CHAPTER THE SEVENTH

Oxygen Tank

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Pebrero 2, 2014 at 2:27 umaga

THE BODY - Oxygen TankDay 33: ” OXYGEN TANK “.

Wala pang 1 week akong nakakabalik sa trabaho, pero balik clinic nanaman ako. This is very sad! Before pa mag start ang shift ko medyo may nararamdaman na akong kakaiba. Hilong hilo ako at parang nanginginig ang tuhod ko. Naisip ko na baka gutom lang kaya I made sure na makakain muna ako before pumasok. Hindi rin naman marami yung kinain ko. Isang Siopao Asado lang naman na galing Mini Stop at Tropicana na juice. Yun lang! I tried to ignore yung nararamdaman ko kasi ayoko ma bad vibes kaya nag calls pa ako. I took 2 stress free calls pa then naramdaman ko na para na akong maduduwal, nag bio break ako agad at dumiretso sa cr. Bumalik pa ako sa phone at kumuha pa ng 3 calls, all stress free naman. Pero hindi ko na talaga kinaya. Umiikot na paningin ko, nangangapal na pisngi ko, hinahabol ko na paghinga ko, at walang tigil ang pag shake ng tuhod ko! Nagpaalam ako na pupunta ng clinic at dumiretso nga ako sa 16th floor. May Nurse naman agad na nag attend sa akin when I got to the clinic. Nagulat siya kasi 160/120 daw! Pati yung Doctora na naanduon sa loob ng office niya na bigla sa taas ng BP ko. Catapress agad agad. Pinagpahinga ako at every 30 minutes ang monitoring nila. Flactuating daw ang BP ko. Taas baba. Pinapatulog nila ako pero hindi naman ako makatulog kasi ang sakit ng batok ko. May isang saglit na naka idlip ako. Medyo bumaba BP ko after ako maka tulog ng bahagya. It took almost 5 hours before finally nag stabilize na sa 130/100 ang BP ko. Mataas parin. Nahihilo parin ako. Nanghihina parin ako pero kakayanin ko ito. Ayoko mag reklamo. Ayoko panghinaan ng loob. Yung nasa picture pala yung naka sabay ko sa clinic kanina. Hypertension din siya. Pero mas grabe yung sa kanya. Kailangan pa siya lagyan ng oxygen kasi hindi na talaga siya makahinga. Then habang pinapakalma siya, nagpipilit parin siyang bumalik agad sa floor kasi marami daw siyang naiwang trabaho.

Page 91

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s