CHAPTER THE SEVENTH

” Shaider “

In Mga kuwento nang aking pusong nag sisenti on Mayo 22, 2011 at 8:50 hapon

Ang uchu keiji shaider..,
o simpleng shaider..,
ay ang ikatlong bahagi…
ng metal heroes series..,
at ang pinaka huli sa…
space sheriff trilogy..!
ang buod..:
noong nasa kolehiyo pa…
si dai sawamura..,
alexis nang pinalabas sa pilipinas..,
nalutas niya ang mga larawan…
sa kapatagan ng nazca…!
dahil dito..,
napasali siya sa…
samahang pulis pangkalawakan…
at naging arkeologo…
at sinanay siya…
upang maging..:
ikatlong pulis pangkalawakan…
ng daigdig sa kasalukuyang mga taon..!
ipinangalan siyang..:
shaider..,
bilang paalala…
at…
parangal…
sa isang sinaunang bayani…
na tumalo at sumira..
kay fuuma le-ar..!
ang shaider sa kasalukuyan…
ay tinutulungan ni..:
annie…
upang pigilin…
ang fuuma le-ar ng ngayon..!
ang mga pangunahing tauhan..:
alexis del mundo o shaider..,
at…
annie..!
ang mga kontrabida..:
fuuma le-ar..,
babaylan ida..,
at…
kommander drigo..!
ang mga halimaw ni fuuma le-ar..:
baribari at petopeto..,
girugiru at meromero..,
mujimuji at gokugoku..,
barabara at kerokero..,
tamtama at pasupasu..,
getogeto at roborobo..,
kotokoto at guriguri..,
gamegame at bokeboke..,
girigiri at muumuu..,
magu-magu at shigishigi..,
surisuri at umiumi..,
gasgas at lovelove..,
sai-sai at kamikami..,
deathdeath at ito-ito..,
buyobuyo at fumafuma..,
karikari at merimeri..,
kagekage at daridari..,
konkon at guchiguchi..,
moviemovie at satasata..,
terroterro at pearpear..,
hebihebi tsutatsuta..,
gemugemu at omega..,
muchimuchi at yahda..!
ang mga sandata ni shaider..:
ang babylos..,
ang battle tank..,
ang blue hawk..,
ang sky striker..,
at…
ang shaider blaster..!
mga sinasambit ni shaider..:
code name shaider..,
shaider cutter..,
shaider super slash..,
at…
shaider scope..!
ang time space warp..:
pagkatapos ni shaider at annie…
na matagumpay na salakayin…
ang mga sundalo at halimaw…
ni fuuma le-ar..,
tatawagin na ni shaider…
” ang time space warp “..!
at sasabihin naman niya ang..:
” time space warp, ngayon din “..!
pagkabanggit nito..,
magbubukas ang isang portal…
papunta sa ibang dimensyon…
kasama ang mga halimaw ni fumma le-ar..!
at gagamitin naman ni Shaider…
ang blue hawk..,
upang hahabulin niya…
ang mga kalaban sa ibang dimensyon..!
at pag natatalo na ang mga halimaw…
ni fumma le-ar..,
at tsaka naman gagamitin ni shaider…
ang..:
” shaider super slash “…
para tapusin na…
ang halimaw ni fuuma le-ar..!
– Hinango sa WikiFilipino

The Body: Ang panonood ng orihinal na Shaider, na may dubbing na tagalog , tuwing Sabado ng hapon ang isa sa madalas na dahilan ng pagtatalo namin ng aking kapatid na si Dave noong kami at bata pa. Lahat na yata ng paraan upang makalimutan ni Dave ang schedule ng palabas ay nagawa ko na! Naandiyang utusan ko siyang bumili ng miryenda sa malayong tindahan, piliting matulog ng matagal sa hapon, takuting gumawa ng assignment, at pagsaraduhan ng bahay. Pero bigo ako! Naaalala at naaalala parin niya ang palabas na Shaider!

Isang dahilan kung bakit ayaw ko siyang manood ng Shaider ay sapagkat tuwing sabado palabas din ang Saturday Entertainment, ang pang sabadong edisyon ng That’s Entertainment ni Kuya Germs! Sa edisyong ito nang naturang palabas, nag lalaban laban sa isang Production Number ang mga alagang teen stars ni Kuya Germs na kung saan ang mananalo ay may premyong 1 year supply ng Birch Tree Powdered Milk!

At dahil isa lang naman ang aming TV na Black and White pa, dapat isa lang din sa Shaider o Saturday Entertainment ang mapapanood! Dahil mas matanda ako kay Dave, madalas ako na lang ang nagpaparaya. Pumupunta na lang ako ng aplaya kung saan may isang bahay na naka tutok parati sa Saturday Entertainment at doon sa may bintana ako nakikinood! Pagkatapos ng palabas, diretso bakaw na ako ng isdang dilis! Kaya pag uwi ko may ulam pa kami!

Minsan naman, kapag nagugulangan ko si Dave, ako ang nakaka nood sa TV namin! Pero isang nakaka iritang iyak naman o nakaka inis na pag dadabog ang aking dapat pagtiisan! Kapag nainis na rin ang Tatay namin sa pag sisintimyento nang aking kapatid, napipilitan na rin akong pagbigyan si Dave na maka nood nang kanyang paboritong palabas na Shaider!

Ang totoo niyan, wala naman akong hindi gusto sa palabas na Shaider! Minsan ko rin naman siyang kinahiligan! Pero, napansin ko kasi na paulit ulit lang ang takbo ng istoya ng Shaider! Sa umpisa masaya ang simula nang kuwento. Pagkatapos, magkaka gulo dahil kina Ida, Kapitan Drigo. Fuuma Le-ar at ng mga Halimaw nito! Magtatagpo si Shaider at ang Halimaw ni Fuuma Le-ar. Matatalo sa simula si Shaider. Pero maghahanda si Shaider sa ikalawa nilang pagtatagpo. At pagkatapos, magkikita ulit sina Shaider at ang Halimaw at duon na ibibigay ni Shaider ang lahat ng kanyang magagawa at duon na rin niya matatalo ang Halimaw! Happy ending as usual!

Paksa ko ang Shaider ngayon sapagkat, makalipas ang ilang taon aking napagtanto na ang buhay pala ng tao ay parang palabas na Shaider. Kadalasang magsisimulang masaya ang kabanata ng buhay. Pero may darating na unos. May darating na mga pangyayari at mga tao na siyang magiging dahilan ng ating pighati. Mag hahari ang kasamaan. Magtatagumpay ang silang mga may masamang intensiyon sa kapwa. At tulad din ng palabas na Shaider, ang mga inapi at sinaktan ay babangon at gagamitin ang mga dagok sa buhay bilang inspirasyon upang ipaglaban ang tama! At sa huli, magtatapos na masaya ang buhay!

Daniel P. Yuson Jr.

Page 46

  1. nasa kinder yata ako nung mga panahong yan.😀

  2. basta isa ako sa mga nahumaling sa Shaider nung bata ako… at nahihiwagaan kay IDA hehehe

  3. time space warp! ang haba. nice post parang off topic sa blog mo hehe.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s