CHAPTER THE SEVENTH

Mercury Drugs

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Pebrero 17, 2014 at 9:18 umaga

20140217-091144.jpg
Day 48: ” MERCURY DRUGS “.

Mali ang inannounce na mga winners sa Miss Venezuela 2014 kaya kailangan kong ayusin ang score sheets, kaya lang bago ko pa maisaayos ang lahat, nagising na ako. 7:30 AM na pala! Kailangan ko nang bumangon para makapunta ng Mercury Drugs sa Metrolane. Ubos na ang supply ko ng gamot. Kailangan ko na ng refill. Naglakad lang ako from our house going to the Drugstore. Hindi pa tirik ang haring araw kaya masaya naman. It took me around 10 minutes before I got to Mercury Drugs. Konti lang ang tao when I got inside. Mga apat yata, pang lima ako. I was assisted naman agad agad. Yung lalaking Pharmacist ang kumuha ng reseta ko. Maayos naman yung service niya. Mabilis naman siyang kumilos. Maagap naman niyang nai-apply yung discount sa gamot na binili ko. Kaya lang, mukhang hindi siya masaya. Tinignan ko ang mga mata niya. Halatang may pinagdadaanan siya. Ewan ko ba, baka din naman dahil maaga pa. Baka inaantok pa siya. Pero sa kilos niya, alam kong hindi siya masaya sa ginagawa niya. Parang may gusto pa siyang mangyari sa buhay niya na hindi matupad tupad. Parang demotivated na siya kasi ginawa na niya ang lahat lahat para sa career niya pero hikahos parin. Parang napipilitan na lang siyang pumasok. Parang may mali sa systema. Parang talamak ang pulitika. Parang hindi napapansin ang tunay niyang kakayanan at galing kasi hindi siya kinagigiliwan ng Manager. Kawawa naman siya! Pag naubos na ang gamot ko, babalikan ko siya. Itatanong ko sa kanya kung ano ang bumabagabag sa kanya.

Page 106

  1. baka iniwan ng jowa niya. sana sinabi mo pasasayahin mo siya.😀

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s