CHAPTER THE SEVENTH

Alley

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Enero 18, 2014 at 12:50 umaga

THE BODY - AlleyDay 18: ” ALLEY “.

Isa ang eskinita na ito sa madalas kong daanan sa tuwing nilalakad ko ang papuntang Shammy’s Goto House sa Tindalo Street Project 3. Alley 3 ang tawag sa eskinitang ito. Short cut iyan from Brgy. Marilag Tennis Court going to Aurora Blvd. Nuong una, talagang takot na takot akong dumaan sa Alley na ito. Ang sikip kasi ng daan at sa gabi, talagang napaka dilim pa. Nakakatakot kasiĀ parang wala kang matatakbuhan kung sakaling may makasalubong kang masamang tao. Parang wala kang ligtas. Parang wala kang kawala. Pero hindi naman talaga ganun ka delikado sa alley na ito. Infact, kung dirediretso lang naman talaga ang lakad mo, sa ilang maingat na hakbang lang makakarating ka na sa dulo kung saan puwede ka nang lumiko pakanan papunta sa mas malawak na kalye, papunta sa mas maliwanag na daan. Ang buhay natin ay parang pag daan lang sa makitid at madilim na eskinita. Magkakaroon ka ng pag aalinlangan at kaba sa bawat pag suong mo sa mga bagay na hindi ka tiyak. Pero, kapag na simulan mo na ang pag hakbang, basta maingat ka lang, mare-realize mo sa bandang huli na may patutunguhan palang mas mabuti ang bawat pagsubok, bawat paghihirap.

Page 76

 

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s