CHAPTER THE SEVENTH

Stuffed Toys

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Pebrero 4, 2014 at 2:36 umaga

THE BODY - Stuffed ToysDay 35: ” STUFFED TOYS “.

Marami akong mga trabaho na hindi ginawa kagabi. Imbes na asikasuhin ko ang aking blog at mag schedule ng 15 posts for this week ay ginugol ko ang aking oras sa panonood ng mga lumang Horror Films sa YouTube. Una kong pinanood ang: “Barang” na pinagbibidahan nila Juliana Palermo, Jacklyn Jose, and Christine Reyes. Then afterwards pinanood ko naman ang: “Aswang”, starringLovi Poe and Paulo Avelino. Naanduon din sina Albie Casiño and Jillian Ward. Inabot ng almost 2 hours yung pelikula. Ang haba! Pero infairness, nagustuhan ko siya! Maganda yung kuwento and maganda rin ang pagkakaganap ng mga bida sa role nila. Award winning ang role nila Albie bilang hikaing kuya and Paulo bilang traumatized hitman! Convincing din bilang Abuwak si Lovi Poe! Siguro matagal na panahon kong maiisip na Abuwak siya. Ayan na! Anyway, almost 6:00 AM na nang matapos ang aking YouTube Old Horror Films Marathon! Naalala ko may babanlawan pa pala akong mga labada. Agad agad naman akong kumilos at naging labandero for a while. By the time na magda-drier na ako, gising na halos lahat ng tao sa bahay. May nag re-ready na para pumasok sa school, may nag luluto na ng almusal, at may nagpapakain na ng mga aso. Nairita ako kasi gusto ko ako lang ang kumikilos at walang humaharang sa dinadaanan ko! Bumabagal kasi ang kilos ko kapag may nakakasalubong ako eh. Then lalo pa akong na inis kasi nuong magsasampay na ako, naabutan ko sa Sampayan Area si Manang na nag aalis naman ng mga sampay niya para may space naman ako para sa mga laundry ko! Hay! Grouchy Mode on talaga ako! Ewan ko ba. Nairita ako sa init ng papasikat na araw! Pinagpawisan ako! Pati yung tumutubong Okra sa paso na nakita ko sa taas kinainisan ko rin! Anyway, nang matapos na akong magsampay at pababa na ako, I saw these stuffed toys na nakapatong sa kabayo ng plancha. Kanino nanaman kaya ang mga ito? Saang ukay ukay nanaman kaya nakuha ang mga yan? Sino sa amin ang maglalaro ng mga yan? Natawa na lang ako! Good mood na ulit.

Page 93

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s