CHAPTER THE SEVENTH

Siklista

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Enero 12, 2014 at 12:19 umaga

THE BODY - SiklistaDay 12: ” SIKLISTA “.

Finally, after several days of just staying home, naka biyahe din ako ng medyo malayo layo today. Pumunta kami ng sister ko sa SM Aura in Taguig City. On the way nakunan ko ng larawan ang dalawang Siklista na ito. Natuwa naman ako para sa kanila. Kasi nagagawa nila ang hilig nila! How wonderful talaga. Anyway, nuong nakarating kami sa Taguig na mismo, mas marami pang mga Siklista akong nakita. Mga naka silong sila sa lilim ng puno malapit sa Market Market. I’m sure isang grupo lang sila kasi pare pareho sila ng garment eh. Minsan ko na ring pinangarap na maging Siklista. Bukod kasi sa magandang exercise ang pagbibisikleta, ang dami pang napupuntahang iba’t ibang lugar! Panalo talaga. Sayang nga lang at hindi ko na natupad ang dream ko na iyon. Kung ngayon naman ako mag sisimula, may panahon pa kaya? Anyway, una akong natutong mag bisikleta nuong Grade 4 ako. Nakatira kasi kami nuon sa gitna ng bukid sa Barrio Cansilayan Pototan sa probinsiya ng Iloilo! Ang layo ng mga tindahan at ng kabihasnan mula sa bahay namin. Dusa talaga kung lalakarin pa. Meron namang mga Tricycle pero napakadalang dumaan sa may amin. At kung meron man, ang mahal naman nang pamasahe. Kaya pinilit ko talagang matutong mag bisikleta. Walang nag turo sa akin. Sariling sikap lang talaga. Ilang beses din akong tumumba at sumemplang. Ilang gasgas at sugat din ang inabot ko! Pero worth it naman, kasi sa loob lang ng isang araw marunong na ako mag bike! I was very proud of my self then! Malaki talaga nagagawa ng perseverance!

Page 70

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s