CHAPTER THE SEVENTH

Manggang Hilaw

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Pebrero 11, 2014 at 9:04 umaga

20140211-085922.jpg
Day 42: ” MANGGANG HILAW “.

Alas sais ng umaga. Imbes na pandesal and butter, or sinangag with tuyo ang hanapin ng panlasa ko, ito at nag crave ako ng manggang hilaw. Pumunta ako sa palengke ng Project 4. May dalawang kilalang tindahan ng mga prutas duon. Yung isa ay nasa bungad ng palengke, at yung isa naman ay nasa likod. Madalas ako bumili duon sa prutasan na nasa bungad kaya yun ang una kong chineck. Sarado pa sila. Bigo! So, sunod kong pinuntahan yung prutasan sa likod. Meron silang mangga. Kaya lang medyo hinog na. Ayoko nun! Gusto ko yung hilaw talaga. Yung maasim! Yung malutong! Hindi ako pinanghinaan ng loob, binaybay ko yung mga gulayan. Minsan kasi nagtitinda rin sila ng mangga eh. But I guess hindi ngayong araw na ito kasi wala akong nakita. Finally, tumawid ako sa kabilang kalsada, may talipapa kasi duon. Ayun! Duon ko na nakita ang manggang hilaw na ito. Tiyempong inilalabas pa lang siya sa kaing. Isa isang sinasalansan. Pumili ako ng isang piraso. Tinimbang nung tindera, 24 Pesos daw. Binili ko na agad. Babalatan ko yung mangga mamaya. At para sa aking sawsawan, dahil walang bagoong, asin na may sili!

Page 100

  1. Syet. Bigla akong naglaway.! I want maggamg hilaw too🙂

  2. naglilihi ka girl?😛

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s