CHAPTER THE SEVENTH

Umaga

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Enero 26, 2014 at 1:48 umaga

THE BODY - UmagaDay 26: ” UMAGA “.

Medyo matatagalan ulit siguro bago ako magkaroon ng pagkakataong makita ang pagsikat ng araw na galing naman ako sa masarap na pagtulog sa gabi. Mamimiss ko ang tinig ni Manong Magtataho. Mamimiss ko si Jerome Lantin. Mamimiss ko ang amoy ng pinipritong tuyo at ginigisang bawang na ihahalo sa sinangag! Mamimiss ko ang pag kain ng tunay na almusal. Mamimiss ko ang tahulan ng mga aso habang pinapakain sila sa umaga at ang kalansing ng mga kadena nila bago sila ilakad sa labas. Mamimiss ko ang pakikipag patintero sa iba’t ibang school bus na pilit sumisiksik at dumadaan sa street namin. Mamimiss kong makita ang mga batang naka school uniform na papasok sa paaralan. Mamimiss ko ang paglalakad sa paligid para makahanap ng mapag mimeryendahan. Mamimiss ko ang mga naglilinis sa labas at ang tunog ng walis tingting nila. Mamimiss ko ang mga nagbibisikleta at nag ja-jogging sa Project 4 Park sa M. Gregorio Street. Mamimiss ko ang umaga pero ayoko na magkasakit ulit. Kaya pipilitin kong hindi mamiss ang mga bagay na mamimiss ko sa pagbalik ko sa buhay bampira simula sa Lunes! But for now, I will make most out of the day! I will greet this wonderful morning with love in my heart! Good vibes lang. Happy Sunday!

Page 84

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s