CHAPTER THE SEVENTH

Ikalawang Pag ibig

In Mga tibok nang aking pusong minsang nag mahal on Oktubre 10, 2011 at 5:38 hapon

ikalawang-pag-ibig

Sadyang hindi ko binanggit sa kuwento ko tungkol kay Unang Pag ibig na bago ko pa simulang mapansin na mahal ko na pala talaga si Unang Pag ibig ay may pustahang naganap sa pagitan ko at isa kong kaibigan. Pinag pustahan namin na mauuwi sa seryosong relasyon ang nararamdaman kong pag hanga kay Unang Pag ibig. Hindi naman mahirap mahalin si Unang Pag ibig. Sa katunayan maraming humahanga sa kanya nuong panahong hindi pa kami. At mas marami lalo ang humahabol sa kanya nuong sa wakas ay naging kami na. Kaya kung tutuusin, walang dahilan para idaan pa sa pustahan ang naramdaman kong pag mamahal sa kanya.

Pinatulan ko lamang ang nasabing pustahan sapagkat na challenge ako sa kutya nang aking kaibigan na mauuwi sa wala ang pag hanga ko kay Unang Pag ibig. Sumbat pa nang aking kaibigan sa akin: ” Masyadong perpekto si Unang Pag ibig para sa iyo! ” Minsan ko na ring naisip ang sinabing iyon ng aking kaibigan. Totoo din naman talaga na magkaibang magkaiba kami ni Unang Pag ibig! Hindi siya nababagay sa akin. At tanggap ko naman iyon. Pero sadyang mapagbiro ang pag ibig. Ang paghanga na nag simula sa pustahan at ang dalawang taong magkaibang magkaiba ay maaaring mauwi din naman pala sa pagmamahalan!

Nabanggit ko ngayon ang sikretong ito sapagkat napaka halaga nang naging aral sa akin nang aking Unang Pag ibig sa mga sumunod kong pagsabak sa larangan ng pagmamahalan. Dahil nga nag simula ang lahat sa isang pustahan, pakiramdam ko may isang bahagi sa akin ang nagsinungaling, ang hindi nagsabi ng totoo! Kaya naman madalas din akong duda sa tunay na intensiyon sa akin ni Unang Pag Ibig. Ang hirap pala pumasok sa isang relasyon na nag simula nang hindi ka 100% na honest! Kaya naman sa mga sumunod kong Pag ibig, siniguro ko na tapat ang aking intensiyon!

Halos isang taon din akong nagsikap makalimutan si Unang Pag ibig! Mahirap ang naging proseso! Malungkot ang mga araw na hindi ko man lang siya makausap! Pero, tulad ng lahat ng mga bagay sa mundo na may simula, nagkaroon din naman ng katapusan ang aking pagluluksa nang araw na mapansin ko ang presensiya ni Ikalawang Pag ibig!

Walang eksahirasyon nang sabihin kong: ” Halos isang taon din akong nagsikap makalimutan si Unang Pag ibig! ” Ganun katagal bago ko finally makalimutan si Unang Pag ibig! Ganun katagal bago ko finally napansin na sa loob pala ng halos isang taon, naandiyan lang sa isang tabi si Ikalawang Pag ibig. Naghihintay na mapansin siya!

Sa loob pala nang halos isang taon, tahimik na naghintay si Ikalawang Pag ibig! Alam niya ang aking pinag daanan. Saksi siya sa mga araw na wala ako sa aking sarili sa sobrang kalungkutan! Sinamahan niya ako sa mga oras na kailangan ko nang kaibigan. Nakiramay siya sa akin sa mga araw na ako ay nagluluksa. Pinapasaya niya ako sa mga araw na ako ay malungkot. Naghintay si Ikalawang Pag ibig nang halos isang taon bago ko siya mapansin!

Tuluyan kong napansin ang presensiya ni Ikalawang Pag ibig dahil sa isang gulo na kinasangkutan niya! Nakipag away si Ikalawang Pag ibig sa pag tatanggol sa akin! Isang malaking gulo ang naganap sa pagitan ni Ikalawang Pag ibig at sa isang grupo ng mga tao na may intensiyong di maganda sa akin! Nang humupa ng bahagya ang gulong iyon, tinanong ko si Ikalawang Pag ibig kung bakit niya ginawa ang ginawa niya. Ang sagot niya: ” Kasi mahal kita! ” At nang oras ding iyon, nakaramdaman ako bigla nang paghanga at pagmamahal kay Ikalawang Pag ibig!

Dahil sa aral na natutunan ko mula sa aking Unang Pag ibig, di ako nag padalos dalos. Nag dahan dahan ako sa aking nararamdaman. Siniguro ko munang kilala ko na ng lubos si Ikalawang pag ibig! Nag tagumpay naman ako na makilala siya ng lubos! Nakilala ko rin ang kanyang pamilya! Tinanggap ko siya ng buong buo! At tinanggap din ako ng kanyang pamilya! Lumipas pa ang halos 3 buwan mula nang maganap ang gulong kinasangkutan ni Ikalawang Pag ibig bago namin ginawang opisyal ang aming relasyon!

