CHAPTER THE SEVENTH

Mang Joey

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Pebrero 15, 2014 at 8:59 umaga

20140215-085437.jpg
Day 46: ” MANG JOEY “.

Tulad ko, siguro nagulat din ang ibang may shift ng 10:00 PM, ng biglang may narinig na nag papatugtog ng mga love songs sa di malamang instrumento. Dahil naka avail na ang lahat, walang makapagsabi kung saan nanggagaling ang tugtog, sino ang tumutugtog, at ano ang instrumentong gamit. Tuloy tuloy ang pag alingawngaw ng mga nakaka in love na melodies sa loob ng production floor. Naging trending topic sa mga Team Chatrooms ang Mysteryosong Tagapagharana. Inaliw ng Mahiwagang Musikero ang mga Call Center Agents ng kanyang malawak na repertoire. May ilang natuwa, may ilang kinilabutan, may ilang inantok, at may ilan namang deadma lang. Ang totoo niyan, natuwa naman ako sa idea na may tumutugtog ng instrumento habang tuloy lang ang trabaho. Lalo na kung ito ay dahil sa pagdiriwang ng Araw ng mga Pusong umiibig. For a while, feeling ko nga nasa Titanic ako. Tuloy tuloy lang ang pag agos ng buhay ng ilan habang may isang dakilang alagad ng sining na nagpapamalas ng kanyang kakayanan. First break ko na at past midnight nang aking makita ang Mysteryosong Musikero. Nakatayo siya sa isang sulok malapit sa revolving door papasok sa production floor. Si Mang Joey. At soprano saxophone ang gamit niyang instrumento. Tuloy tuloy siyang tumugtog until around 2:00 AM.

Page 104

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s