CHAPTER THE SEVENTH

” All I want for Christmas “

In Mga pangarap nang aking pusong umaasa on Disyembre 24, 2011 at 7:00 umaga

Isang linggo pa ang lumipas bago ako nakapag submit nang aking wishlist nuong nagkaroon kami nang Kris Kringle sa office! Hindi ko sinadyang magpatagal! Hindi ko ninais na magpahintay! Nahirapan lang talaga akong mag isip sa kung ano ang gusto kong makuhang regalo.

Kailangang makapag lista kami ng tatlong bagay na gusto naming makuha bilang regalo sa aming Christmas Party. Worth Three Hundred Pesos dapat ang halaga nung item. Dahil sa wala na akong maisip, isinama ko sa aking listahan ang mga sumusunod: Original DVD ng Rent, Evita or Les Miserables; Librong The Diary of a Wimpy Kid Book 1; and Electric Oil Burner with Essential Oils na either: Bamboo, Peppermint or Eucalyptus Scent!

Ang ending, yung Oil Burner ang naibigay sa akin! Although it was not as I specified, kasi instead of Electric, yung ginagamitan nang Tea Candle ang nabili. Then instead of the scents that I listed, Rose, Ocean and Lavander Scent ang isinama. Before the Kris Kringle, an Office Mate told me that nag worry daw yung naka kuha nang name ko kasi mali daw yung nabili na gift. Infact, nung ibinibigay na nga yung gift sa akin nag pahayag din nang pag aalala yung Gift Giver. I assured the Gift Giver however na it’s really okay!

And when I said it was okay, I really meant it! I honestly meant it! Infact, ang totoo nga niyan, sobrang nag enjoy nga ko nung ginamit ko na yung Oil Burner kasi nakaka dagdag pala ng relaxation ang pag titig sa pagasayaw ng apoy nang Tea Candle. Then yung Tea Candle na kasama na Citronella Scent ay nag co-compliment pala sa amoy nang Rose, Ocean and Lavander! That little mistake there, which I did not even considered a mistake at all, turned out to be a source of knowledge and contentment after all!

Now the Oil Burner has been in use every night since I got it! Sa anim na pirasong Citronella Scented Tea Candle, isa na lang ang natitira. Ubos na rin halos yung mga Essential Oils. I might need to buy a new stock pretty soon. I might buy another set of Citronella Scented Tea Candle and Essential Oils! Not bad! Besides, it’s been almost 3 weeks since the Kris Kringle. Or, I might not buy any at all! Infact, baka nga hindi ko na muna gamitin yung Oil Burner na natanggap ko!

Ang totoo kasi niyan, meron na akong Electric Oil Burner! Natanggap ko ang nasabing Electric oil Burner as a gift last Christmas! Then meron pa akong ilang bottles nang Essential Oil na Peppermint Scent!  Hindi ako nawawalan nang Essential Oil kasi ginagamit ko yun every night bago matulog or while reading a book. Speaking of book, I guess it would not have mattered din kung sakaling yung book naman ang ibinigay sa akin, then instead of Book 1 eh Book 2 or 3 or 4 pa ang nabili! Kasi, sinimulan ko nang basahin ang: The Magician’s Nephew nang The Chronicles of Narnia Series! Then as for the DVD naman, I guess it would not mean anything din sakaling mali din ang Title ng DVD na nabili kasi all those titles that I listed are DVD’s that I already have.

So, having said all those that I mentioned above, The Question is: Bakit Oil Burner, Book and DVD parin ang inilista ko sa Wish List ko? Ang Sagot: Hindi kasi ako materyoso! Kadalasan, hindi talaga ako nasisilaw sa ideya na magkarron nang maraming gamit! Maliban na lang marahil sa libro, na hindi ako puwedeng mabuhay na wala! At ang pinaka mahalagang dahilan ko talaga ay: Hindi naman din kasi kayang bilhin nang pera na nag kakahalaga nang tatlong daang piso yung kaisa isang bagay na gusto kong makuha nitong Paskong ito! Hindi kayang ibalot yung regalong matagal ko nang nais makuha! Mahirap makuha sa mundong ito ang regalong matagal ko nang nais matanggap!

Sa Paskong ito, nais ko sanang patahimikin muna ako ang mga multo nang pagdududa na tila walang pagod at madalas na nag lalaro sa aking isipan! Sa Paskong ito, hangad ko sanang malinaw na makita ang tunay na kulay at hugis nang mundong aking ginagalawan! Sa Paskong ito, gusto ko sanang huwag na muna marinig ang mga nakaka binging bulungan na nagsasabi na ang tanging daan na maaari kong tahakin ay ang daan sa aking kapahamakan! Nais ko sanang matutunan na mailahad ang aking saluobin at obserbasyon na hindi lumalabis at hindi rin naman nagkukulang! Hangad ko sanang matutong mangarap muli! Gusto ko sanang maging tulad nalamang muna nang nakakarami!

I really don’t know if I explained myself well. But, All I want for Christmas is: To hush my Unquiet Mind and keep it Tranquil for awhile. Even for a while!

Daniel P. Yuson Jr.

Page 52

  1. The real mystery of Christmas does not only mean the time to give and receive gifts or cards, even on delicious foods na nakahain sa ating mga lamesa, but the real mystery of Christmas is merely the PRESENCE OF God IN OUR HEARTS… merry x-mas po sir…

  2. Merry X-mas! Sana yumabong pa ang lablayp.🙂

  3. Mga kaibigan, ako po ung nagbigay ng oil burner. Na wala sa hwisyo at mali mali pa ang nabigay. Nung una tlagang nag worry ako kase mali nga pero naisip ko ok na toh baka ma appreciate naman ni dee khit ppano. Sorry ha. Never kase ko nakagamit ng ganun, i didnt even know na meron na palng gNun now a days. Anyway dee.. Pag pasensyahan mo na lang. Haha. Pero nagamit mo naman na kamo aminin mo ok naman ung mga scent haha

    Well i know, ull get what you want for christmas. Ur a nice person and having said that, we’ll miss you. Mamimiss namin kakulitan mo, ang miss universe questions, and ang mga mali mali mong spelling sa email. Hahaha🙂 Thanks dee. We’ll see you

  4. Beeee Happy.🙂

    Merry Christmas Sir!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s