CHAPTER THE SEVENTH

Fish Crackers

In Mga larawan ng aking pusong nagpipilit sumaya on Marso 10, 2014 at 4:09 hapon

20140310-160646.jpg
Day 69: ” FISH CRACKERS “.

Ilang beses ko nang naikuwento na may ugali akong pabigla biglang nagbabago ang desisyon. Tulad na lang nung time na buong gabi kong ipinlano na kumain ng banana cue then the next day, nuong nasa harapan na ako ng nag titinda ng banana cue, biglang nag iba ang ihip ng hangin! Ang ending, iba naman ang binili at kinain ko – lumpiang togue! Marami akong mga ganung pabigla biglang moments! Dati nga nuong aktibo pa ako sa Teatro, may mga time na naka schedule na yung show, napagkasunduan na yung line up nang mga magtatanghal, ready na lahat ng gaganap, naka suot na nang costume, naka make up na, nag hihintay na lang ng takdang panahon, then all of a sudden, yung tipong ilang segundo na lang at papasok na ang mga audience, biglang maiisipan kong baguhin yung line up ng mga cast! Dahil din sa ugali kong iyan kaya nahihirapan akong mamili ng mga isusuot! Ilang oras kong titignan at iinspeksyunin ang isang damit, pantalon, shorts, or shoes. Then bandang huli, iba naman ang bibilhin ko. Kadalasan yung ni hindi ko man lang nabusisi mabuti ang kukunin ko. Nabanggit ko ito ngayon kasi kanina, pumunta ako ng grocery. Natatakam kasi ako sa Fish Crackers na La La. Favorite kong isinasawsaw sa suka na may sili at sibuyas ang La La. Gusto ko rin ng Strawberry Puffs, pampatanggal umay. So, pumunta nga ako ng grocery. Naka kuha na ako ng Strawberry Puffs, then nadaanan ko na yung area kung saan may Fish Crackers pero nilampasan ko. Bigla ko kasing naisip na imbes na Fish Crackers, Lucky Me instant pancit canton na lang. Umiral nanaman ang pabigla biglang pagbabago ng isip ko! Then nuong naka tingin na ako sa iba’t ibang variants ng Lucky Me, bigla akong natauhan! Naalala ko na ang ipinunta ko duon ay para bumili ng Fish Crackers na La La. Agad akong tumalikod, bumalik sa area kung saan ko nakita yun Fish Cracker, kumuha ng isa, dumiretso sa cashier, nagbayad, at lumabas! Ending? Natuwa naman ako at may isang moment akong maaalala kung saan naipagpatuloy ko ang aking original na plano! I guess, this only means one thing. Ready na akong panindigan ang isang plano at desisyon na matagal ko nang pinag isipan! Kaya ko ito!

Page 127

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s