Hindi ko mapigil ang pagtawa habang kinukunan ko ang selfie na ito! Kitang kita sa mga mata ko ang hindi maitagong kaligayahan! Sobra sobra ang aking pagka galak! Paano namang hindi ako liligaya, eh pag dating ko ng bahay lahat ng tao ay pawang mga naka ngiti. Maaliwalas ang mga mukha. Lahat ay tuwang tuwa! Maligaya silang lahat! Nakaka hawa ang kanilang napaka positibong pananaw sa buhay! Teka, ang ganda pala ng kulay ng suot kong t-shirt! Kitang kita ang design. Angat na angat yung kulay pula. Ang tingkad nung kulay asul. Aba, at parang kulay lang ng naka ngiting araw yung kulay dilaw sa aking damit! Oo nga pala, nabanggit ko na ba na sobrang inspirado ako sa opisina? Ay, mukhang hindi pa! So, ayun na nga. Lagi kong hinihintay ang bawat araw ng pagpasok sa trabaho! Napaka supportive ng mga tao sa aking paligid! Tinutulungan nila akong mapabuti at mapadali ang aking trabaho! Ang taas ng morale ko kasi ang ganda ganda ng stats ko! Hindi ako napapag iiwanan! Pinagkakatiwalaan ako sa mga gawain sa opisina! Mahalaga ang presensiya ko. Ako ay nirerespeto. Ginagalang. Tinitingala. Isang ehemplo. Huwaran. Sa sobrang galing ko, ako raw ay gagawaran ng isang parangal.
Page 117