CHAPTER THE SEVENTH

Ikatlong Pag ibig

In Mga tibok nang aking pusong minsang nag mahal on Nobyembre 11, 2011 at 11:11 umaga

ikatatlong-pag-ibig

Panghihinayang! Isang matinding panghihinayang ang nadama ko nang mapagtanto ko na nawala na ng tuluyan sa akin si Ikalawang Pag ibig! Nang hinayang ako sa pagkakataon na sana ay naibigay ko sa kanya upang siya ay mag bago pa. Nang hihinayang ako sa pagmamahal na alam kong kung akin lamang pinahalagahan ay marahil nalampasan ang pagsubok na aking sinukuan! Ilang gabi rin akong binagabag nang panghihinayang! At ilang araw din ang lumampas na walang saysay dahil sa panghihinayang na iyon! At ang totoo niyan, magpahanggang ngayon, nanghihinayang parin ako!

Hinanap ko si Ikalawang Pag ibig pero nabigo ako! Nagtanong tanong ako sa kanyang mga kaibigan pero walang makapag sabi kung saan siya nakatira. Nag lakas loob akong lumapit sa kanyang kapatid upang itanong kung nasaan si Ikalawang Pag ibig pero ang tanging impormasyon na ibinigay niya sa akin ay nasa probinsiya na daw nila ito. Halata ko sa pakikitungo sa akin nang kapatid ni Ikalawang Pag ibig na maging ito ay tila mag tampo sa akin sapagkat ayaw niyang magbigay ng detalye sa kung saan ko eksaktong matatagpuan si Ikalawang Pag ibig. Wala na akong nagawa kundi tanggapin na isa na lamang ala ala ang kabanata ko kay Ikalawang Pag ibig! Isang kabanata na, sa kasamaang palad ay hindi natuldukan.

Marso nang taong ito naka tanggap ako ng Friend Request mula sa kapatid ni Ikalawang Pag ibig. Walang pag aatubili na in-accept ko ito. Sa wakas, matapos ang labing dalawang taon may balita ako muli tungkol kay Ikalawang Pag ibig! Muling kinumpirma ng kapatid ni Ikalawang Pag ibig na nasa probinsiya nila si Ikalawang Pag ibig. Duon na daw ito namalagi mula nung araw na huli kaming magkita. Hiling na rin daw mismo ni Ikalawang Pag ibig na wag na ipaalam sa akin kung saan siya matatagpuan. Hindi ko masisisi si Ikalawang Pag ibig sa nais niyang iyon. Masaya ring ibinalita sa akin ng kapatid ni Ikalawang Pag ibig na may maayos na trabaho na ito at may asawa na rin.

Aaminin ko na nakaramdam ulit ako ng panghihinayang nang  marinig ko na may asawa na si Ikalawang Pag ibig . Pero gumuhit naman ang ngiti sa aking mga labi at muling pumintig ang aking puso nang sabihin sa akin nang kapatid ni Ikalawang Pag ibig na ang pangalan ng panganay na anak ni Ikalawang Pag ibig ay: Daniel! Dito, sa puntong ito, natuldukan na ang kabanata ko kay Ikalawang Pag ibig.

Halos isang taon din makalipas ang huli naming pagkikita ni Ikalawang Pag ibig nang nakilala ko naman si Ikatlong Pag ibig. Ang totoo niyan, nasa puso at isipan ko parin si Ikalawang Pag ibig nang mga panahong iyon. Pero sadyang may kakaiba kay Ikatlong Pag ibig kaya pansamantalang nakalimutan ko si Ikalawang Pag ibig!

Nasabi kong kakaiba si Ikatlong Pag ibig sapagkat lahat ng naranasan ko sa kanya ay kailan man di ko naranasan kay Unang Pag ibig at Ikalawang Pag ibig! Simula pa lamang, kakaiba na ang aming sitwasyon! Pamangkin si Ikatlong Pag ibig ng kasamahan ko sa trabaho. Kaya itinago namin ang kung ano man ang namamagitan sa amin. Kakaiba rin ang konsepto niya ng pagmamahal! Para kay Ikatlong Pag ibig, kung mahal mo ang isang tao, dapat di ka mahihiyang ipakita ito sa iba! Masarap gawin ang bawal at mali kaya naman nuong una, nadala ako sa bugso ng aking damdamin kaya sinakyan ko ang konsepto niyang iyon. Ngunit kalaunan ang konsepto niyang iyon din ang naging ugat ng madalas namin pagtatalo! Mga pag tatalo at di pag kakaunawaan na, sa kasamaang palad ay nauuwi sa pananakit!

