CHAPTER THE SEVENTH

Doormat

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Marso 2, 2014 at 8:23 umaga

20140302-081841.jpg
Day 61: ” DOORMAT “.

Bandang alas siyete ng umaga, pagkatapos kong maisampay ang aking mga nilabhan, I decided to take a quick walk around our street. Siyempre pa bitbit ko na ang aking Ipad para kung sakaling may makita akong magandang subject for my Project 365, makukunan ko na agad agad. Everything around me seem very ordinary until mapadako na ako sa may simbahan ng Our Lady of Miraculous Medal Parish. Dahil Sunday, may Misa, at maraming tao sa Simbahan, marami rin mga nagtitinda sa paligid. May ukay ukay store nearby. May nakita rin akong magbebenta ng Pizza at Palamig pero hindi pa sila bukas. Present din ang mga nagtitinda ng bulaklak, prutas, gulay, kakanin, inihaw na isda, laruan, mais, itlog, damit, at doormat! It was these Doormats that caught my attention. Very color kasi. nakaka aliw! Nakakatuwa! Ang sarap titigan! Nuong mga panahong nag sarili ako at nag rent ako ng bahay, isa sa mga hilig kong bilhin ay doormat. Ewan ko ba kung bakit tuwang tuwa ako sa mga doormat. Lahat ng pintuan nilagyan ko ng doormat! Mula sa main door, kuwarto, comfort room, at pati ang pintuan sa kusina – lahat may doormat! Okay lang sa akin miski anong design basta kulay green! Every month pinapalitan ko ang aking mga doormat! Dinidispose ko na kapag madumi na. I miss buying doormats. Somehow, I miss those times when I was living alone.

Page 119

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s