CHAPTER THE SEVENTH

Swing

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Enero 14, 2014 at 12:31 umaga

THE BODY - SwingDay 14: ” SWING “.

Wala akong appointment sa Doctor ngayon kaya relax lang ang simula ng aking umaga. Naglakad lakad lang ako sa paligid para maghanap ng makakain. Ang ending, sa tapat ng T. Alonzo Elementary School ako tumambay at kumain ng apat na slices ng Pork Overload Special na Perfect Match Pizza. From there dumiretso ako sa Plaza ng Brgy. Marilag para makapag muni muni ng kaunti. At duon ko na nga nakunan ang larawang ito. Ang totoo niyan, ilang oras din akong nakatulala at nakatitig lang sa tapat ng screen. I was just sitting down, with a blank mind staring at this photo. Wala ako maisulat na caption. I am really lost for words! This photo alone speaks for itself. Wala nang explanation pa ang kailangan. But I know that I must verbalize my thoughts. Marami akong gusto sabihin. Matindi ang aking nararamdaman. I am really moved by this image. Una akong na touch duon sa Nanay na talagang naglaan ng panahon para dalhin ang kanyang anak sa playground. Ilan pa kayang nanay sa napaka busy na mundong ito ang may oras pa na gawin ito para sa kanilang anak? Mas lalo akong humanga duon sa Tatay na miski naka saklay at hirap sa paglalakad ay buong giting paring inalalayan ang kanyang anak sa pag sakay nito sa swing. Hinahangaan ko ang mga magulang na gumagawa ng maliliit na paraan para mapasaya ang kanilang anak. I salute all parents who find time to create wonderful and happy memories with their children.

Page 72

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s