CHAPTER THE SEVENTH

Ice Cream

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Marso 1, 2014 at 10:34 umaga

20140301-102938.jpg
Day 60: ” ICE CREAM “.

Gumawa ulit si Manang ng Kimchi! Maraming maraming Kimchi. Sabi ni Manang, mas masarap daw yung Kimchi kapag naburo na for a week. I agree naman. Kaya lang, takam na takam na ako sa lasa ng Kimchi kaya naman ng ilapag na niya sa lamesa ang finish product niya, kumuha ako agad ng isang platito, kumutsara ng ilang pirasong dahon, at ninamnam ang sarap ng Korean food na ito! Hindi ako na disappoint, super sarap niya miski bagong gawa. Lasang lasa ang bawang. I don’t mind kung medyo may pait pa ng kaunti yung fresh Chinese Cabbage. Masarap parin naman siya! Tamang tama lang ang alat. At higit sa lahat, talaga namang nakakabuhay ng dugo yung anghang! Panalo! Naubos ko yung isang platitong Kimchi! Ilang minuto ring umaapoy sa anghang ang bibig ko! Bigla akong nag crave for something cold and sweet! I want some Ice Cream! Hindi na ako nag patumpik tumpik pa. Lumabas ako ng bahay, naglakad ako papunta duon sa Ice Cream Parlor na malapit sa sakayan ng Tricycle. Sarado pa! Sayang! Pero bukas na ang SaveMore. Pasok ako sa grocery. Unang bumungad sa akin ang freezer na punong puno ng Magnum. Ayoko nun! Dumiretso ako sa freezer ng mga Ice Cream! At ito na ang tumambad sa akin! Ice Cream! Ang sarap! Ang daming flavors! Ang daming pagpipilian! Gusto ko yung Oreo’s Cookies and Cream! Gusto ko rin nung Double Dutch! Hindi na ako aarte pa sa Rocky Road! Gusto ko i-try yung Coffee Crumble! Naglalaway din ako duon sa Halo Halo Flavor! Pero, meron ding Pistachio Cashew! My ultimate favorite. Grabe! Sa kabilang freezer naman, merong Cheese, Mango, Ube, and Buko Pandan flavors. Ilang minuto akong naka titig sa mga Ice Cream! Hindi ako makapag decide. Sa sobrang dami ng pagpipilian. Ang ending, umuwi ako na walang bitbit na Ice Cream. Pagiisipan ko munang mabuti kung anong flavor ang bibilhin ko. Hindi naman mauubos yan eh. Mamaya, kapag nakapag decide na ako. I’m sure naandiyan parin naman ang mga Ice Cream na yan! Naghihintay lang silang mapili at mabili!

Page 118

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s