CHAPTER THE SEVENTH

” Too Much or Too Little “

In Mga pagtatapat nang aking pusong nahihiya on Pebrero 18, 2012 at 8:55 umaga

Ang dami nang mga kaganapang naganap dito sa Pilipinas at sa Buong Mundo mula nang huli akong nakapagsulat dito sa aking pinaka mamahal na blog!

Pinagkakaguluhan na ng mga NBA fans si Jeremy Lin, Pumanaw na si Whitney Houston, Lumindol na sa Negros Oriental, Banned for life na sa Boxing si Luis Lazarte, Nililitis na si Chief Justice Renato Corona sa Senado, Hindi na daw matutuloy ang kasal nila Dra. Vicky Belo at Hayden Kho, In love na daw si Pnoy kay Grace Lee, Nanalo na si Betong sa Survivor Philippines, House Player na lang si Paco Evangelista sa PBB Unlimited, Final Cook-off na nila Kyle, Mica, Philip at Jobim sa Junior Master Chef, Di inaasahang bigla akong naka experience ako ng Lingam Massage, Lumipat na ng puwesto yung paborito kong tindahan ng Japanese Siomai sa kanto, Giniba na yung Sari Sari Store na pinag papa load-an ko at ginagawa nang apartment, nasa Chapter 10 na ako ng The Chronicles of Narnia: The Horse and his Boy, at habang sinusulat ko ang post na ito 1 Month 8 Days 7 Hours 27 Minutes at 39 Seconds na akong employed sa bago kong pinag ta-trabahunan sa Eastwood City Libis!

Tama! Ang number 1 reason kung bakit halos i-abandon ko na ang aking blog ay ang huling sentence na isinulat ko sa itaas! Oo! Lumipat na ako nang pinag ta-trabahunan. Nasa Eastwood City Libis na ako ngayon. Mga Briton na kamag anak nila Hermione Granger at Harry Potter na ulit ang madalas kong kausap sa araw araw! At dahil bagong trabaho at bagong company lahat ng atensiyon ko nasa work lang! Super focus! Puro trabaho! Wala nang lovelife! At siyempre dahil bagong account ulit, pabago bago rin ang schedule ko. Minsan ilang araw na from 8:00 PM to 5:00 AM ako then all of a sudden kalagitnaan ng linggo biglang magiging 3:00 PM to 12:00 MN na! Ang hirap mag adjust pero ganun talaga ang buhay ng mga taong nasa huling uri! Ang uring karaniwan.

Madalas nga pumapasok ako na halos ilang oras lang ang tulog ko. Minsan pa nga, umuwi lang ako para maligo then balik na ulit sa trabaho! Ang hirap ng kulang sa tulog. Ang pangit ng pakiramdam, laging inaantok, laging balisa, laging gutom, laging wala sa mood, laging tulala! Hindi maganda!

Ang totoo niyan, miski dati pa man, sanay naman ako sa puyat. Pero dahil last year nga halos buong taon akong nag pang umaga at ngayon lang ulit ako naging bampira, hirap ulit ako na mag pang gabi! Ewan ko kung ang pag pupuyat ko ulit ang isang reason kung bakit lately “Too Much or Too Little” nanaman ako.

Sobrang extremes na naman ako lately! Its either masayang masaya or malungkot na malungkot. Its either kuwento ng kuwento or sobrang tahimik. Its either palabiro or halos hindi makausap. Its either walang gana kumain or walang tigil sa paglamon. Its either tiwalang tiwala or iwas na iwas! Hindi naman ako adik! Pero ganun talaga! Ang hirap! Ewan ko kung may sense ang mga sinasabi ko, pero ganyan talaga ako. Eversince naman, miski nuong bata pa ako, extremes na talaga ako. Lately lang talaga parang sumosobra nanaman ang pagka extreme ko! “Too Much or Too Little“! Ang hirap! Hindi naman ako baliw! Hindi naman ako sira ulo. I’m not crazy! I’m just a little unwell!

