CHAPTER THE SEVENTH

Driver

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Enero 27, 2014 at 1:52 umaga

THE BODY - DriverDay 27: ” DRIVER “.

Kadalasan, kapag madaling araw na at pauwi ako galing sa pag kain ng Goto at Tokwa’t Baboy sa Gotwa sa Cubao, imbes na sumakay ng jeep ay naglalakad lang ako hanggang sa bahay sa Project 4. Pero kanina, for some reason, tinamad akong maglakad at talagang nag abang ako ng jeep sa tapat ng Ali Mall. Hindi naman ako binigo ng tadhana at may dumating din namang agad na jeep. Karakaraka akong sumakay at dahil wala halos sakay na pasahero, umupo ako malapit sa Driver. Perfect ang puwesto ko kasi madaling makapag abot ng pamasahe. Hindi na kailangang ipasuyo pa sa ibang pasahero. Habang hinihintay ko ang sukli ko, bigla nanaman akong nagkaroon ng Willy Wonka moment. Nag flashback sa akin ang isang masamang experience sa isang Jeepney Driver. Papasok ako nuon sa paaralang dati kong pinagsilbihan. Sa tabi ng driver ako umupo. Maayos naman ang biyahe. Wala naman akong maalalang ikinastress nung driver. Kaya laking gulat ko nuong pagpara ko, tinignan niya ako ng masama at sinabihan na hindi pa daw ako nagbabayad ng pamasahe. Sinagot ko siya at sinabi ko na sigurado akong nagbayad ako kasi ako pa mismo ang nag abot sa kanya ng pera. Binanggit ko pa kung magkano ang ibinayad ko at kung magkano naman ang isinukli niya sa akin. Pero, imbes na kumalma ay lalo pang nagalit yung driver. Pinagsisigawan ako at sinabihan ng masasama. Dahil sa hiya, I decided na magbayad na lang ulit. Barya na tagpipiso at ilang 25 centavo ang iniabot ko. Imbes na tanggapin ay binato pa sa akin nung driver ang mga barya. Hiyang hiya ako sa naganap, lalo na dahil naka uniform pa ako nuon at ang dami pang mga pasahero ang nakakakita at nakakarinig. Wala na akong nagawa kasi after akong sigawsigawan at hagisan ng mga barya, umarangkada at humarurot na palayo ang jeep. Naiwan akong windang, hiyang hiya at nagdadalamhati. Tulad nung Driver ng jeep, may mga tao talaga na magaling magbintang sa kapwa. Mga taong magaling magbaligtad ng katotohanan. Ang saklap. Sobrang saklap! Pero, dapat pa bang patulan ang mga tulad nila? Palagay ko wag na. Sayang lang ang oras. Alam naman ng Amang siyang lumikha ang katotohanan. Hindi na kailangan mag explain pa.

Page 85

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s