Nang panahong kami na ni Ikalawang Pag ibig, ako ay nag desisyon na ring bumukod mula sa aking mga magulang. Umupa ako ng bahay sa Project 3 Quezon City. Sa simula, pabisita bista lang sa akin si Ikalawang Pag ibig. Hanggang sa tuluyan na kaming magsama. Alam kong alam sa kanila na kami ay magkasama na sapagkat sa tuwing uuwi siya sa kanila upang kumuha ng mga damit, tinatawagan ako nang kanyang kapatid na babae upang siguraduhing sa akin nga siya tumutuloy. Ang kanyang kapatid na babae rin ang madalas na nagpapasalamat sa akin sa ginawa kong pag tanggap kay Ikalawang Pag ibig.

Naging masaya ang pag sasama namin ni Ikalawang Pag ibig! Ako ang nag tatrabaho habang siya naman ay sa bahay lang. Pero sa kabila ng aming sitwasyon, hindi namin naging problema ang pera. Magaling mag budget si Ikalawang Pag ibig. Magaling din siya mag luto! Maaasahan din siya sa gawaing bahay. Halos perpekto na ang aming pagsasama hanggang sa isang araw na umuwi ako nang mas maaga sa karaniwan.

Naabutan kong saradong sarado ang bahay. Ilang beses akong kumatok sa pintuan pero walang sumasagot. Nang sumilip ako sa bintana, nakita ko si Ikalawang Pag ibig na gumagamit ng pinag babawal na gamot. Nabulabog siya nang mapansin niyang nakasilip ako! Nag away kami nang gabing iyon. Isang matinding away! Humingi siya ng paumanhin at sumumpa na di na siya uulit sa masamang gawain. Pinagbantaan ko siya na kapag naulit pa iyon ay pauuwiin ko siya sa kanila. Pumayag siya sa sinabi ko. Pagkatapos nang araw na iyon, lalong mas naging maasikaso si Ikalawang Pag ibig. Tuwang tuwa naman ako sa pinakitang pagbabago ni Ikalawang pag ibig.

Makalipas ang ilang buwan pa, sa kasamaang palad, muli kong nahuli si Ikalawang Pag ibig na subsob sa kanyang bisyo! Iyon na ang ultimatum! Hindi ko na siya papayagang maka tatlo pa! Agad agad kong tinawagan ang kanyang kapatid para siya ay ipasundo sa bahay! Sinabi ko sa kanyang kapatid ang lahat nang mga nangyari! Nakisuap ang kanyang kapatid na bigyan ko pa nang isang pagkakataon si Ikalawang Pag ibig. Nag matigas ako sapagkat sa pakiramdam ko niloko ako ni Ikawalang Pag ibig.  Nag try mag explain si Ikalawang Pag ibig. Nakiusap siya na pakinggan ko siya. Hindi ako nakinig. Sarado ang aking isip! Nang gabing iyon, umuwi sa kanila si Ikalawang Pag ibig.

Sa sobrang galit ko kay Ikalawang Pag ibig, agad agad din akong nag paalam sa aking Landlady. Hindi ko na ginamit pa ang aking deposit at natitirang buwan sa aking upa. Sa tulong nang ilang kaibigan, nakahanap ako agad ng malilipatang bahay. Sa isang bahay sa Lamuan sa Marikina City ako lumipat. Nakumpleto ang aking paglilipat sa loob lamang nang isang araw! Masuwerte rin at nang mga pahanong ito katatapos lang din ng School Year. Nagpaalam ako sa eskuwelahan na aking pinag lingkuran at suwerte din namang napagbigyan na ako ay lumipat! Ginawa ko ang lahat nang paglipat na iyon para siguraduhin hindi na kami magkikitang muli ni Ikalawang Pag ibig! Ginawa ko ang pag tatago kay Ikalawang Pag ibig hindi dahil hindi ko na siya mahal kundi dahil galit ako!

Lumipas ang mga araw, linggo, at buwan na wala akong narinig na balita tungkol kay Ikalawang Pag ibig. Hindi ako nakaramdam nang lungkot sapagkat punong puno parin ako nang galit! Hanggang sa isang gabi, makalipas ang mahigit kalahating taon, pag uwi ko sa bahay naabutan ko sa labas nang gate si Ikalawang Pag ibig. Gulat na gulat ako sa kung paano niya ako natunton. Pero hindi ako nang tanong. Hinarap ko siya pero hindi kami nang usap. Walang nag salita. Pinapasok ko siya sa bahay at agad din naman siyang sumunod. Parang walang nangyaring ayaw sa amin. Pagkatapos niyang ilapag ang kanyang dalang bag agad din siyang nagpalit nang damit at nag simulang magluto nang hapunan. Hinayaan ko lang siya sa ginagawa niya. Hindi ko alam ang aking sasabihin. Hindi ko alam ang aking gagawin. Sabay pa kami nag hapunan nang gabing iyon. Walang nagsasalita. Walang gustong magsimula nang usapan.

