CHAPTER THE SEVENTH

Taimtim

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Enero 23, 2014 at 1:29 umaga

THE BODY - TaimtimDay 23: ” TAIMTIM “.

This photo was taken inside the Our Lady of Miraculous Medal Parish in Project 4 Quezon City. The church near our house. Sa larawang ito, makikita ang ilang taong taimtim na nagdarasal. Actually, nauna diyan yung matandang lalaki sa likuran. Pagdating ko sa simbahan, naanduon na siya. Tahimik na tahimik siya sa corner na iyon, nananalangin. Then sabay na dumating yung dalawang babae. Sabay din silang lumuhod at nagdasal pero mas naunang umupo yung babaeng naka dilaw. Siguro, mas maraming hinihiling sa Diyos yung kasama niya. Kung titignan maigi, may isang batang lalaki sa loob ng Sanctuary, naka suot siya ng school uniform at nuong madaanan ko siya, nakita ko na may dala siyang bag. Siya lang ang nag iisang bata duon sa loob. Ayoko mag speculate kung ano man ang ipinag darasal nila pero I am sure, mahalagang bagay iyon. Pagkatapos ko makunan ang larawang ito, tumingin ako sa paligid. Medyo dumami na ang tao sa loob ng simbahan. Meron isang babae sa likod ko, isang matandang lalaki sa kanan ko, at meron ding isang middle aged man sa harap ko. Meron pang isang lalaki sa bandang kaliwa pero medyo malayo na siya. Lahat sila taimtim na nagdarasal. Lahat sila may hinihiling. Lahat sila kinakausap ang Diyos. I also said a short prayer. I asked GOD a very simple wish. Hindi na ako gaano nagtagal sa loob mg simbahan, lumabas din ako kaagad. Then as I was leaving, I smelled the sweet scent of freshly cut grass. Right there and then, I knew GOD was blessing me.

Page 81

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s