CHAPTER THE SEVENTH

Istasyon

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Enero 25, 2014 at 1:38 umaga

THE BODY - IstasyonDay 25: ” ISTASYON “.

Kapag musmos ka pa lang at may nagawa kang kalokohan, ang panakot sayo: ” Hala lagot ka! Nandiyan na ang pulis, ikukulong ka niya “. Ewan ko ba, parang nuon pa man hindi na ako naniwala sa panakot na iyon. Now looking back, wala rin akong maalalang sobrang kinatakutan kong Authority Figure dati other than Vangie Labalan at yung mga taong bayan sa Barrio na pinuntahan ni Manilyn Reynes sa Shake, Rattle & Roll 2. Then nuong nasa High School naman ako, yung Terror Teacher ko sa Practical Arts na si Miss Santillices. Grabe kasi magsalita yon! Pahihiyain ka talaga ng walang habas! Walang ititirang dignidad sa katauhan mo! Anyway, nuong College naman ako, ilang beses rin akong nahuli ng mga Brgy Tanod for vagrancy, at parang bata ka nilang tatakutin na dadalhin daw sa istasyon ng Pulis. Eh nuong musmos nga ako hindi ako natakot sa Pulis eh, nuong nagkaisip pa kaya? Sa totoo lang naman, pang kape at meryienda lang naman ang sagot sa huli ng Brgy Tanod! Aminin! Bago naman ako maka graduate sa College, may nakilala akong Pulis sa Cubao. Naging close kami. Sobrang close. At dahil sa kanya, confirmed talaga na may mga itinatagong lihim ang sangkapulisan! Ayan na! Nuong nagtuturo na ako, meron akong isang napakabait na estudyante na nagsabi na gusto daw niya maging Pulis. Aprub na aprub ako sa plano niya! Gustong gusto ko! Siya na sana ang pag asa kong maniwala sa mga Pulis, kaya lang nangibang bansa siya eh. Hindi na natuloy ang plano niya. Sayang! Sobrang nakakapanghinayang!

Page 83

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s