CHAPTER THE SEVENTH

Tuhog

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Pebrero 22, 2014 at 10:39 umaga

20140222-103414.jpg
Day 53: ” TUHOG “.

Sanay ang sikmura ko sa mga Street Foods. Suking suki ako ng mga Kuya at Ate na may tulak tulak na kariton. Favorite ko ang Fishballs, Squidballs, Chickenballs, and Kikiam. Hindi nakakaligtas sa akin ang mga Ihaw Ihaw, at Calamares! Pinapatos ko rin ang Tukneneng, Itlog, Penoy, at Balot na Kwek Kwek. Ang sarap! Mahilig din ako kumain ng One day old chick, and Abnoy! Walang habas talaga! Lalo na kung maanghang yung sawsawan! Nakakarami talaga ako ng tuhog at tusok kapag ganun ang pagkain. Sobrang sarap kasi talaga! Alam ko na bawal na sa akin ang mga foods na iyon pero hindi ko maiwasan. Tulad na lang ngayon! Ang aga aga, naghahanap ang dila ko ng tutuhugin! Lumabas ako ng bahay. Hindi ako nabigo! Nakatambay na si Kuyang nagtitinda ng mga pagkaing tinutuhog sa usual na station niya! Sa tapat ng Savemore Supermarket sa kanto. Walang isip isip na tumuhog ako ng limang pirasong Kikiam. Sinawsaw ko sa sauce na maanghang at manamisnamis! Hindi pa ako nakuntento, tumuhog din ako ng limang pirasong Tokwa! Yes, Tokwa! De tuhog na rin siya. Hiniwa sa maliliit na piraso at binebenta ng tag dadalawang piso! Sa maasimasim na maanghang na sawsawan ko naman siya sinawsaw. Isang basong Sago’t Gulaman naman ang panulak ko! Panalo!

Page 111

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s