CHAPTER THE SEVENTH

Gusto ko mag Pakwan

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Marso 3, 2014 at 5:31 hapon

20140303-172334.jpg
Day 62: ” GUSTO KO MAG PAKWAN “.

Sa kasagsagan ng init ng araw, walang takot akong naglakad papuntang Mercury Drugs sa Metrolane. Paubos na kasi ang aking gamot at kailangan ko na ng refill! Ayoko namang ipagpabukas pa ang mga bagay na puwede ko namang gawin na ngayon. So, armed with my Green Fibrella Umbrella, sumugod ako sa Drugstore! Wala pang dalawang minuto sa aking paglalakad, talaga namang ramdam na ramdam ko na ang init ng panahon. Tumatagos talaga sa payong yung init ng araw! Walang habas! Summer na talaga! Actually, puwede naman akong sumakay ng Tricycle, pero hindi ko ginawa! Tiniis ko talaga ang nakakapasong init ni haring araw! Pagdating ko ng Mercury Drugs, para na akong bagong ligo. Basang basa na ng pawis ang ulo ko. Wet look na ang buhok ko. Nakakahiya! Anyway, may kabagalan kumilos yung babaeng Pharmacist na nag assist sa akin. Pero imbis na mainis, medyo natuwa pa ako kasi tumatagal yung panahon ko na nasa loob ng airconditioned na Drugstore. After ko mabili ang aking gamot, naglakad ulit ako pabalik. Sobrang init parin! Nakaka suya, nakaka hilo, nakaka himatay! Nang nasa tapat na ako ng SaveMore, pumasok muna ako sa loob para magpalamig. At itong mga Pakwan na ito ang bumungad sa akin! Ang lalaki! Ang pupula! Mukhang makatas, matamis, masarap! Bigla akong natakam! Gusto ko mapawi ang init ng aking katawan! Gusto ko mag pakwan!

Page 120

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s