CHAPTER THE SEVENTH

Ikaapat na Pag ibig

In Mga tibok nang aking pusong minsang nag mahal on Disyembre 2, 2011 at 10:59 umaga

ikaapat-na-pag-ibig

Itinuloy ko ang pagsasama namin ni Ikatlong Pag ibig! Pinilit kong intindihin ang mga pinag daanan niya! Gumawa ako ng mga paraan upang siya ay matulungan. Sa kasamaang palad si Ikatlong Pag ibig na mismo ang ayaw tumulong sa kanyang sarili! Nagpatuloy siya sa mga ginagawa niya sa kabila ng mga pagsisikap kong maghilom ang mga sugat ng kanyang nakaraan.

Naging mas agresibo at marahas si Ikatlong Pag ibig, lalo na nung maramdaman niyang siya ay aking tinutulungang makalimot sa nakalipas. Marahil, sadyang malalim ang sugat na dinulot nang masamang pangyayari sa kanyang buhay at hindi na ako ang dapat na tumulong sa kanya kundi ang isang dalubhasa.

Mahal ko man si Ikatlong pag ibig, kinailangan ko na siyang bitawan sapagkat patuloy siyang tumututol sa mga tulong na aking ibinibigay! Hindi naging madaling iwan si Ikatlong Pag ibig! Lalo na at may kasaysayan siyang maging marahas. Naandiyang ginawan niya ako ng website na puro kasiraan ko ang tema, naandiyang padalhan niya ako ng sari saring email na puro kalokohan at kalaswaan ang laman, naandiyang bigla bigla na lang siya susulpot sa aking pinag ta-trabahunan, mag aabang, at susundan ako kung saan man ako pumunta!

Ang totoo, hindi naging pormal ang paghihiwalay namin ni Ikatlong Pag ibig! Bago ko pa siya simulang iwasan, nagsabi na ako sa kanya na itigil na namin ang aming relasyon sapagkat tumatanggi naman siyang isaayos ang kanyang sarili. Hindi niya iyon tinanggap! Kaya din marahil ginawa niya ang mga kalokohang ginawa niya nang simulan ko na siyang iwasan at hindi pansinin!

Sa sama nang aking napagdaanan kay Ikatlong Pag ibig, lumipas pa ang halos kalahating taon bago ako tuluyang makalimot! Pero ang mga email at paninira na mula kay Ikatlong Pag ibig ay patuloy ko paring natatanggap hanggang sa ngayon! Hindi ko masisisi pa si Ikatlong pag ibig kung bakit ganito ang turing niya sa akin. Ang dasal ko na lang ay sana maging sibilisado naman siya sa akin. Dasal ko rin naman na sana siya ay maging matino at maayos na para naman ang lahat nang iba pa niyang magiging relasyon ay magtagal at ang mga mamahalin niya ay hindi siya iwanan!

Kung saan man hahantong ang patuloy na kalokohan ni Ikatlong Pag ibig, maging sa akin man o sa iba pa niyang makikilala sa hinaharap ay panahon na lang marahil ang makakapag sabi! Sa kasalukuyan, masasabi kong matagal nang naubos ang kung ano pa mang pagmamahal na naramdaman ko dati para kay Ikatlong Pag ibig. Kung meron mang emosyong natitira sa puso ko, marahil ito ay awa na lamang! Awa sapagkat ang aking balita ay patuloy parin sa kanyang dating gawi si Ikatlong Pag ibig! Walang pinag bago! Walang pinag kaiba!

Panahon naman nang kasikatan ni Adam Lambert sa American Idol nang makilala ko si Ikaapat na Pag ibig! Nakilala ko si Ikaapat na Pag ibig sa isang Birthday Party! Birthday Party ng isang Barangay Kagawad sa isang lugar sa Marikina. Isang lugar sa Marikina kung saan ako nakatira nuong mga panahong iyon. Isa sa mga bisita si Ikaapat na Pag ibig kasama nang iba pa niyang mga kaibigan. Madali kong napansin si Ikaapat na Pag ibig sapagkat siya ay kakaiba. Simpleng tao lang si Ikaapat na Pag ibig! Wala siya gaano imik! Wala siyang arte sa sarili! At halatang malalim ang pagkatao.

Ako na mismo ang unang gumawa nang paraan upang mapalapit kay Ikaapat na Pag ibig. Kinausap ko ang isa niyang kaibigan, na akin namang kapitbahay, upang kami ay ipag kakilala. Di ako nag kamali sa unang impresyon ko kay Ikaapat na Pag ibig. Di tulad ng mga kaibigan niya na kasama niya ng gabing iyon, si Ikaapat na Pag ibig nga ay simpleng tao lamang! Di gaano nag bibida. Pero kapag kinausap mo, kapansin pansing may laman ang bawat sinasabi!