Oo! Umaamin ako! Madalas manakit si Ikatlong Pag ibig! Sinasaktan niya ako sa tuwing hindi niya nakukuha ang gusto niya! In all fairness naman kay Ikatlong Pag ibig, hindi naman materyal na bagay ang mga gusto niya! Gusto niya malaman ng mga tao sa eskuwelahang aking pinag tatrabahunan ang aming relasyon! Hindi naman mahirap gawin iyon, pero duon nga din kasi nag tatrabaho ang tiyahin niya na pinag lilihiman namin! Gusto niyang ipinapakita at iparamdam ko na mahal ko siya miski na may ibang tao pa sa paligid. Gusto niya na kapag tumawag siya sa bahay ay ako kaagad ang sasagot. Gusto niya na may access siya sa personal email ko. Gusto niyang masunod parati ang gusto niya! At kapag hindi niya nakuha ang gusto niya, gumagawa siya ng paraan upang ako ay mapahanak!

Minsan, miski walang dahilan, bigla na lang mananakit si Ikatlong Pag ibig! Gustong gusto niyang may naiiwang pasa sa mga bahagi ng katawan ko na makikita ng ibang tao! Tinanong ko siya kung bakit niya ginagawa iyon. Ang tanging sagot niya: ” Gusto ko makita reaction mo. ” Hindi ko maintindihan ang tumatakbo sa isip niya! Pero dahil mahal ko si Ikatlong Pag ibig ng mga panahong iyon, hindi ko man lang naisip na mali na pala ang mga nangyayari!

Tumagal din nang halos isang taon ang lihim namin ni Ikatlong Pag ibig! Para makaiwas sa pananakit ni Ikalawang pag ibig, madalas pinag bibigyan ko na lang siya sa mga gusto niya! Kung minsan naman at hindi ko talaga mapag bigyan ang mga gusto niya, duon nanaman siya mananakit! Pinag tiyagaan ko ang mga ginagawang pananakit ni Ikatlong Pag ibig sapagkat mahal ko siya! Hanggang sa dumating ang isang araw na napagod na ako sa tila paulit ulit na drama ng buhay namin! Nag desisyon akong tapusin na ang aming lihim. Kailangan ko nang tulong!

Kinausap ko ang tiyahin ni Ikatlong Pag ibig. Ipinag tapat ko sa kanya ang lihim na aming itinago. Nagulat ako nang malaman kong alam din naman pala niya ang sikreto namin ni Ikatlong Pag ibig. Simula pa lang pala ay napapansin na niya. Simula pa lang pala ay ipina alam na sa kanya ni Ikatlong Pag ibig ang namamagitan sa amin. Mas lalo akong nagulat sa ikinuwento sa akin ng tiyahin ni Ikatlong Pag ibig nang isumbong ko ang mga pananakit nito!

Ayon sa tiyahin ni Ikatlong Pag ibig, biktima ng abduction at sexual assault nuong bata pa si Ikatlong Pag ibig! Na abduct si Ikatlong Pag ibig ng isang taong nakilala niya sa internet. Itinago si Ikatlong Pag ibig sa isang malayong lugar! Matagal raw nawala si Ikatlong Pag ibig! Kuwento pa ng tiyahin ni Ikatlong Pag ibig, habang nasa kamay ng kanyang abductor, madalas saktan si Ikatlong Pag ibig hanggang sa ito ay magkapasa pasa at duguan at saka siya gagamitin!

Daniel P. Yuson Jr.

Page 50

  1. marahas si ikatlong pag ibig ah.. nakakatakot nakakrimarim ang kanyang mga kinikilos..

  2. —Kaya naman pala siya sadista.🙂

  3. mag-aral ka din mag-karate tapos maglaban kayo hehe.

    nasa sa iyo naman yun kung magpapagulpi ka sa kanya. ikaw makakaalam kung ano ang limit mo.

    si 3rd ba ang current?

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s