Alam ko na maraming tao sa paligid ko ang nahihiwagaan, nalilito at nahihirapan ding maintindihan ang moods ko. I’m sure na pinag uusapan nila ako at may kanya kanya din silang mga haka haka kung bakit paiba iba ang moods ko. Hindi ko sila masisisi. Hindi ko sila masisisi kung hindi nila ako maintindihan. Sa totoo lang din naman kasi, miski ako hindi ko rin maintindihan minsan sarili ko! Pero sana maintindihan nila na tulad din naman ako ng ibang tao! Yun nga lang I am either: “Too Much or Too Little“!

Pero sa totoo lang, kung ikukumpara ko several years ago, mas na ko-control ko na ang sarili ko ngayon! Alam ko na kung paano i-handle ang sarili ko lalo na kung nararamdaman ko na na nag su-swing na naman ang moods ko. Hindi ko na hinahayaan na may masaktan pa akong ibang tao nang dahil lang sa mood swings ko! Lately, umiiwas na lang ako sa pakikisalamuha sa mga tao kapag alam kong ” Too Much or Too Little” nanaman ako! Mahirap kasi na may makasamaan pa ako ng loob! Pagod na ako sa gulo, away at galit! Gusto ko na ng tahimik na buhay! Yung walang problema!

Ang wish ko lang ngayon ay sana maka kilala din ako ng iba pang tao na tulad kong ” Too Much or Too Little“! Sana!

Daniel P. Yuson Jr.

Page 54

  1. hello, daniel,

    ngayon lang uli ako nakabalik, pasensya na. tinatanong kita kay Anne dati, kung kako related ka kay Alfred Yuson ng UP e, di naman nya sinagot, hehe.. anyway, ‘musta? ^^

    gusto ko ang tag nito – mga pagtatapat ng aking pusong nahihiya – galing… anyway, am now listening to the music of this Italian singer, Elisa. kilala mo ba sya? ang mga kanta nya – broken, stranger, rainbow, dancing atbp. try mo syang pakinggan pag may time ka. cheers!🙂

    • Sa saliw ng awit,

      Salamat sa pagbalik. Konti lang naman ang YUSON sa Pinas. We might be distant relatives. Hehehehe. But I don’t know him personally. Si CARIDAD YUSON SANCHEZ aka CARIDAD SANCHEZ is my Lola.

      Sige hanapin ko and I’ll listen to it.😉

      How’s life?

      D

  2. hello, mr. yuson,

    thanks for coming over the site at sa pagbabasa. ^^ this is a very good and honest composition, by the way… regards!🙂

  3. aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo

    bow.😀

  4. Present!

    Daniel, normal ka, wag kang mag-alala. Normal kang praning. Hahahahah. Pareho tayo, ayan ah, may kaklase ka na. Basta, lagi mong itsi-tsek yong ga-hiblang katinuan kasi mahirap bumalik kapag doon ka na tumambay sa kabila. Yong laging nagmomonolog o kaya tumatawang mag-isa at hindi alintana ang kapaligiran….minsan ganyan ako eh. Hahahaha.

    Alagaan mo ang kalusugan mo, naniniwala ako na may kinalaman ang kulang sa tulog sa pagbabago ng iyong mood.

    Ako nga, kulangin lang ako sa tulog, latang lata na ako, yon pa kayang madalas kulang sa tulog, pero mainam na yan kesa sa walang gising. Lels
    🙂

    • J.Kulisap,

      Sabi ko na nga ba magka section tayo eh! Oo naman, steady lang ako dito. Mahirap tumawid! Hahahahahaha.

      Yung puyat talaga ang may sala noh? Kaya nga kapag may pagkakataon, tulog lang talaga ako ng tulog. Ang dami kong nami-miss sa aking kapaligiran. Ang Hirap! Pero ok lang yun, kaya pa naman!

