CHAPTER THE SEVENTH

” The Seven Last Words “

In Mga misyon nang aking pusong nagbabago on Abril 22, 2011 at 3:00 hapon

There are…
seven expressions…
traditionally attributed…
to Jesus
during his crucifixion..,
gathered from…
the four Canonical Gospels..!
three of the sayings…
appear exclusively…
in the Gospel of Luke
and three…
appear exclusively…
in the Gospel of John..!
the other saying…
appears both…
in the Gospel of Mark
and…
the Gospel of Matthew..!
in the Gospel of Mark
and…
in the Gospel of Matthew..,
Jesus cries out to God..!
in the Gospel of Luke..,
he forgives his killers..,
reassures the good thief..,
and…
commends his spirit to the Father..!
in the Gospel of John..,
he speaks to his mother..,
says he thirsts..,
and…
declares the end of his earthly life..!
since the 16th century…
these seven sayings..,
traditionally called..:
The Seven Last Words..,
have been widely used…
in the preachings…
on Good Friday
and…
entire books…
have been written…
on the theological analysis..,
and the devotional elements…
of the seven sayings..!
physicians and scientists…
who have studied…
the medical aspects of the crucifixion…
concluded that…
the sayings had to be short…
because crucifixion causes asphyxia..!
this makes inhaling air to speak…
difficult and painful..,
especially as death approaches.!
the seven sayings tradition…
is an example of…
the Christian approach…
to the construction of…
a Gospel harmony..,
in which material…
from different Gospels is combined..,
producing an account…
that goes beyond each Gospel..!
a theologian named..:
james dunn…
considers the sayings…
as are part of the elaborations…
in the diverse retellings…
of Jesus’ Christ’s final hours..!
– Hinango sa Wikipedia

The Body: Pinapatawad ko silang mga nagkasala sa akin! Pinapatawad ko ang siyang sumira sa aking pagkabata! Pinapatawad ko ang siyang nagtanim sa isip ko na walang patutunguhan ang aking buhay! Pinapatawad ko ang siyang nagwasak ng aking mga pangarap! Pinapatawad ko ang siyang tinuring akong parang hayup! Pinapatawad ko silang mga hindi ako kinilala dahil sa aking kakapusan! Pinapatawad ko silang mga nang lamang sa aking kahinaan! Pinapatawad ko silang humusga sa akin! Pinapatawad ko ang siyang nagdamot sa akin! Pinapatawad ko silang lahat!

” Father forgive them, for they know not what they do. ” Luke 23:34 The Word of Forgiveness.

Ako ay makasalanan! Nag mahal ako nang bawal! Nakapag salita ako nang masama laban sa aking kapwa! Nakagawa ako nang mga bagay na hindi ikalulugod ng Ating Ama! Nag iisip ako nang mga bagay na hindi ikatutuwa ng Ating Panginoon! At minsan ko na ring ikinatatwa ang Ating Diyos na Tagapagligtas! Miski anong pilit kong magbago, patuloy akong nagkakasala! Ngunit sa kabila nang aking pagiging makasalanan, alam kong Mahal ako ng Ating Tagapagligtas!

” Today you will be with me in Paradise. ” Luke 23:43 The Word of Salvation.

Taong 2008 nang sa wakas ay natanggap ko sa aking sarili na may magandang dahilan kung bakit ako ay iniwan ng aking sariling ina. Nang taon ding iyon, ginawa ko ang unang hakbang upang siya ay mahanap! Handa na ang aking puso na siya ay makita! Hindi na mahalaga sa akin ang dahilan kung bakit nangyari ang mga nangyari! Sa kasawiang palad, natigil ang aking planong paghahanap sa kanya sapagkat nagkaroon ng mga balakid na wala sa aking kontrol at kinapos narin naman ako sa  pondo. Ngunit, hindi naman ako nawawalan ng pag asa. Alam kong darating din ang panahon na mag kikita kaming muli. At kapag dumating ang araw na iyon, isa lang ang aking hihilingin. Yakap. Mga yakap na siya sanang nagpalakas ng aking loob sa mga panahong ako ay pinanghihinaan na at nawawalan ng tiwala sa aking sarili! Mga yakap ng isang ina na siya sanang pumawi sa mga sakit na aking naranasan. Kung ano man ang kasalanan ng aking ina ay mahal ko parin siya. Parati ko siyang naiisip. Sana ay naiisip rin niya ako. Alam kong gagawa ang Panginoon ng paraan upang magkita muli kami nang aking ina na si Dolores Elviña Peña. Darating din ang pagkakataon, sa tamang panahon!

