CHAPTER THE SEVENTH

Game Over

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Pebrero 10, 2014 at 9:17 umaga

20140210-085419.jpg
Day 41: ” GAME OVER “.

Dinagsa ang Instagram at Facebook ng mga sari saring post about Flappy Bird nuong mga nakaraan linggo. Alam kong trending ang larong iyon pero dahil sa dami ng mga pinagkakaabalahan ko, hindi man lang ako nakasabay sa uso! Actually, ni hindi ko nga man lang siya na laro or nakuhang i-download eh. Kagabi, dahil maaga kong natapos ang pag sulat at pag schedule ng mga post ko sa isa kong blog, naisip kong i-download na finally ang Flappy Bird. Pero hindi ko na siya makita sa App Store. Then I discovered na tinanggal na pala siya ng Vietnamese Game Developer and Owner na si Dong Nguyen. Nabasa ko rin na ang reason daw kung bakit niya tinanggal ang laro ay dahil hindi na niya kinaya ang biglaang kasikatan. Hindi raw niya ma-take ang mga paninira at mga banta sa kanya. Hindi niya inalintana ang laki ng kinikita niya. Tinanggal niya ang laro dahil mas mahalaga daw sa kanya ang peace of mind! Kaya, Game Over na ang Flappy Bird! Personally, naka relate naman ako kay Dong Nguyen. Hindi ko rin ipagpapalit sa ano mang halaga, kayamanan, o kasikatan ang kapayapaan ng pag iisip ko. Aanhin ko ang maraming pera, ang pagkilala, ang kasikatan, o ang kapangyarihan kung wala naman akong peace of mind? Minsan ko ng iniwan ang malaking oportunidad sa ngalan ng kapayapaan ng pagiisip. Nagtrabaho ako dati sa Hinduja Global Solutions. Amex yung account ko duon. Ang laki ng suweldo ko. Duon ko na experience na hindi ko pa nauubos yung una kong sinahod eh payday nanaman. Okay talaga sana kung pera pera din lang naman ang usapan, pero hindi ako naging masaya. Parang may mali. Marami naman akong naging kaibigan sa mga ka wave ko, napaka bait naman ng TL ko, pero hindi ako naging kontento sa may pera lang. Kaya ang ending, pinili ko ang peace of mind kaysa sa pera. Dali dali akong umalis. Then I became happy again. Nanghinayang ba ako? Actually, hindi. I am happy that I did what I did. Now, if ever man na humarap ulit ako sa similar situation, yun bang masaya na sana ang lahat pero may mangyayari na isang eksena na gugulo sa isip ko, walang second thought, aalis ako! Ako ang iiwas sa gulo. Oo nga pala, my sister was able to download Flappy Bird on her IPad and IPhone. Makikilaro na lang ako.

Page 99

  1. may peace of mind pero wala naman makain. pera pa din ako. haha.

    seriously, basta stable naman yung buhay siyempre peace of mind.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s