CHAPTER THE SEVENTH

Team Lunch

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Pebrero 27, 2014 at 5:10 hapon

20140227-170500.jpg
Day 58: ” TEAM LUNCH “.

Sa paradahan ng jeep sa Cubao ulit ako sumakay papuntang Eastwood nitong umaga. Hindi na umaambon tulad kahapon pero ang tagal ko namang nag hintay kasi nagpuno pa ng pasahero yung jeep na sinakyan ko. Mga 20 minutes din akong nainip sa kakahintay. Pagdating ko sa office, ilang minuto na lang ang natitira sa akin bago mag start ang aking shift! Halos ma-late na ako. Hindi na muna ako kumain ng breakfast. Then, before mag start ang shift, hindi naman ako makapag clock in. Hindi parin kasi naaayos yung naka plot kong schedule. Naka profile parin ako sa night shift. I was told na naayos na daw pero hindi naman nag rereflect sa Estart ko. I had to log out and log back in several times pero wala parin! Ending? Tuluyan na akong na late. Ilang minuto na after ng actual start ng shift ko bago pa ako nakapag simula ng trabaho. Nang sabihin ko sa Boss ko ang problema, ako pa ang naparinggan! Ang lakas maka bad vibes! Nakaka stress! Huminga na lang ako ng malalim. Pumikit at nag wish na sana hindi naman tuluyang masira ang araw ko. God was quick to respond! Nuong lunch break, nagkasabay sabay ang mga dating Wave 3B! Ang sarap ng pakiramdam na makasama ulit ang mga taong ito! Miski isang oras lang! Hindi ko nga halos malasahan ang kinakain ko sa kakatawa lang sa mga kuwentuhan naming walang habas! This Team Lunch made my day. Dinala ko buong araw ang Positive Vibes na bibigay ng happy memory na ito! Ang saya! Napagkasunduan namin na after shift, pupunta kami sa Saint Pio Church. We did.

Page 116

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s