CHAPTER THE SEVENTH

Basahan

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Enero 22, 2014 at 1:24 umaga
THE BODY - BasahanDay 22: ” BASAHAN “.
 
Nakunan ko ang picture na ito ng isang binata na nagpapahinga sa pagtitinda ng basahan along 20th Avenue in Cubao. When I saw him sitting there, I knew right away that he must be my photo for Day 22. Kahapon kasi I met up with two former co- teachers and spoke lengthly about the youth of today. Nabanggit ko kasi na madalas sumasagi sa isip ko na bumalik na ulit sa pagtuturo. Taliwas sa inaasahan ko ang naging reaction nila. I was hoping that they’ll tell me to go ahead and go back to the academe pero kabaligtaran ang sinabi nila sa akin. Kung may choice naman daw ako ay huwag na lang daw ako bumalik sa pagiging isang dakilang Guro. Medyo nakaka lungkot pero nauunawaan ko naman ang kanilang mga dahilan. Bukod kasi sa baba talaga ng suweldo at subsob sa trabaho, ang kakaibang pag uugali daw ng mga kabataan ngayon ang isa pang nagpapahirap sa kanila. I was told several horrific stories about how spoiled teens of today actually are. Stressful daw talaga! Kahindikhindik! Kesyo pabulongbulong daw kapag napapagsabihan, magaling daw magsumbong sa magulang ng mga kakulangan ng Teacher, at sobrang liberated na daw ang ugali ng mga bata – among other things ofcourse! After they told me all those stories, naisip ko tuloy if those are things that I can still tolerate. Wala akong naisagot sa sarili ko. Pero, naniniwala ako na malaki ang nagagawa ng klase ng parenting sa kalalabasan ng ugali ng isang bata. Bukod pa dito, economics also play a very big role in the final formation of their attitude. To put it simply, hindi kasi nakaranas na magutom ang mga estudyante nila. Hindi naka experience na mawalan ng pera sa bulsa. Miski papaano, lalo na sa usaping pinansiyal, hindi naman sila nagkukulang. Kung ang bata ay nakaranas ng paghihikahos at kinailangang nagbanat ng buto sa murang edad, I am sure he’ll be more appreciative of the things given to him. The youth of today, specially those coming from a well to do family must be exposed to the harsh realities of life! Kailangan meron silang immersion. Mas matututo ang kabataan ngayon sa real life experience kaysa sa lesson sa libro! Teach students about life! Kapag nakita nila at naikumpara ang buhay nila sa ibang kabataan na hirap sa buhay, na kailangang kumayod para may pang buhay sa pamilya at pangbaon sa school, I’m sure miski papaano ay matatauhan sila. I am sure! I am so sure!
 
Page 80
 

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s