CHAPTER THE SEVENTH

Walk of Fame

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Pebrero 8, 2014 at 1:07 umaga

20140208-115941.jpg
Day 39: ” WALK OF FAME “.

Niyaya ko si Hardy Malvar na mag ikot ikot sa loob ng Eastwood after shift. Pumayag naman siya. Actually, hinanap ko yung rebulto na itinayo in honor of the BPO Industry. Gusto kong kunan ng larawan para ipakita kay Cheesecake na meron din akong picture na tulad nung pinost niya sa blog niya. Nakunan ko naman ng larawan yung istatwa. Infact, lahat ng anggulo may kuha ako. After ko i-picture taking ang rebulto, diretso kami ni Hardy sa Pancake House. Off naman niya tonight kaya okay lang sa kanya na umuwi ng medyo late. Amoy strawberry scented car airfreshner yung loob ng Pancake House sa Eastwood. Bakit kaya ganun ang amoy duon? Anyway, medyo nakaka disappoint kasi wala si Ico, yung favorite crew namin ni Hardy. Sabi ni Emma, yung crew na nag serve sa amin, pang gabi na daw. Oh well, dapat pumunta kami duon ng gabi! Soon. So ayun na nga, tuloy parin ang kainan. I had my favorite Rib Eye Steak Medium Rare and Cheese Pancake. I also tried the Carrot Shake. Ang saya! As usual, kuwentuhang walang habas ang naganap before, during, and after meal. Ang dami naming napagkuwentuhan. Sa sobrang dami, parang hindi kami nagkita for several years. Samantalang magkasama namin kami sa office. Dati, parati rin naming kasama sa mga biglaang yayaan si Valerie Zipagan. Kaya lang resigned na siya. May sakit daw kasi siya eh. Sabi niya. Anyway, if there is one thing na napatunayan ko today, that is: Hindi talaga ako marunong mag compute. Hindi ako dapat pagkatiwalaan sa contribution, kuwentahan at bayaran! Sobra sobra yung ibinayad ko. Nakaka hiya! Anyway, nuong pauwi na kami, kinunan ko ng picture ang Walk of Fame na ito! Salamat Kuya Germs! Hinanap namin yung bituin ni Tado, kaya lang wala.

Page 97

  1. Hi there!😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s