      Na miss kita!

      Ang iyong KAPRANINGAN,
      D

  5. ganyan din ako nice meeting you😀

    laging pinapaalala sakin ni nanay ang pagiging extreme ko sa mga bagay bagay pati sa mga pagdidisisyon sa buhay buhay.

    madalas ako na mismo iniiwas ko na sarili ko sa mga bagay bagay kasi minsan may nagagawa akong di kanais nais na kahit gusto ko syang ibalik hindi na pwede kaya hanggat maari inuusog ko na sarili ko sa tagong pwesto pra makaiwas.

    namiss kita (:

  6. At least naman, kahit na sobrang busy ka, at kahit na borderline bipolar ka na nowadays, eh, nakakasunod ka parin sa mga pangyayari sa mundo.😀 Ayos lang yan. Lahat ng tao dumadaan sa pagiging retarded. Ayos lang din kung permanente na… kasi may mga kapwa retarded ka naman na nakakaunawa sa iyo.😀

  7. Ganyan talaga ang epeko ng stress at pabago-bagong sleeping pattern. Nagtrabaho din dati ako ng ganyan dati. Kailangan talaga ng stress release para makapag-cope up.

    Ang galing ng blog mo sir. Straight to the point, di paligoy-ligoy, at maayos. Katangi-tangi ang taglay nito at sapat na upang makabuo na ng magandang libro. Ayos!🙂

  8. i guess everyone has those moments.. yung “too much or too little”. madalas akong ganyan pag malapit ng dumating ang aking monthly visitor… mood swings to the max… kakaiba talaga! i always blame PMS>>>> hahahaha!

    i tried kahit papano na mabawasan ang mood swings ko, pero hormonal daw yun eh. oh well, tabi tabi na lang ang mga people kung ayaw nyong masigawan ng di oras.. hahahaha!

    • Bebekoh,

      Yes! Another one! We ae in the same boat afterall. Oo nga. It’s hormonal. Though hindi ako nag kaka monthly period, sometimes it happens monthly. There are times though that mas madalas siya. Mahirap noh? Pero ganun kasi yata talaga kapag TOO MUCH or TOO LITTLE.

      D

      • mahirap kasi nadadamay ang mga walang malay.. hahahaha! :))

        napapansin nga yun ng mga kasamahan ko sa work. alam na nilang me darating na akong bisita pagkaganun. di daw kasi ako talagang ganun eh..

        pero regardless of gender, meron talagang time na parang ang down mo at meron namang hyper ka. sabi nila (at nabasa ko rin), effect din daw ng weather. Be mindful of the weather then… goodluck and see you around!🙂

        • Bebehko,

          Mas maganda rin na educated din ang ibang tao sa sitwasyon ng mga tulad natin! Para mas maintindihan nila yung mood swings.

          Oo, sa pagbabago din ng weather yun minsan. SAD or Seasonal Affective Disorder tawag dun.

          D

  9. Hindi ako nahihiwagaan Sir, Lagi akong ganyan:)) Superrrrr!!!!! Minsan parang Weird ng tingnan but, this is me! Dontworry sir ndi ka nag-iisa madame ding ganyan:D

  10. I personally experienced yung changes ng mood mo before, and at first it was really hard for me to understand, I dunno why after we laugh ng bongga bigla ka nalang magiging sad.. worse galit pa haha! But everyone has there own flaws, even I had my “bad hair day”. But I am happy that you know exactly what to do pag sobrang down na ko. You’re just bein you and it doesnt matter what people say. coz if they’re real friends maiintindihan ka nila like I do ☺ haha!

    • Nicole,

      I miss you so much my friend! Isa ka talaga sa iilang nakaka intindi sa akin! I truly appreciate yung effort mo to understand my terrible mood swings! Buti na lang I met you. May nadagdag sa iilang taong nauunawaan ang aking pagiging TOO MUCH or TOO LITTLE!

      D

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s