CHAPTER THE SEVENTH

Oras

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Enero 21, 2014 at 1:18 umaga

THE BODY - OrasDay 21: ” ORAS “.

Noong active pa ako sa Teatro, napaka higpit ko sa oras. Ironic nga kasi hindi naman ako naging mahilig sa pag suot ng relo pero sobrang halaga ng tingin ko sa time. Dapat walang nasasayang na oras, sulit bawat minuto, bilang kada segundo! Tuwing rehearsals, hindi puwede ang on time lang. Dapat laging ahead of time. Kapag may show naman, maaga pa lang kailangan nagpe-prepare na. Make-up, costume, props, lights, sounds, even yung foods ng casts and crew – lahat kailangan nasa ayos! Isang oras bago ang schedule ng palabas, lahat dapat naka standby na. Pagdating ng takdang oras, sisimulan ang show. Sarado na ang pintuan. Walang hihintayin. Walang pagbibigyan. Naging effective naman ang paghihigpit ko sa oras. Maagang nasisimulan ang mga trabaho, maraming natatapos na gawain. Perfect! Naging sobrang busy ako sa pagpipilit isaayos ang lahat ng bagay sa paligid ko. Lalo na sa usaping Teatro. Wala akong pakialam kung may masasaktan, kung may mapeperwisyo. Ang mahalaga lang ay maganda ang show. Yun lang ang importante para sa akin! But now looking back, what I thought was time well spent, was actually a time that was wasted. Sana pala, yung mga panahon at oras na ginugol ko sa pagpipilit na gawing perpekto ang Teatro na siya namang naging dahilan nang pagsama ng loob sa akin ng napakaraming indibidwal, ay ginugol rin sa pakikipag kapwa tao. Sana pala ginamit ko ang mga oras na iyon para intindihin din ang nararamdaman ng iba, makinig sa mga kritisismo, at unawain din ang opinyon ng mga tunay na nagmamalasakit at nakapaligid sa akin. Akala ko kasi dati hawak ko ang oras. Mali ako. Maling mali!

Page 79

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s