iyong kautusan..!
Panginoon..,
basbasan mo ako..!
bigyan mo ako nang..:
busilak na puso..!
upang nang sa gayon…
ay matutunan ko muling…
umibig nang tapat..!
Panginoon..,
basbasan mo ako..!
bigyan mo ako nang..:
mapagpatawad na puso..!
upang nang sa gayon…
ay tuluyan ko nang…
maibaon sa limot…
ang pait nang nakaraan..!
Panginoon..,
basbasan mo ako..!
bigyan mo ako nang..:
pagkakataong magtiwala muli..!
upang nang sa gayon…
ay hindi nababalot sa duda…
ang bawat pagharap ko…
sa mga taong…
aking nakaka daupang palad…
sa araw araw..!
Panginoon..,
basbasan mo ako..!
bigyan mo ako nang..:
aking mga pangangailangan..!
upang hindi ako…
maging pala asa…
at…
upang hindi ako…
maging pabigat…
sa aking pamilya..!
Panginoon..,
basbasan mo ako..!
bigyan mo ako nang..:
mga kaibigang di mapanghusga..!
mga kaibigang di mapagsamantala..!
mga kaibigang tapat..!
mga kaibigang matino..!
mga kaibigang kapupulutan ko…
nang inspirasyon..!
at…
mga kaibigang may takot…
sa iyo..!
Panginoon..,
basbasan mo ako..!
Amen..!

The Closing Hymn: Ang panalanging ito ay ang aking huling panalangin sa taong ito at ang kauna unahan naman para sa taong darating! Ang aking panalangin ay hindi materyal. Ako ay nanalanging mabigyan nang mga simpleng bagay sa buhay tulad nang: isipang mapang unawa; mahabang pasensiya; liwanag sa karimlan; tamang pag huhusga; lakas nang loob; lakas nang pangangatawan; lakas nang pananampalataya; busilak na puso; mapagpatawad na puso; pagkakataong magtiwala muli; pangangailangan; at mga TUNAY NA KAIBIGAN!

Daniel P. Yuson Jr.

Page 38

  1. True Friend!🙂

    -The SPIRIT

  2. naku sir… kayang kaya mo yan… hindi sila hadlang sa nga pangarap mo… kung siraan ka man nila, insecure na lang ang tawag dun… umabot ka sa tugatog ng tagumpay at kinalalagyan mo na ito ngayon… sa totoo nga, kahit anong pagsubok ang kaharapin natin, nalalagpasan natin ito dahil na rin sa paniniwala natin sa kanya at sa ating sarili… bilib nga po ako sa inyo dahil nakakayanan nyo bawat pagsubok na dumadating sa inyo kaso nga lang sadyang may mga tao lang talaga ang hindi makontento sa buhay nila at para sa pananaw nila, kailangang pakialaman pa nila ang buhay ng iba… mahirap makisama sa taong di mo kilala pero mas mahirap makisalamuha sa taong kilala mo na ngunit iba pala ang pagkatao nya…:0

    sana lang, matigil na sila…:P

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s