CHAPTER THE SEVENTH

Going Down

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Pebrero 6, 2014 at 11:07 umaga

THE BODY - Going DownDay 37: ” GOING DOWN “.

Meron akong isang katrabaho at kaibigan na lumapit sa akin kanina bago mag end of shift at nanghihiram ng pera. Maliit na halaga lang din naman yung kailangan niya kaya pumayag akong pautangin siya. Ang sabi ko sa kanya, mag wi-withdraw lang ako sa ATM at pagkatapos ay iaabot ko sa kanya ang salapi. Ang sabi naman niya, since pareho naman kami ng uwian, sasabay na siya sa akin bumaba para hindi na ako masyadong mag effort pa. Pumayag naman ako. After ko mag log out, nilapitan ko pa siya at sinabihan ko na hihintayin ko na lang siya sa locker area then sabay na kami bumaba para makapag withdraw. Sumagot naman siya ng: “Oo”. I took my time while at the locker area. Nakuha ko pang makipag kuwentuhan sa iba kong former Teammates na naka break, na check ko pa ang phone ko for new text messages at medyo nag ayos pa ako ng mga gamit ko sa loob ng locker. Siguro mga 10 minutes din akong naghintay. Walang friend and officemate na pumunta sa locker area. Sa sobrang inip ko, I decided na iwanan na lang siya. Hindi ko naman siya mai-text kasi wala naman akong number niya. Naisip ko na baka hindi naman niya talaga kailangan pa yung pera. Naisip ko na if ever, mamayang gabi ko na lang siya aabutan. So, I left the office. Ilang minuto din akong naka tayo sa lobby, nag hihintay ng elevator na going down. Wala paring lumabas na friend and officemate. Nang bumukas na ang elevator, binagalan ko pa ang lakad papasok. I was hoping na bigla siyang lumabas. Pero wala talaga. Nuong bumababa na ang elevator, medyo na konsensiya ako. Gusto ko siyang balikan. Mas lalo kong naisip na bumalik nuong bumukas ang elevator sa 10th floor. Meron kasing ATM Machine sa 10th Floor. Puwede akong mag withdraw muna then babalikan ko siya. Pero hindi ko na ginawa. Pinilit kong hindi maawa. Dirediretso na ako pababa then pagdating sa ground floor, lumabas ako agad ng building at nag abang ng jeep. Sumakay ako sa unang jeep na biyaheng Cubao na huminto sa harap ko.

Page 95

  1. baka sumakit lang ang tiyan at nagpunta sa cr.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s