CHAPTER THE SEVENTH

” No one would listen “

In Mga hinagpis nang aking pusong nalulumbay on Mayo 17, 2012 at 6:29 hapon

Siguro kasalanan ko rin naman. Kasalanan ko kung bakit walang nakikinig sa akin. Kasalanan ko kung bakit walang sumeseryoso sa mga sinasabi ko. Kasalanan ko kung bakit sa panahong tulad ngayon, walang handang dumamay sa akin.

Matapang ang bawat kilos. Matalim ang mga mata. Matalas manalita. Walang sinisino kapag nag bitaw nang opinyon. Ayan ako para sa mga taong aking naka trabaho. Iyang mga katangiang iyan marahin din ang dahilan kung bakit marami sa mga taong aking nakasama sa trabaho ay iwas sa akin.

Kapag kasama ko naman ang aking mga tunay na kaibigan, madalas ako yung unang nag papatawa. Sa akin nag sisimula ang mga biruan. Ako ang gumagawa nang paraan para maging masaya ang bawat minuto nang aming pagsasama. Payaso! Ayan ako para sa kanila. Laging masaya. Laging nagbibiro. Walang dahilan upang maging malungkot. Walang karapatang maging seryoso.

Hindi rin naman ako natutong magbahagi nang aking nararamdaman sa mga tao sa bahay. Bata pa ako, malayo na ang loob ko sa mga kasama ko ngayon sa aming tahanan. Hindi ko naka ugalian na mag sumbong. Hindi ako natutong mag kuwento nang mga nangyari sa akin. Minsan pa nga, lipas na bago pa malaman sa bahay na nagkasakit na pala ako. Ayokong maka istorbo. Ayoko makabigat. Ayoko.

Kasalanan ko. Kasalanan ko ang lahat.

Marami na akong hinarap na problema. Hindi na rin mabilang na gulo ang aking hindi sadyang napasok. Hinarap ko lahat ang mga iyon na mag isa. Mahirap. Malungkot. Pero, nalampasan ko naman ang lahat. Siguro nga matibay naman ako. Siguro nga kaya ko naman mag isa. Siguro nga.

Pero, bakit ganito? Bakit parang ngayon pa ako aayaw? Bakit parang ngayon pa ako susuko? Bakit ngayon pa ako nag hahanap nang karamay? Bakit ngayon pa ako nag nanais na makahanap nang makikinig? Bakit?

Matapang ako! Kaya ko ito. Malalampasan ko rin ang kabanatang ito. Alam kong kaya ko! Alam kong may magagawa ako. Alam kong matatapos din ang lahat. Pero, bakit parang pinag hihinaan ako ngayon nang loob? Bakit parang hindi ko alam kung saan mag sisimula? Bakit parang hindi ko na kaya?

Sana may makinig.

Sana.

Daniel P. Yuson Jr.

Page 56

  1. i feel you sir. PERO hindi tayo aware na “someone up there is listening” SMILE…

  2. Hey, someone would listen. Not at once. Not at the story you really want to tell. Initially, it would just be simple chat or plain companionship. Eventually, somebody would reach out closer and would want to know your story – the way you want it told and interpreted. Am afraid the meeting of the minds does not happen immediately. If it does, very rarely. But perhaps, the important thing is for you not to shut immediately, not to fold and declare way too early that things and people are not worth it or ready for you. Something like that… ^^

    Hey, ang bago kong motto – I’m a beautiful person, I deserve a beautiful life, haha. Uulit-ulitin ko na lang para eventually magkatotoo, hihi. Sabi naman kasi nila, constructed realities daw ang maraming bagay sa mundo so ‘yon muna ang social construct ko sa ngayon, haha. Oks ba? ^^

    Btw, thanks for dropping by. Di nga pala nagwo-work ang URL mong nagre-register sa Stat section ko, dati pa yata ‘yon? ^^ Smile ka muna, kapatid. Tandaan mo, you’ve been thru worse and survived them. ..Regards!🙂

  3. I’m here to listen..😀

  4. uy daniel musta na?😀
    mukhang sobrng sad mo. the moment n sinulat mo ang lht ng eto, almo namang mrmi ng mkikinig sau db? kht p nga wlang mgbsa. maisulat mo lng ang bigat ng nrrmdman mo ay gagaan na.. kaya cguro ako bumalik s mundo nating eto, coz i miss to cry my heart out sa tulong ng pagsusulat. preho tau, d nagssb pagdting s bahay kaya sariling kinakaya ang nga problemang dumadting.. at nakakaya ng mag isa..🙂

  5. HELLOOOO! Anybody home?😀

  6. Hindi man tayo close, manunulat nalang sa manunulat, mambabasa sa mambabasa, pwede akong makinig.🙂

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s