CHAPTER THE SEVENTH

” Linggo ng Palaspas “

In Mga misyon nang aking pusong nagbabago on Abril 17, 2011 at 1:34 hapon

Ang Linggo ng Palaspas…
ay ang ika-anim…
at huling Linggo ng Kuwaresma
bago ang Pagkabuhay ni Kristo..!
sa araw na ito…
ay ginugunita ng mga Kristiyano
ang pagpasok ni Hesukristo
sa Herusalem
bago ang kanyang kalbaryo..,
o senyales ng…
pagtatapos ng…
Mahal na Araw..!
ayon sa Ebanghelyo..,
bago sapitin ni Kristo
ang Herusalem
ay nanatili muna siya…
sa Bethany at Bethpage
at dito ay nagsalo sila ni Lazarus..,
kasama ang mga kapatid nitong…
sina Mary at Martha..,
sa isang hapunan..!
habang nagsasalu-salo…
ay inutusan niya…
ang isa niyang disipulo…
na kalagan ang…
isang nakataling buriko…
at sabihing…
ito’y pag-uutos ng Panginoon..!
ang burikong ito…
ay hindi pa nasasakyan kahit minsan…
at siyang ginamit ni Kristo
sa kanyang pagpasok sa Herusalem..!
nakasulat din sa Bibliya na…
sa pagdaan ni Kristo
ay nagbigay pugay…
ang mga tao…
sa pamamagitan ng…
paglalatag ng kanilang…
mga kapa at balabal sa daanan..,
gayun din ng mga…
maliliit na tangkay ng puno..!
tinatawag ding..:
Domingo de Ramos..,
sa araw na ito…
ay naglalabasan sa mga kalsada…
ang mga nagtitinda ng palaspas
na isang mahalagang gamit…
na dinadala ng mga…
mananalampalataya sa Simbahan..!
ang palaspas
ay yari sa tangkay at…
dahon ng niyog…
na hinahabi sa iba’t ibang disenyo…
na kadalasan ay…
nasa anyong pahabang pamaypay…
na may tatlong hugpungan..!
ang iba naman ay hugis krus at arko..!
sa mga lugar na kakaunti…
o walang tanim na palma…
ay gumagamit ng…
alternatibong halaman sa palaspas..!
sa araw na ito…
ay dala ng mga deboto ang…
palaspas sa Simbahan..!
sa hudyat ng pari
ay sabay sabay nilang…
iwinawagayway ang nasabing gamit..!
ang pagwawagayway na ito…
ay nakakalikha ng animo’y…
matulis na tunog…
na dala ng hangin…
na pinaniniwalaan na isang paraan…
upang itaboy…
ang masasamang elemento at espiritu..!
ang pari ay iikot sa mga tao…
upang mabindisyunan…
gamit ang banal na tubig
ang mga palaspas ng mga deboto..!
pag-uwi sa kani-kanilang tahanan…
ay ikinakabit ng mga tao…
ang kanilang palaspas…
sa pintuan ng kanilang bahay…
upang protektahan…
ang kanilang pamilya…
mula sa kasamaan..!
mananatili itong nakasabit sa tahanan…
hanggang sumapit muli…
ang Araw ng Palaspas
isang taon ang makalipas..!
– Hinango sa WikiFilipino

The Body: Sinasabing ang Palaspas ay simbolo ng pagtanggap kay Hesus bilang ating Ama, Panginoon at Tagapagligtas! At ang pag sakay naman ni Hesus sa isang buriko (donkey) papasok ng Herusalem ay sumisimbolo sa Kapayapaan! Ayon sa Eastern Tradition: ” If a King came riding upon a horse when he was bent on war and rode upon a donkey when he wanted to point out that he was coming in peace. Therefore Jesus’ entry to Jerusalem symbolized his entry as the Prince of Peace, not as a war waging king. ”

Ngayong Linggo ng Palaspas, sisimulan ko ang isang misyon! Simula sa araw na ito, pagsisikapan kong maging instrumento nang kapayapaan! Pagsisikapan kong hindi pagsimulan nang away o simulan ang isang hindi pagkaka unawaan! Magiging tulay ako upang magkasundo ang dalawang partidong may samaan ng loob! Kung saan merong galit tatamnan ko ng pagmamahal!

Bilang pasimula, Tatangalin ko ang galit at muhi sa aking puso! Patatawarin ko ang mga taong nagbigay sa akin nang sama ng loob! Sisimulan ko rin ang pakikipagbati sa mga taong aking nakaalitan! Muli kong iaalay ang aking pakikipag kaibigan sa mga taong gumawa sa akin ng kapahamakan!

HANDA NA ANG AKING PUSO NA MAGPATAWAD!

Daniel P. Yuson Jr.

Page 44

  1. 🙂 pipti!

  2. Salamat sa pagbibigay kahulugan ng mahal na araw at ang pagkakaroon ng palaspas…

    Kagagaling ko lang din sa simbahan at hindi pinalampas ang linggo ng palaspas, tama ka, magbigay ng kapatawaran sa bawat isa😀

  3. makikisama ako sa misyong ito…
    ALL THE BEST for PEACE!
    smile…

  4. sh*t… sa sobrang busy, nakalimutan q..😦

  5. naaalala kong bigla ang post ko dati sa wordpress about palaspas at batang asno na sinakyan ni Papa Jesus simbolo ang batang asno ng pagpapakumbaba o kababaang loob🙂

    yan lang muna…:-)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s