CHAPTER THE SEVENTH

Karton

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Enero 13, 2014 at 12:25 umaga

THE BODY - KartonDay 13: ” KARTON “.

Maaga akong pumunta sa Friendly Care Clinic para kunin ang resulta ng Laboratory Exams ko at para narin magpa konsulta ulit kay Dr. Angelica Embry at nang malaman na kung ano ba talaga ang sakit ko at kung ano pa ang dapat kong gawin. Bago makarating ng clinic, nakita ko si Lola na abala sa pag aayos ng mga karton niya. Obvious naman para sa akin na ibebenta niya ang mga iyan sa katabing Junk Shop na nuong mga oras na iyon ay sarado pa. Bahagya naman akong na habag sa kanya. Sa payat kasi ng katawan niya, hindi ko ma-imagine kung paano niyang mag isang bubuhatin or hihilahin ang kanyang mga kalakal sa katabing Junk Shop. Dali dali akong tumalikod at nag lakad ng mabilis papuntang clinic kasi ayokong makaramdam ng guilt. Pag dating sa clinic, nadatnan kong halos wala pang tao sa loob. Kabubukas lang nila. Sarado pa ang laboratory at wala pa daw ang Doctor. Ang totoo niyan, nainis ako kasi isang linggo na akong pabalik balik sa Clinic. Nakakapagod na. Nakakasawa! Kaya walang sabi sabi na lumabas na lang ako at umuwi ng bahay. When I got home, diretso ako agad ng kuwarto ko at nag isip isip. Feeling ko dead end na. Feeling ko gusto ko ng mag give up. But then naalala ko ang eksenang ito. Kung si Lola nga eh hindi nag give up at patuloy na nakikibaka sa laban ng buhay, ako pa ba? Natauhan ako bigla kaya after a few minutes bumalik ako ng clinic. When I got back there bukas na ang Laboratory. Nakuha ko naman ang results. Hindi ko naman maintindihan ang mga naka sulat. Ilang minuto din akong nag hintay sa Doctor pero apparently, sa Wednesday pa daw ang balik ni Dr. Embry. Huminga na lang ako ng malalim at nagkibit balikat. Maghihintay na lang ako ulit. Babalik na lang ako sa Miyerkules. I decided to walk going home. Wala namang init at mahangin pa nga kaya hindi masyadong hassle. When I crossed the street, I noticed a familiar figure. Si Lola, palabas na ng Junk Shop. Tila naka ngiti. May bitbit na puting plastic bag.

Page 71

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s