” Behold your son: Behold your mother. ” John 19:26-27 The Word of Relationship

Nakaranas ako ng matinding pananakit na pisikal nang ako ay bata pa. Mga pananakit na magpahanggang ngayon ay tila isang masamang bangungot na nananakot sa akin miski mulat ang aking mga mata! Bukod sa pisikal na pananakit, ako rin ay paulit ulit na pinaniwalang walang halaga ang aking buhay at wala akong pag asa. Naranasan ko ring ikahiya, itakwil, at isawalang bahala! Hindi rin isang minsan lang nang ako ay napahamak ng dahil sa naipon na galit sa aking puso! Naranasan kong kapusin! Naranasan kong gumawa ng mga bagay na hindi nararapat para lamang maitawid ang isang araw! Naranasan kong magkasakit nang malubha at walang sino mang gustong tumulong! Nakaranas ako nang matinding pagdurusa! Aamin ako na sa gitna nang laban, minsan ko na rin hinamon ang Diyos. Minsan ko na ring kinuwestiyon ang kanyang kabanalan. Ngunit sa kabila ng lahat, ako naman ay nakaka bangon parin! Isang puruweba na, Mahal ako ng Panginoon!

” My God, My God, why have you forsaken me? ” Matthew 27:46 & Mark 15:34 The Word of Abandonment

Uhaw ako sa pagmamahal. Sumugal ako ng pagmamahal ngunit pagkasawi ang siyang isinukli sa akin! Uhaw ako sa katarungan. Inalay ko ang aking buhay para sa ikabubuti nang marami ngunit pinagsamantalahan ang aking kahinaan! Uhaw ako sa pagmamalasakit.  Sumisigaw ako tulong ngunit tila walang nakakarinig! Uhaw ako sa pagunawa. Pinili kong manahimik na lamang sapagkat kadalasan, ang mga sinasabi ko ay pinagtatawanan, sinasawalang bahala, at hindi pinaniniwalaan! Uhaw ako sa kung ano ang patas!

” I thirst. ” John 19:28 The Word of Distress 

Tinapos nang iilang taong takot sa katotohanan ang aking pangarap! Isinawalang bahala nila ang aking mga pinag hirapan! Ang akala nila, matatapos din ang aking paglaban. Pinagsaraduhan nila ako ng pintuan. Ngunit pinagbuksan naman ako ng Panginoon nang mas malaking bintana ng pag asa! Nangyari ang mga nangyari sapagkat ito ay ang siyang dapat! Ako ay nasawi, nalugmok, at natalo ngunit hindi iyon dahilan upang ako ay sumuko! Lalaban akong muli, at alam kong sa pagkakataong ito ako naman ay magwawagi! Naganap na!

” It is finished! ” John 19:30 The Word of Triumph

Sa kabila nang lahat, ako ay nagtitiwala sa iyo Panginoon! Kinikilala kita bilang aking Ama, Diyos at Tagapagligtas! Tanggapin mo ang aking pag hingi ng tawad sa lahat ng aking nagawang pagkakasala! Patuloy mo akong gabayan. Ibuhos mo ang iyong pagmamahal.  Ikaw ang pinaghuhugutan ko nang lakas ng loob! Ituro mo sa akin ang tamang landas. Ako ay iyong iligtas!

” Father, into thy hands I commit my spirit! ” Luke 23:46 The Word of Reunion

Daniel P. Yuson Jr.

Page 45

  1. very very informative😀

    kahit hindi na holy week this is always good to know

  2. update nah!!😀

  3. May God bless you always.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s