CHAPTER THE SEVENTH

Happy Valentines

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Pebrero 14, 2014 at 10:32 umaga

20140214-102817.jpg
Day 45: ” HAPPY VALENTINES “.

Dear Ika-anim na Pag Ibig, Gusto ko sana kunin ang pagkakataong ito para ipa alam sa iyo kung gaano ako kasaya na nakilala kita. Hindi ko inakala na may isang tulad mo na darating sa buhay ko. Akala ko nuong una katulad ka rin ng iba, pero nagkamali ako. Maling mali. Ni kailan man, hindi mo ako binigyan ng dahilan para pagdudahan ang intensiyon mo. Salamat sa effort na pag iwas sa mga bagay na alam mong magiging dahilan ng hindi nating pagkakaunawaan. Salamat sa pagtatanggol mo sa akin laban sa mga taong walang nakita kundi ang hindi maganda sa pagkatao ko. Salamat sa matiyagang pagtuturo mo sa akin kung paano pagandahin ang aking mga blogs at websites. Salamat sa pagpapakilala mo sa akin ng iyong mga kaibigan. Salamat sa mga panahong naandiyan ka para makausap at makasama. Hindi ko makakalimutan ang mga moments natin sa playground. Hindi ko makakalimutan ang sinabi mong takot ka sa dilim. Hindi ko makakalimutan ang mga pangungulit mo sa phone. Hindi ko makakalimutan na mahilig ka sa panonood ng mga pelikula ni Vic Sotto. Hindi ko makakalimutan na Double Dutch ang favorite mong flavor ng Ice Cream. I am always here for you. I will try my best to forever stay healthy para hindi ka na nag aalala sa tuwing may sakit ako. My heart is always full of love because of you. Mahal kita and Happy Valentines!

Page 103

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s