CHAPTER THE SEVENTH

Unang Pag ibig

In Mga tibok nang aking pusong minsang nag mahal on Setyembre 22, 2011 at 4:59 hapon

ikaunang-pag-ibig

Apat na beses din akong umibig! At ang bawat isa sa mga pag ibig na iyon ay may katagalan din naman. Kaya masasabi ko na seryoso ako sa bawat relasyong pinapasok ko! Gasgas man at paulit ulit, at sa maniwala kayo at hindi, buong buhay ko handa kong ibigay at ialay para sa taong aking minamahal.

Bagong graduate lang ako sa kolehiyo nuong makilala ko si Unang Pag ibig. 20 years old ako nuon. Late na kung tutuusin. Mas bata sa akin ng tatlong taon si Unang Pag ibig. Nagkakilala kami sa Teatro. Madalas kaming magkita dahil sa mga proyektong aming pinag sasamahan. Madalas kaming sabay umuwi sapagkat ang bahay nila ay dalawang streets lang ang layo mula sa bahay ng aking mga magulang kung saan ako nakatira nuong mga panahong iyon. Madalas din kaming mag usap sa telepono gabi gabi para planuhin at isaayos ang mga kinakailangan sa mga shows na aming ginagawa. At marahil sa dalas nang aming encounters, na realize na lang namin isang gabi na tungkol na sa pag hanga sa isa’t isa ang aming pinag uusapan. Hanggang sa di namin namalayang mahal na pala namin ang isa’t isa.

Buwan ng Setyembre din nang sa kauna unahang pagkakataon sa aking buhay, officially, nagkaroon ako ng taong mamahalin at paglalaanan ng panahon. Buwan ng Setyembre nang aking matagpuan ang aking Unang Pag ibig! 

Naging maayos naman ang aming pag mamahalan. Sa kabila ng mga puna at batikos ng mga tao sa aming paligid, napaglaban naman namin ang isa’t isa sa mga taong kontra sa aming relasyon. Nag laan siya ng panahon sa akin at ganun din naman ako sa kanya. Welcome naman ako sa bahay nila miski na sa amin ay hindi siya kilala. Siya ang unang taong nakakausap ko sa umaga bago pumasok sa trabaho at siya rin ang huling taong makikita at makaka usap ko sa gabi bago matulog.

Ilang movies din ang pinanuod namin together. Ilang parties din ang dinaluhan naming magkasama. Ilang dinner date din ang pinag handaan at ginawa naming special para sa isa’t isa. At dahil hindi pa gaano in ang pag te-text nang mga panahong iyon, Ilang love letters din ang naibigay namin sa bawat isa.

Pero tulad ng pangkaraniwang relasyon, dumating din yung time na nagkaroon kami ng matinding away! Dala ng kapusukan nang pagiging bata, alam kong at one point nahati rin ang atensyon at pagmamahal niya. Selos ang naghari sa aking puso! Pero, hindi naman ako madamot. Handa akong magparaya. Kinausap ko si Unang Pag ibig at hiniling na tapusin na lang namin ang aming pagmamahalan kung hindi naman niya kayang ibigay sa aking ito ng buo. Hindi pumayag si Unang Pag ibig. Nag desisyong kaming i-try i-work out ang mga bagay na hindi namin napapagkasunduan. Infairness kay Unang Pag ibig, nakita ko rin naman at naramdaman na ginawa niya ang lahat para pagkatiwalaan ko siya.

Pero tulad ng lahat ng bagay ang lahat ay may hangganan. Sa kasamaang palad, matapos ang isang matinding pagtatalo, dumating din ang pinaka malungkot na episode sa aming love story nang kinailangan naming mag hiwalay.  Matapos ang ilang beses na pakikiusap kong tapusin na ang aming relasyon, pumayag din si Unang Pag ibig sa kabila ng mga iyakan at sisihan. Nakipag hiwalay ako kay Unang Pag ibig miski na mahal ko pa siya sapagkat gusto ko siyang maging malaya. Malayang pumili ng taong kanyang mamahalin.

May ilang buwan pa matapos kaming maghiwalay, patuloy kaming nagkita ni Unang Pag ibig. Pagkikitang walang kibuan, walang pansinan. Nang matapos na ang isang proyektong aming pinag samahan, tuluyan na rin kaming hindi nagtagpo at nagkausap. Hindi ako nag effort makibalita tungkol kay Unang Pag ibig sa takot na pagsisihan ko lang ang aking naging desisyon. Alam kong ganun din naman siya.

Makalipas ang halos dalawang taon, muli kaming magkita ni Unang Pag ibig, dumalaw siya sa paaralang aking pinagtatrabahuhan. Nagkamustahan, nagkabiruan. Kinamusta ko siya kung may bago na siyang pag ibig. Ang sabi niya: ” Wala! ”  Tinanong din niya ako, ang sinagot ko: ” Wala pa rin. ”  Nagyaya siyang mag dinner that night. Tumanggi ako. Hindi ako pumayag hindi dahil sa may galit ako sa kanya kundi dahil ang totoo, noong panahong iyon, may bago na akong commitment. Makalipas ang halos dalawang taon matapos ang pagmamahalan namin ni Unang Pag ibig, commited na ako kay Ikalawang Pag ibig.

Ang huling salitang iniwan sa akin ni Unang Pag ibig bago siya umalis ay: ” Alam mo? Kung hindi dahil sa iyo, eh di sana hanggang ngayon tayo parin. ”

Daniel P. Yuson Jr.

Page 48

  1. bata pa kase si unang pag ibig kaya pabago bago ang isip =)

  2. Mapanisi si Unang Pagibig!🙂

  3. ANG PAG-IBIG HINDI SINUSUKAT O KAILANGAN TIMBANGIN.

    SA PAG-IBIG KAILANGAN DING MAG ADD NG TIWALA MAG SUBTRACT NG PAGSESELOS MAG MULTIPLY NG PAGMAMAHAL MAG DIVIDE NG PAG AAWAY .

    KAYA WAG MO NG ISIPIN YUNG MGA PAST MO.

  4. So 17 years old lang that time si unang pag ibig? hmmmmmm…😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s