CHAPTER THE SEVENTH

Canton Con Lechon

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Pebrero 25, 2014 at 5:15 hapon

20140225-170939.jpg
Day 56: ” CANTON CON LECHON “.

During the last 2 hours ng shift kanina, sobrang avail na! Wala ng calls! Kaya naman, nagpaka abala na lang kami sa pagkukuwentuhan nila Billy, and Nel Aira. Ang topic namin? Foods! Favorite daw ni Billy ang Sinigang na Isda sa Bayabas! Sabi ko naman, gusto ko ang Sinigang na Baka. Ayaw daw ni Nel Aira ng baka. Hindi daw niya gusto ang amoy. Kaya kapag nasa Food Court daw siya, lumalayo siya sa tindahan ng Shawarma. Napagkumpara din namin ang French Fries at Fried Chicken ng Jollibee and McDonalds! Pumasok din sa usapan ang Burger King. Naging topic din namin ang gulay. Binanggit ko na kumakain ako ng Ferns. Sabi naman ni Billy hindi niya dati gusto ang lasa ng talbos ng Kamote. Napagusapan din namin ang mga exotic foods like Dagang Bukid at Palakang Bukid. Nabida ko naman na nasasarapan ako sa Papaitan. Napagdiskusyunan din namin ang Baked Tahong, Steamed Lapu Lapu, and Oysters. Hindi lumampas sa usapan namin ang Spaghetti, Hotdog, Adobo, Hamonado, Pizza at Pansit Canton! Nakaka gutom! Kaya naman pag dating ko sa bahay, nagbihis ako agad agad at pumunta sa Pansitan na malapit sa amin. Along the way, nadaanan ko yung nagtitinda ng Perfect Match Pizza. Bumili ako ng apat na slices ng Pork Overload. Then nagpaluto naman ako ng Pancit Canton con Lechon duon sa Pansitan. Solb!

Page 114

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s