CHAPTER THE SEVENTH

Merienda Time

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Pebrero 7, 2014 at 12:25 hapon

20140207-104344.jpg
Day 38: ” MERIENDA TIME “.

Buong gabi, wala akong ibang naisip kundi ang makakain ng Banana Cue. Takam na takam ako sa mainit, malambot, at matamis na Banana Cue. Gusto ko yung maraming asukal na pula. Yung may buo buong asukal. Yung Banana Cue na kapag kinagat ko, magko-contrast talaga yung lambot ng saging na saba sa crunch nung nabuong asukal na pula! Then after ko kumain ng Banana Cue, lalagok ako ng malamig na malamig na Sago’t Gulaman! Ang sarap! Panalong panalo. Yummy talaga! Nakakagutom. Kaya naman, laking tuwa ko ng mag umaga na. Alam ko na ang destinasyon ko. Sa palengke! Meron kasi duong nag titinda ng Banana Cue! Meron din silang Maruya at Turon! May palamig din siyang tinda! Pagpatak ng 8:00, larga na ako sa palengke! Merienda Time na! Excited na excited ako! Feeling ko Elementary School Student ako na a-attend ng Birthday Party ng kaibigan. Ganung level na excitement! Malayo pa lang tinatanaw ko na kung may luto na. Nakita ko meron! Bagong hango! Bagong luto! Mas lalo akong natakam nung papalapit na ako. Amoy na amoy ko na ang Banana Cue! Ang Banana Cue na buong gabi kong inisip kainin. Nang nakatayo na ako sa harap ng Banana Cue Store, bigla akong napatingin sa katabing tindahan. May nakita akong Lumpiang Togue. Bumili ako nang tatlong piraso. Yun ang kinain ko.

Page 96

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s