CHAPTER THE SEVENTH

” Someone did listen “

In Mga awit nang aking pusong lubos na masaya on Nobyembre 18, 2012 at 8:08 umaga

Six months! Ganun na pala katagal nang huli akong nagsulat dito sa blog ko. Buwan pa nang Mayo ang huling blog entry ko. Hindi ko napansin na matagal na panahon na pala ang nakakalipas. Anim na buwan. Kalahating taon. Ang tagal.

Marami na ang nangyari mula nuong buwan ng Mayo. Parang roller coaster ride. Pataas, pababa, pakaliwa, pakanan! Magulo! Nakaka kaba! Nakakahilo! Nakakatuliro! Halos hindi ko na nga rin maalala ang lahat ng mga naganap. Sa sobrang dami ng mga sinuong ko, parang ayoko na balikan pa ang mga ala ala.

Nuong huli akong mag sulat, dumaing ako na walang gustong makinig sa akin. Pakiramdam ko nuon, wala akong karamay. Iniwan ako ng mga taong inaasahan kong makisimpatya sa akin. Walang tumulong. Walang dumamay. Walang nakinig.

Hindi masama ang loob ko. Wala akong galit sa puso. Hindi ako nagtatampo sa mga taong nang iwan sa akin. Naiintindihan ko sila. Ako ay nakapagpatawad na. Bakit naman hindi?

Nagkamali ako nang ako ay dumaing na walang nakinig sa akin. Maling mali ang aking sinabi na walang handang dumamay. Sa buong panahon na akala ko ay walang nakisimpatya, ay mayroon naman palang nakarinig sa aking pighati.

Pinakingan niya ako. Narinig niya ang aking pagsusumamo. Dinamayan niya ako sa mga panahong ako ay walang katuwang sa pakikibaka sa isang suliranin na hindi ko rin naman ninais na danasin. Ako ay kanyang ginabayan. Ako ay kanyang tinuruang muling bumangon. Tinuro niya sa akin ang landas na aking dapat tahakin. Binigyan liwanag niya ang aking isipan.

Ipinakilala niya sa akin ang mga tunay kong kaibigan. Binigyan niya ako nang lakas nang loob para muling lumaban. Dinala niya ako mga lugar kung saan makikilala ko ang mga taong tutulong sa akin upang muli akong matutong magtiwala sa aking sarili.

Sa luob nang anim na buwan, ako ay lalong natutong magtiwala!

Ngayon, handa na ako muling humarap sa mga hamon nang buhay. Handa na akong balikan ang isang laban na minsan ko nang sinukuan.

Handa na ako!

Lalo na ngayon na alam ko na, na mayroon naman palang nakinig, at handa pang makinig sa akin!

Daniel P. Yuson Jr.

Page 57

  1. Laging may nakikinig. Nandyan lang sila sa tabi-tabi, except na lang siguro kung tambay sila. Biro lang. Pero may nakikinig talaga. Mahahanap mo sila kapag nakinig ka na rin. Cheers!🙂

  2. welcome back sa aten. hehe. matagal din akong huling nagpost. kamusta?

  3. Hi Sir..Kamusta? ganda ng blog mo interesting!ingat palagi..🙂

  4. Godbless Sir.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s