CHAPTER THE SEVENTH

Araneta Center

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Marso 4, 2014 at 6:16 hapon

20140304-180941.jpg
Day 63: ” ARANETA CENTER “.

After shift, dumiretso kami ng officemate ko na si Billy sa Cubao. Ang destinasyon namin: Farmers Plaza. Ang misyon: Maghanap ng mga Tiara para sa mga Mutya ng Amazon! May event kasi sa office at kailangan present ang mga magagandang binibini ng account namin. Bilang kami naman ay mahilig maging involved, inako na namin ang responsibilidad na maghanap ng mga kakailanganin sa nasabing event. Anyway, bumaba kami ng jeep sa AliMall. Duon na kami tumawid papuntang SM Cubao. Then, tawid ulit papuntang SaveMore. Paglabas ng SaveMore, pumasok naman kami ng Gateway Mall, then finally tawid ulit papuntang Farmers Plaza. Ang daming tao! Mainit! Pero na accomplish naman namin ang aming misyon sa Farmers Plaza. Bukod sa paghahanap ng mga tiara, nag ikot ikot din kami sa mga tiangge. Tumingin tingin at kumuha ng mga larawan ng mga bagay bagay na kulay orange! Mga kalahating oras din kaming naglagi sa Farmers Plaza. Si Billy, lumakad na papuntang sakayan ng Montalban. Ako naman, bumalik ng AliMall para duon naman sumakay papuntang Project 4. While walking, I could not help but notice how crowded Araneta Center had become. Hindi na ito yung Cubao na kinalakihan ko. Dugtong dutong na ang mga Malls. Halos matakpan na ng mga tinatayong kung ano anong structures ang Araneta Coliseum. Inilipat na ang Bus Station na dating nasa tapat ng Alimall. Wala na ang New Frontier Teatre. Nabura na rin sa mapa ng Cubao ang Fiesta Carnival. Giniba na ang lumang Rustans. Wala na ang COD na sikat tuwing pasko. Kabikabila na rin ang mga tinatayong mga Condominium. Bawat sulok, tila may mga orange barriers na tulad ng nasa larawan. Lahat ng dating tawiran, may naka harang! Ang sikip! Ang gulo! Ang lungkot tignan. Mas gusto ko parin ang hitsura ng dating Cubao.

Page 121

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s