CHAPTER THE SEVENTH

Hinala

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Enero 20, 2014 at 12:59 umaga

THE BODY - HinalaDay 20: ” HINALA “.

Pauwi na ako bandang alas tres ng madaling araw kanina, nang mapansin ko ang lalaking ito na nakatayo sa may madilim na parte ng daan. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya kasi nakasuot siya ng jacket na may hood. Parang hindi siya mapakali. Palingunlingon, palakadlakad. Paroon at parito. Parang meron siyang inaabangan. Kahinahinala ang mga kilos niya. Dahil sa takot, nakiupo ako saglit sa may Burger Stand na malapit kung saan nakatayo ang lalaki. Maingat kong inilabas ang aking iPad at ng makakuha ng tiyempo, kinunan ko siya ng picture. A few seconds after I took the shot, the man turned around and walked straight towards where I was seated. Mas lalo akong natakot. Mas lalo akong kinabahan. Pilit kong sinisilip ang mukha niya para kung sakasakali ay madali ko siyang maidescribe, pero talagang natatakpan ng hood ng jacket ang kanyang mukha. He continued walking towards where I was. I was frozen in my seat. Then what happend next was something I totally didn’t expect. Nuong halos nasa harap ko na siya, bigla siyang lumiko papunta sa nag titinda ng burger, naglabas siya ng pera sa bulsa, nagbayad sa tindero, kinuha ang pinalutong Burger at tahimik na umalis. Sinundan ko siya ng tingin at nakita ko pa siyang tumawid sa kabilang street, marahil pauwi na kung saan man siya nakatira. Maraming mga hindi pagkakaunawaan ang nag uugat dahil sa hinala. Kapag may mga bagay na hindi natin maintindihan, ginagawan natin ito ng sariling interpretasyon at paghuhusga. Ang ending: samaan ng loob at malaking gulo. I learned a lesson from this experience, sa susunod, kapag may mga bagay na hindi malinaw sa akin, maghihintay ako ng paliwanag bago ako manghusga. Hindi ko hahayaang masira ang tiwala ko sa aking kapwa ng dahil lang sa hinala.

Page 78

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s