CHAPTER THE SEVENTH

Bakery

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Enero 16, 2014 at 12:41 umaga

THE BODY - BakeryDay 16: ” BAKERY “.

Kung gaano na ako katagal nabubuhay, ganun na rin siguro katagal, o baka nga higit pa, ang lumang bakery na ito sa may palengke ng Project 4 sa Quezon City. Nuong araw, punong puno parati ng panindang tinapay ang mga estante nila. Meron din silang mainit na Pandesal na talaga namang dinadayo pa ng mga tao. Umaga at hapon sila kung mag tinda ng Hot Pandesal noon. Naaalala ko pa dati na pinupuntahan ko pa ang bakery na ito tuwing hapon para bumili ng mainit na Pandesal para pang meryenda. Mainit na Pandesal na papalamanan ng Butter. Kung hindi Hot Pandesal ay Tinapay na Putok naman ang binibili ko. Masarap ang tinapay nila diyan. Bukod sa Hot Pandesal at Tinapay na Putok, panalo rin ang Ensaymada, Kabayan, at Spanish Bread nila. Dagsa ang mga tao sa Bakery na ito dati. Pero dati iyon. Ngayon, dahil na rin siguro sa dami ng kakompitensiya, halos paglumaan na ng panahon ang dating sikat na Bakery na ito. Just across the street kasi may Julie’s Bakeshop na. Then isang sakay lang ng Tricycle, may Goldilocks Bakeshop naman. Nakakalungkot din minsan isipin na lahat pala halos ng mga bagay sa mundo ay hindi nananatili sa kasalukuyang estado nito. May panahon para umangat, at may panahon din para mag lie low. Ganun naman talaga siguro iyon. Hindi mapipigilan. Hindi maiiwasan. Iyan ang tadhana. Gulong ng buhay. Ang mahalaga na lang siguro ay i-enjoy kung ano man ang meron ka sa kasalukuyan. At magpasalamat na miski papaano ay patuloy parin ang agos ng buhay.

Page 74

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s