Halos buong gabi kaming magkasama at nag usap ni Ikaapat na Pag ibig. Iniwan ko lamang siya nang akin nang ihatid pauwi nang kanilang bahay ang isa pang kaibigan na naanduon din sa naturang piging. Pagbalik ko sa party ay kaunti na rin lang ang mga natitirang bisita. Isa na si Ikaapat na Pag ibig. Nag kuwentuhan pa ulit kami ni Ikaapat na Pag ibig hanggang sa lumalim na ang gabi. Gusto ko sanang patulugin na lamang si Ikaapat na Pag ibig sa bahay pero naisip na huwag na muna. Natapos ang gabi na pareho kami ni Ikaapat na Pag ibig na nangakong magkikita muli.

Marunong tumupad sa pangako si Ikaapat na Pag ibig! Bumisita siya sa bahay kinaumagahan! At sa naturang pag bisita, mas nagka kilala kaming mabuti ni Ikaapat na Pag ibig! Duon ko nalaman ang kuwento ng kanyang buhay. Duon ko nalaman ang kanyang mga pangarap. Duon ko nalaman ang bawat bagay na nag papalungkot at nag papasaya sa kanya!

Nasundan pa nang ilang pagbisita at pagkikita sa labas ni Ikaapat na Pag ibig bago kami mag desisyon gawing opisyal ang aming pag mamahalan. Tulad nang malalim na pagkatao ni Ikaapat na pag ibig, naging malalim din ang aking pagtingin sa kanya. Hindi nakakapanghinayang mahalin si Ikaapat na Pag ibig sapagkat kung ano ang ibigay mo sa kanya, kaya niya iyong sinusuklian nang higit pa!

Wala akong halos maisumbat sa pagkatao ni Ikaapat na Pag ibig, maliban sa masamang impluwensiya sa kanya ng kanyang mga kaibigan. Minsan ko nang sinabi kay Ikaapat na Pag ibig ang aking pag aalinlangan sa kanyang mga kaibigan pero tanging depensa lamang ang kanyang isinagot sa akin. At dahil ayoko nang argumentasyon, sadya kong iniwasan ang ano mang usapin patungkol sa kanyang mga kaibigan. Hindi na ako nag reklamo pa miski nang nalaman ko na nang dahil sa kanyang mga kaibigan, nagkaroon siya nang hindi pagkaka intindihan sa kanyang magulang! Hindi na ako nag react pa miski na nahalata kong mga kaibigan pa niya mismo ang gumagawa ng paraan upang magkalamat ang aming pagsasamahan. Wala na akong reaksiyon at reklamo pa sapagkat parati namang gumagawa ng paraan si Ikaapat na Pag ibig upang masiguro ako na kaya niya ang kanyang sarili!

Naging maayos ang pagmamahalan namin ni Ikaapat na Pag ibig. Dahil sa mga aral na aking natutunan mula sa nakalipas na tatlo kong pag ibig, mas naging madali na para sa akin ang paghawak ng aming relasyon. Suwerte din ako sapagkat seryoso din naman si Ikaapat na Pag ibig! Sa kasamaang palad, kinailangan kong umalis sa Marikina upang bumalik sa bahay nang aking mga magulang sa Quezon City. Dito na nag simula ang aking pighati.

Ilang linggo pa bago ang aking pag alis sa Marikina, nagkausap na kami ng masinsinan ni Ikaapat na Pag ibig. Nagkasundo kaming walang iwanan. Nagkasundo kami na gagawa kami pareho ng paraan upang kami ay magkita parin! Nagkasundo kami na gagawa kami pareho ng paraan upang kami ay madalas paring magusap. At ito naman ay natupad pagkatapos kong lumipat pabalik sa Quezon City.

Pero kalaunan, tulad nang aking kinakatakutan, nabaling sa iba ang tingin ni Ikaapat na Pag ibig nang dahil sa sulsol ng kanyang mga kaibigan. Makalipas ang ilang buwan pagkalipat ko nang Quezon City, dumalang na ang mga pagkikita at pag uusap namin ni Ikaapat na Pag ibig. Kinutuban na ako. At hindi ako nang kamali! Isang Common Friend namin ni Ikaapat na Pag ibig ang siya mismong umagaw sa aking mahal! Nasaktan ako sa pangyayari sapagkat alam ni Common Friend kong gaano ko kamahal si Ikaapat na Pag ibig!

Dahil sa aral na natutunan ko mula kay Ikalawang Pag ibig, pinag laban ko si Ikaapat na pag ibig! Pero sa kasamaang palad, mas ipinag tanggol ni Ikaapat na Pag ibig si Common Friend! Sinumbat ni Ikaapat na Pag ibig na nagkulang daw ako nang panahon para sa kanya! Duon ko naintindihan na sa isang relasyon pala, hindi talaga sapat ang text or tawag lang. Mahalaga rin talaga ang pisikal na presensiya! At dahil sa realisasyon na yan, nakapanghihinayang man, tuluyan ko nang isinuko si Ikaapat na Pag ibig! Masakit! Sobrang sakit, pero yun ang mas mainam na gawin!

Daniel P. Yuson Jr.

Page 51

  1. Musta na si Ikaapat na Pagibig ngayon?🙂 At mayroonna bang ikalima? haha excited.🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s