CHAPTER THE SEVENTH

English only Policy

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Marso 8, 2014 at 1:03 hapon

20140308-125736.jpg
Day 67: ” ENGLISH ONLY POLICY “.

Nagkalat sa buong building ang poster na ito. Mula sa paglabas mo ng elevator, pagpasok sa floor, sa loob ng pantry, along the hallway, sa locker area, sa training room, pati na rin sa comfort room, sleeping quarters, and clinic, may mga nakapaskil na poster tulad nito! Hindi puwedeng hindi mo siya mapapansin kasi may kalakihan din naman ang poster na iyan. Kitang kita! Bumubulaga! Actually, simple lang naman ang mensahe ng poster: Speak in English all the time. It makes perfect sense to me! Why not? Call Center nga kasi. Kaya kailangan laging English ang salita. Nuong bago pa lang ako sa pag co-Call Center, talaga namang dinibdib kong maigi ang English only policy na ito. Kuntodo salita talaga ako ng English habang nasa loob ng office. Adhere kung adhere talaga! At talaga namang pinagpipilitan ko pang magka accent! Fake na fake naman ang dating! At miski nasa labas na ng office, at mga ka wave ko rin naman ang kausap ko, aba hahataw talaga ako sa pag sasalita ng English! Gusto ko kasi mapanindigan ang pagiging Kolzener Agent ko! Lalo akong nag mamagaling sa pag sasalita ng English kapag alam kong naririnig ako ng Trainor ko! Nag papaimpress din ako sa pag bitaw ng mga malalalim na English kapag may nakakasalubong akong mga Clients! Trying hard to impress people talaga ako! Push kung push! Walang pakundangan! Walang habas! Umaasa kasi ako na dahil sa effort at pakitang gilas ko, itatanghal akong pinaka mahusay! Akala ko bibigyan ako ng award! Aakyat sa stage! Sasalubungin ng masigabong palakpakan!  Papaulanan ng makulay na confetti! Sasabayan ng fireworks display. Sasabitan ng medalya! Hay those days! Looking back, nakakatawa na lang talaga. Ngayon, limang taon na ako sa Kolzener, umi-English parin naman ako. Pero sa calls lang. Kapag may kausap na customer. At kapag nakarinig ako ng mga tao sa building na dibdiban kung maka English, alam ko na agad na kung hindi sila Trainer, mga Newbies or Trainees sila! Oo nga pala, pumasok ako kanina. Rest day OT for 5 hours!

Page 125

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s