Nang oras na nang pagtulog, tumabi sa akin si Ikalawang Pag ibig. Sinadya kong tumalikod sa kanya. Alam kong naramdaman niya na hindi pa ako handa na makipag ayos sa kanya. Nirespeto naman niya ang gesture na iyon. Hindi ako halos makatulog nang gabing iyon. Iniisip kong mabuti kung ano ang aking gagawin. Iniisip ko rin kung ano ba talaga ang aking nararamdaman. Matapos kong timbangin ang lahat, naka buo ako nang desisyon.

Pag gising namin kinaumagahan, nag kunwari akong may pupuntahan. Nagbihis ako nang panlakad. Ginising ko si Ikalawang Pag ibig. Agad naman siyang bumangon at dumiretso sa kusina. Pinigilan ko siya. Sinabi kong aalis ako. Sinabi kong hindi siya puwede sa bahay. Sinabi ko na hindi kami puwede mag sama. Sinabi kong hindi na puwede na maging kami pero wala akong ibinigay na dahilan. Hindi rin naman siya nag tanong. Agad din naman siyang nag ayos nang kanyang sarili at binitbit ang bag na dala niya. Sabay kaming lumabas nang bahay. Walang umiimik. At dahil kunyari lang naman ang dahilan ko na aalis ako, sa paradahan nang jeep na pauwi sa kanila kami dumaan. Alam kong naintindihan niya ang gusto ko mangyari. Naghintay kami nang kanyang masasakyan. Nang may dumaang jeep, pinara niya iyon. Kinuha ko ang kanyang kamay ay inabutan siya nang pera. Bigla siyang tumingin sa akin at sabay sabi na: ” Hindi naman iyan ang binalikan ko eh. ” Ibinalik niya yung pera sa akin sabay sakay sa jeep. Natulala ako. Wala akong nasabi. Pinagmasdan ko ang papalayong jeep. Nang mawala na sa aking paningin ang jeep. Duon ko lang na realize ang lahat na nangyari. At napansin ko na lang na umiiyak na ako mag isa.

Daniel P. Yuson Jr.

Page 49

  1. ang galing ngyayari pala talaga sa totoong buhay ang ganon.. naun ko lng narealyze kaya mabait ang kapatid ni pangalawang pag ibig kay daniel..

  2. Naluha ako sa kwentong to Daniel.😦

  3. Sir, magpasalamat na lang tayo at minsan naramdaman mo ang mag mahal at mahalin. Siguro ganun talaga hanggang dun na lang ang iyong relasyon sa iyong mga pag ibig. Pero inaabangan ko ang susunod mo na bagong pag ibig pero kung isa sa mga dati mong pag ibig pa rin eh masaya pa rin ako para saiyo ang importante sa akin ay may nagmamahal sa iyo kase you deserve to be happy at least in that aspect, inspirational ang dating ng mga stories mo siguro talagang dapat next time sir eh mas habaan mo ang patience mo lahat tayo meron mga bad sides talaga pero ang dapat ay makatagpo tayo ng taong makakaunawa sa bad side na yon at itratry na tulungan tayo mabago ang mga masasama sa atin. Minsan lang sa mga taong mamahalin natin mas meron silang parang di katanggap tanggap kesa sa atin kaya madali natin sabihin na sige na wag na itry marami pa naman iba dyan na mas ok pero diba nakakapagod mag paulit ulit makipag relasyon panibagong pakikisama nanaman tapos panibagong pag papakilala kung anong klase ka na tao. So for me pag nakahanap ka na ng taong mamahalin mo try and try malagpasan ang mga problema nyo kase lahat ng iyon ay lilipas din🙂 basta willing kayo parehas na ipagpatuloy ang pagibig nyo. Basta sir next time ha pls. habaan mo paguunawa mo lalo na sa tingin mo na mas ikaw ang mas maayos ang buhay at walang issues. Sana next story yung sana happy ending naman🙂 Miss you sir! i am glad nakita kita sa FB.

    • Teresa,

      Ang galing noh? Ikaw na ngayon itong nag bibigay ng advise! Noted lahat ito! Masaya din ako at may Facebook, nagkita kita tayo lahat duon!

      Paki subaybayan ang mga susunod na bahagi ng serye ng aking pag ibig. Baka sakaling may matutunan ka rin!

      D

  4. Pahabol lang, salamat nakakuha ako ng ideya para sa susunod kong post para sa kuta kong inaagiw lels

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s