CHAPTER THE SEVENTH

” Hanger “

In Mga awit nang aking pusong lubos na masaya on Setyembre 30, 2013 at 1:27 umaga

HangerIĀ  am back! At may kuwento ako. Isang magandang kuwento!

Last week, sa kasagsagan ng pag ulan, may isang pangyayari sa buhay ko na nagpamulat sa aking mga mata sa katotohanang: ang kaligayahan ay isang desisyon! Tayo, ang sarili natin, ang siyang nag de-desisyon kung pipiliin ba nating mag pa apekto sa gulo ng buhay at maging malungkot, o piliing gawing isang blessing ang kalungkutan upang maging masaya ang buhay at maka pagpasaya rin ng iba!

Sa tuwing off sa trabaho ko lang nahaharap ang mga gawaing bahay. Isa na duon ang pag lalaba ng mga damit. At dahil naging maulan nuong mga nakaraang linggo, naipon ang mga labahin ko. Isang tampak! Gabundok sa dami!

Wala naman akong choice kundi labhan ang aking mga damit. Wala naman akong inaasahang ibang tao para gawin iyon para sa akin. Kung tutuusin puwede naman akong mag pa laundry na lang. Pero mas masaya parin na ako na mismo ang gumawa sa mga gawaing kaya ko pa naman gampanan.

So, saturday night, sinimulan kong labhan ang aking mga damit. Sunday morning, isasampay, at dahil maulan, miski mag drier pa ako, Monday Morning ko pa talaga matatanggal sa sampayan ang mga nilabhan ko.

Ito na! Tiyempong mag sasampay na ako ng mga nilabhan ko ng sinabihan ako ” ng isang tao ” na ilabas ko ang lahat ng mga hanger sa aking kuwarto! Alam ko na ang ibig sabihin ” ng taong iyon “. Ugali naman talaga ” niya ” ang mang inis! Hindi naman ito ang unang pagkakataon na ginipit, niloko, sinalbahe, at winalanghiya ” niya ” ako.

Initial reaction ko siyempre ay nagalit. Pero, for some reason hindi ako sumigaw. Mahinahon kong sinabi na: ” Magsasampay ako. Gagamitin ko. ” Then, parang may kakaibang calmness ang bumalot sa akin kaya dinugtungan ko ng mga salitang: ” Sige, ilalabas ko ang mga hanger. Gagawa na lang ako ng paraan. ”

After that, dali dali akong pumunta ng palengke. Sa gitna ng malakas na ulan. Nag hanap ako ng mabibilhan ng hanger. Marami naman akong nakitang tindahan na nag bebenta ng hanger, Kaya lang pare pareho ng kulay! Gusto ko ibang kulay ang bilhin ko para walang katulad sa mga hanger na nasa bahay! Inikot ko ang buong palengke. May nakita akong isang Tindera, tulak tulak ang isang kariton. May tinda siyang hanger! Maraming hanger! Kulay green, kulay pink, kulay black, kulay dilaw. at hanger na may puso! Nilapitan ko si Aling Tindera. Itinabi niya ang kanyang kariton. Yung hanger na may puso ang binili ko! Tatlong dosena! Singkuwenta pesos kada dosena! 150 Pesos para sa tatlong dosenang hanger na may puso!

Sobra sobra sa kailangan kong hanger ang binili ko! Gusto kong ipa mukha sa ” taong hindi masyadong mabait ” na hindi niya ako kayang galitin sa hanger lang.

After kong bayaran ang hanger, patalikod na ako at handa ng turuan ng leksyon ang ” taong nagkait sa akin ng hanger “, ng biglang bumulong sa akin yung Tindera. Sabi niya: ” Kuya salamat ha. may pang almusal na kami. ” At duon ko nakitang iniabot niya sa musmos na anak niya ang 50 pesos at inutusang bumili ng Pandesal, Kape, at isang slice ng Dairy Cream. Nasaksihan ko rin kung paano naman lumapit ang isa pa niyang anak at nang hingi ng pera, kung saan sinabihan naman siya ng Aling Tindera ng: ” Pambili natin ito ng bigas at ulam anak. “

Dali dali akong umalis sa kinatatayuan ko. Hindi dahil hindi ko nagustuhan ang aking nasaksihan kundi dahil ayokong makita ni Aling Tindera na naluluha na ako. Buti na lang at maulan, Walang naka halata na habang nag lalakad ako ay umiiyak ako. Naiyak ako sa awa! Naiyak ako sapagkat may natutunan akong isang mahalaga at magandang leksyon!

Yung pananalbahe pala sa akin ” nung taong walang ibang intensiyon sa buhay kundi pasakitan ako ” ang paraan lamang upang ako naman ay maging isang blessing para sa ibang tao.

I then realized that: Happiness is really a choice! No matter how miserable a situation is, when we handle it positively, something good will come out of it! Things happen for a reason. Yung pag dadamot sa akin ng hanger ang naging dahilan para pumunta ako sa palengke sa kasagsagan ng ulan at para bumili ng hanger na may puso. At yung napagbentahan ng hanger na may puso naman ang siyang ipang tatawid buhay ni Aling Tindera at ng kanyang mga anak.

Daniel P. Yuson Jr.

Page 58

  1. sarap tulungan ng mga taong ganyan. yun mga taong nagsisikap sa buhay.

  2. kaka-touch!šŸ™‚ “eat your heart out” sana sinabi dun sa KSP.. hehehehe!

  3. Never respond to rudeness.When peaple are rude to you,they reveal who they are,not who you are.Don’t take it personally be silent.Stay happy sir..šŸ˜‰

  4. …Love moves in a very mysterious ways…God is Love and He is always present in all kinds of situations…all we need to do is acknowledged His presence…allow Him to be there because He is continously working in our lives..Let Him teach us and let’s learn from His creations around us…

  5. Nako sir, yaan mo yung “taong yun” kung sino man siya. Pag di pinapansin ang mga taong ganyan wala sila mapapala at mapapahiya lang.šŸ™‚ GODBLESS YOU!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s